You are on page 1of 1

Deolito A. Retuerto Jr.

Masining na
Pagpapahayag
BSED FILIPINO I

HULING PASASALAMAT

Ang buhay ng tao ay isang malaking himala na kung saan sa siyam na buwan ay dinala
tayo ng ating mga mahal na ina sa kanilang sinapupunan. Inaruga at inalagaan tayo ng ating mga
magulang hanggang sa tayo’y magkamuwang sa mundong ito. Pero bawat buhay ay may
hangganan. Hindi natin alam kung kailan at saan tayo babawian ng buhay. Kaya kung sakali
mang bawian ako ng hininga. Nais kong pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng aking
buhay. Para sa aking mga magulang, hindi ko man masabi sa inyo araw-araw na mahal ko kayo.
Pero sana’y naramdaman niyo ito at labis ang aking pasasalamat sa pagmamahal at pag-aaruga
na binigay niyo sa mundong puno ng kalungkutan pero nag-uumapaw parin ang kaligayahan.
Naranasan ko mang masaktan, madapa, at masugatan, pero lahat ng ito ay naging bahagi
na ng aking buhay. Alam kung sa kabilang buhay ay hindi ko na mararanasan ang lahat ng ito
sapagkat alam kong magiging masaya ako doon at mapupuno ng kaligayahan sa piling ng ating
mahal na Panginoon. Sa aking pamilyang nagbigay kulay sa aking buhay, maraming salamat sa
inyo at mahal na mahal ko kayo. Hindi man ako naging perpektong anak, kapatid, kaibigan at
marami man akong nagawang pagkakamali sa buhay at sainyo gayunpaman, nais ko sanang
humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko at nagawan ko ng pagkakamali. Sa aking mga tapat
at mabubuting kaibigan, salamat at hindi niyo ako iniwan sa kasiyahan o kalungkutan man.
Salamat sa pagbibigay niyo ng saya at ngiti sa aking mga labi sa oras ng mga problema at
pagdurusa.
Pangarap ko may maabot o hindi na, ay hindi parin ako manghihinayang. Sapagkat kung
oras ay oras na, wala na tayong magagawa. Kung mangyari mang ako ay mawala, maaaring
nangangahulugang ito’y tapos na ang misyon ko mundong ito. Marami pa akong gustong
sabihin, ngunit sa aking pag-alis nais ko sanang huwag kayong maging malungkot,
manghinayang at bumaha ng luha. Maasahan niyong masaya akong aalis dala ang kaligayahan
sapagkat, nabigyan ako ng pagkakataon upang maranasan ang makulay na buhay at kagandahan
ng buhay sa mundong ito. Hangad ko lamang ang inyong kaligayahan at sana’y patuloy niyong
pahalagahan ang regalong buhay sa inyo. Alam kong darating din ang araw na magkikita-kita
tayong muli, doon sa piling ng ating mahal Panginoon. Hanggang dito na lamang.
Magpapahinga akong payapa kasama ang Panginoong nagbigay at bumawi sa regalong ito.
Huwag niyo sana akong kalimutan. Hanggang sa muli paalam.

You might also like