You are on page 1of 4

Paglimot

Saan ba ako magsisimula?


Nung una tayong nagkakilala at naging magkaibigan tayong
dalawa ?
O sa panahong naging tayo na?

Ang ating pagsasama ay puno ng galak at ligaya


Ang sabi nga ng iba “perfect couple” tayong dalawa
Dahil ang pangarap at hilig natin ay magkatugma.

Sabi mo sa akin ako na talaga


Ang babaeng pinapangarap mong makasama
Sa buong buhay mo, sa hirap at sa ginhawa
Sa lungkot man o saya.

Ngunit bakit mahal, ngayon nasaan ka na?


Iniwan mo akong nag iisa?
Hindi ka pa ba handa?
Ano ang nangyari aking sinta?
Hinayaan mo akong maging isang dalagang ina
Hinuhusgahan at kinukutya
Sapagkat ako raw ay disgrasyada at malanding dalaga
Kaya’t nabuntis ng maaga at walang tumayong ama
Sa aking dinadala.

Hindi ko alam mahal kung bakit mo ito nagawa,


Kung may kulang ba? O may iba?
Limang taong relasyon Mahal, sinayang mo
Kung kaylan sana’y magiging pamilya na tayo.

Mahal, halos nabaliw ako


Sa pag iisip nang mga dahilan kung bakit iniwan mo ako.
Bigla ka lang nawala nang sinabi kung buntis ako.
Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun ang ginawa mo.

Ibinigay ko naman lahat para sa iyo


Sinunod ko lahat ng kagustuhan mo
Buong puso’t kaluluwa inalay ko sayo
Kahit nga pangarap ko sinantabi ko para lamang sa iyo

Ang sakit, ang pait ng aking nadama.


Wala akong masandalan sa mundong mapanghusga
Pati pamilya ko ako ang sinisisi nila
Pagkat ako raw ay nagpakatanga

Minuto,oras, araw,linggo,buwan at taon akong nagdusa


Sa sakit at pait na dulot ng iyong paglisan sinta.
May panahong hindi ako halos makahinga
Sa hinagpis ng pusong tanga
Na umasang babalik ka at tayo ay magkakatuluyan pa

Ngunit ngayon Mahal, ako’y nagising na,


Sa mga pangarap ko na sanay magbalik ka pa.
Mahal parin kita pero tama na,
Ayoko na mahal, ang sakit sakit na, durog na durog na
Ang puso kung wala naming ginawa kundi and mahalin at
intindihin ka.
Tinatapos ko na ang aking mga pantasya.

Hinihiling ko mahal, na sanay nasa mabuti ka,


Masaya kahit sa piling pa ng iba,
Pinapatawad na kita Mahal, sa lahat ng iyong nagawa
Hinihiling ko lamang na sana ikaw ay nagbago na
Upang hindi na makapanakit ng damdamin ng iba.

Paalam mahal,paalam sa ating dalawa

You might also like