You are on page 1of 4

Naaalala ko pa ang mga panahong ako’y bata pa

Mga panahong walang problemang iniisip


Mga panahong kaysarap balik-balikan
Mga panahong nais balikan ngunit isa na lamang matamis na alaala ng nakaraan

Sumapit ang pasko na hindi tayo magkakasama


Sinalubong ang bagong taon ng hindi buo ang pamilya
At sa aking pag-uwi noong nakaraang bakasyon sa ating tahana’y
Kitang kita sa iyong mga labi kung gaano ka kasaya na muli akong masilayan makalipas ang
mahigit isang taong hindi natin pagkikita

Sa aking pag-uwi’y wala kang ibang hiniling


Walang ibang hiniling kundi ang manatili na lamang ulit sa bahay kasama kayo
Walang ibang hiniling na sana sa probinsiya na lang ulit ipagpatuloy ang aking pag-aaral
Ngunit huli na ang lahat at wala na akong magagawa para tuparin ang iyong mga hiling dahil
hindi na ako sanay na kasama ka at tiisin ang iyong kahigpitan, Pa.

Kinailangan ko ng lumuwas pabalik ng Maynila sa pagtatapos ng bakasyon


Tanda ko pa ang mga oras na huli nating pagkikita
Ako’y iyong hinagkan ng mahigpit na para bang ayaw mong pakawalan at ramdam ang
kalungkutang nakapinta sa iyong mukha
At iyong sinambit ang mga salitang
“Anak mag-iingat ka, mamimiss kita. Mahal na mahal ka ni Papa.”

Iyon na pala ang huli nating pagkikita


Iyon na pala ang huli nating pag-uusap
Iyon na pala ang huling pagkakataon para masilayan ka
Iyon na pala ang aking huling bakasyon na may mauuwian pa ako’t matatawag kong Papa”

Lumipas na naman ang pasko at sumapit bagong taon na hindi tayo salo-salo sa noche huena at
media noche
At sa taong ito, buwan ng Pebrero
Nakatanggap ako ng tawag mula sayo
Agad na sinagot at hindi maunawaan kung bakit parang nagpapaalam ka na at sinambit ang mga
salitang nagpabagsak ng aking mga luha, “Anak kilala mo pa ba ako? Kilala mo pa ba ang papa
mo?”

 
Sa paglipas ng ilang araw at gabi ako’y sarap na sarap sa aking pagtulog at nagising dahil sa ingay
na nililikha ng aking luhaang kapatid
Kaba at takot ang aking naramdaman sa balitang kanyang inihatid
Itinakbo ka raw sa ospital dahil sa iyong karamdaman
Kailangan naming umuwi ng aking kapatid noong mga panahong iyon ngunit mas pinili kong
magpaiwan sa kadahilanang may pasok pa ako

Hindi ako nakatulog, nakatitig lamang sa kisame habang unti unting pumapatak ang aking mga
luha
Sana lumaban ka at nagpakatatag ka noong mga panahong iyon
Sana naisip mo na maraming nagmamahal sayo na iyong maiiwan noong mga panahong iyon

Sana’y nakausap man lamang kita

Hanggang sa dumating ang oras na aming kinatatakutan, nakatanggap akong tawag mula ka’y
Mama
Humahagulgol at hindi maintindihan ang mga salitang lumalabas sa kanyang mga bibig
Nanikip ang aking dibdib at nanginig ang buong katawan “Umuwi ka na, iniwanan na niya tayo.
Wala na ang papa mo.”
Paulit-ulit niya itong sinambit mula sa telepono at walang ibang naging reaksyon kundi ang
matulala’t hayaang bumagsak ang patak ng aking mga luha kasabay ng pagbugso ng makas ng
ulan

Hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na iyon

Hindi alam kung anong klaseng biro ito at parang totoong totoo
Bakit bigla mo nakang kami iniwan ng walang pasabi
Bakit ngayon pa at hindi ko pa natutupad lahat ng pangarap ko sa ating pamilya?

Hindi man ikaw ang pinakaperpektong ama, ikaw pa rin ang nagiisang haligi ng ating tahanan
Amang walang ibang ginawa kundi ang ilaan ang lahat ng oras ng pagtatrabaho para sa pamilya at
kayang tiisin lahat ng pagod at hirap
Titiisin ang lahat ng pagod at hirap kahit may sakit na palang matagal ng inililihim
Sakit na inilihim na amin lamang natuklasan ng huli na ang lahat at sa iyong pagpanaw bago
sumapit ang takip-silim

Hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ang malagim na pangyayari


Pangyayaring bumago sa takbo ng aming buhay
Sa aking sarili na minsa’y nang napuno ng poot at galit na ngayo’y napuno ng sakit, lungkot at
pagsisisi

2 Mikee Lester R. Maligro


Poblacion, Barobo, Surigao del Sur
Mobile Phone: 09076688108
Email: mikkoy101814@gmail.com – Phone – Email
Pagsisisi na sana noong buhay ka pa ipinaramdam ko sa’yo kung gaano kita kamahal at kahalaga
sakin bilang isang ama

Mga poot, galit at sama ng loob na aking itinanim sa puso


Mga itinanim sa puso na ako rin mismo ang umani at parang gumuho ang aking mundo
Ang mundo kung saan ikaw, ako, at ang pamilya’y masaya pa at magkakasama
Magkakasama sa bawat saya, lungkot, hirap at pagpupuntagi ng pamilya

Kailan ma’y hindi ka makakalimutang ika’y isang dakilang ama


Ama na wala ng ibang inisip kundi ang kanyang pamilya
Pamilyang kailan man hindi ka iiwan at patuloy kang mamahalin
Patuloy kang mamahalin hangga’t nabubuhay pa at ang sakit na nadarama’y aming titiisin

Mga tanong na nagliliparan sa aking isipan na hindi masagot-sagot


Hindi masagot-sagot kung bakit kaybilis ng iyong pag-alis kaya heto ngayon hirap na hirap sa
paglimot
Hirap sa paglimot sa napakapait na karanasan at sakit na iyong iniwan
Bakit mo kami iniwan ng hindi sinabi sa amin kung ano ang tunay na dahilan

Sa kabila ng lahat ng sakit, pipiliting maging masaya


Pipiliting maging masaya at malakas hanggang mawala ang sakit na nadarama
Mga sakit na nadarama tuwing naaalala ka
Tuwing naaalala ka ako’y napapaisip at napapatanong, babalik ka pa ba?

Ganito pala ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay


Ganito pala ang pakiramdam na patawarin ang isang tao kung kailan huli na amg lahat
Ganito pala, sobrang sakit parang kalahati ng katawan mo’y namatay na rin
Ganito pala ang pakiramdam ng walang ama at wala ng mmatatawag pang “Papa.”

Siguro’y oras na
Oras na para patawarin ka
Oras na para sabihin kung gaano kita kamahal at miss na miss na kita
Oras na para tanggapin namin na kailan ma’y hindi ka na babalik pa at mananatili ka na lamang
isang magandang alaala

3 Mikee Lester R. Maligro


Poblacion, Barobo, Surigao del Sur
Mobile Phone: 09076688108
Email: mikkoy101814@gmail.com – Phone – Email
Ito na ang tamang panahon
Tamang panahon para palayain ka at palayain ang sarili mula sa pagkakakulong
Mula sa pagkakakulong sa lahat ng sakit na nadaram
Mga sakit na nadarama at balang araw ito ay aking magiging kalakasan

Sana’y masaya ka na sa bago mong tahanan


Sana maiabot mo sa Diyos lahat ng aming mga hiling at dasal

Umaasa akong magkakasama tayo muli


Sa tahanang puno ng pagmamahalan, ang tahanan ng Diyos

Sana’y panaginip lamang ang lahat


Ang lahat ng aking nararanasan
Nararanasang may bahid ng sakit, lungkot, at pangungulila
Pangungulila sa isang haligi ng tahanan na tinatawag nating itay, daddy, erpat, ama, tatang, tatay,
o papa.

4 Mikee Lester R. Maligro


Poblacion, Barobo, Surigao del Sur
Mobile Phone: 09076688108
Email: mikkoy101814@gmail.com – Phone – Email

You might also like