You are on page 1of 1

Mary Ivory Ann Flores 12 ABM03A

Sa Kambas ng Lipunan
Ni Joey Velasco

Lahat ng tao ay may pantay pantay na karapatan ngunit iba-iba ang estado
ng mga buhay. Minsan ay kung sino pa ang mga nakakaangat sa buhay ay siya pang
salat sa pang-uunawa sa iba at meron ding hindi pinalad magkaroon ng magandang
buhay pero bukas palad pa rin para sa iba
Sa ating buhay lagi tayong naghahanap ng mga bagay na wala tayo at
meron sa iba. Kelan ba tayo makukuntento sa mga bagay na meron tayo? Kelan tayo
matututong magbigay sa iba at unawain ang kalagayan nila?
Habang pinapanood ang maikling bidyo tungkol sa mga batang hirap sa
buhay ay naimulat ang aking mga mata na maswerte pa pala ako dahil may nakakain
pa ako, may bahay na natutuluyan at may pamilyang nasasandalan. Kagaya ni Joey
Velasco ay kinwestyon ko ang aking sarili, Kelan ako tumulong sa iba? At kelan ba ako
nakuntento sa kung anong meron ako? Sa panahon ngayon ay unti unti na tayong
nilalamon ng ating mga luho, pera at kapangyarihan ni hindi na natin naiisip ang ibang
tao. Hindi ko maikakaila na ako, bilang estudyante, ay nabibihag din ng mga luhong ito
sa paraan na hindi ko nababatid, lalong lalo na ng mga maliliit na bagay. May mga
panahon na pinipilit ko ang aking gusto kahit hindi naman kaya. At minsan pa sa
sobrang pagkakamit ng aking mga luho ay nakakalimutan na an gating pinagmulan.
Dahil sa bidyo naintindihan ko ang bawat istorya ng iba’t ibang klase ng tao. Ipinakita
saakin na sa kahit anong antas, pagsubok at paghihirap ay hindi sapat na dahilan
upang sumuko. Nalaman ko na dapat saluduhan ang mga taong tinitiis ang kanilang
kahirapan at kumakayod upang mabuhay.
Ayon nga sa bidyo “Hindi sila nasanay na mahihirap, Tayo ang sanay na
mahirap sila” Itong linyang ito ay nagsasabing hindi porke mahihirap ay wala ng
pangarap, hindi porke mahirap ay sanay ng mahirap. At hindi porke mahirap ay wala ng
lugar sa mundo dahil sila ay may mga pangarap at hindi dapat maliitin.

You might also like