You are on page 1of 1

Piktoryal na Sanaysay

Ang bawat Pilipilno ay namumuhay sa gitna ng masikip na mundo. Nagsimula ito noong tayo ay
sinakop ng mga dayuhan. Tila ba napag-iiwanan na tayo ng panahon at habang lumiliipas ito, tayo ay
nananatiling nakakulong. Makabuluhan ang ating buhay ngunit dahil sa mga pangyayaring hindi
inaasahan, tayo ay nabulag sa katotohanan na tila ba tayo ay naglalakad sa kawalan. Walang
patutunguhan, walang masasandalan. Mga hadlang na pumipigil sa ating mamuhay ng Malaya at
pumipigil ssa ating mamuhay na payapa. Kagaya na lamang sa aking mga nararanasang kahirapan
kasama ang aking pamilya, lugmok at nawawalan na ng pag-asa. Ako ay nakakulong sa isang sitwasyon
na mahirap takasan, kakambal na ng aking buhay ang kahirapan.

Sa kasabila ng paghihirap na aking nararanasan, naging mabuti parin sa akin ang panahon. Marami
parin ang tumutulong at nag-aabot ng kanilng kamay upang damayan kami: taos pusong pagtulong ang
pinaparamdam at pinapakita sa aming pamilya. Pagmamahal at pagmamalasakit nila ang naging
sandalan. Hindi ko ramdam ang pag-iisa sa pakikipaglaban sa buhay sapagkat marami ang
nagmamalasakit at tumutulong sa akin at sa aking pamilyan upang tumayo at manindigan.

Ang susi sa kalayang hinahangad ko ay nasa mga kamay ko mismo, ngunit hindi ko magawang gamitin
ito upang makawala sa kahirapan ng buhay. Sa tulong ng mga magulang at mga kaibigan ko, naging
bukas ang puso ko sa paghahangad ng kalayaan ko. Sa kagustuhan kong makaahon, ang pagmamahal ng
aking pamilya at kapamilya ang naging susi ko.

Ang pintuan ng kapalaan ang pag-asa ko. Marami na akong mahirap na napagdaanan at ito ang naging
inspirasyon ko upang magpatuloy sa buhay. Nadapa man ako noon, taas noo akong tatayo ngayon. Ang
pagharap sa pinto ng kapalaran ay hindi madali, titingala ka at maghihirap ang iyong diwa. Kailangang
maging handa ka bago ka tumayo at manindigan. Ang pinto ang magbubukas ng bagong pag-asa sa akin
at sa aking pamilya.

Ngayong nakamtan ko na ang kalayaan, kalayaan na maghahatid sa akin sa aking patutunguhan.


Kalayaan na magbibigay sa akin ng kasiyahan at pag-asang walang hanggan. Bagong oportunidad ang
naghihintay sa akin, bagong anyo ng mundo anh haharap sa akin. Marami man ang nagdaan, ito ang
aking naging sandalan. Ipinanganak man akong mahirap, mamamatay akong nakaahon sa hirap.

You might also like