You are on page 1of 2

PAMPERSONAL: BUKAS NA LIHAM PARA SA AKING MAGULANG

Phase 8A Laon laan St. Calmar Homes

Lucena City, Quezon Province

Nobyembre 03, 2021

MAHAL KONG MAMA AT PAPA,

Siguro’y kukulangin ang papel na aking sinusulatan at tinta ng aking

ballpen sa dami ng gusto kong sabihin sa inyo. Paano ko ba ito sisimulan?

Una po sa lahat, lubos po akong nagpapasalamat sa walang sawang pag-aalaga

at pag-aaruga sa amin kahit minsan kami ay sumusuway at tila naliligaw na

sa magulong landas. Ngunit dahil sa inyong mga payo ay nagawa pa rin naming

labanan lahat ng kasamaan at hindi magagandang gawi na ginagawa ng mga

kabataan sa panahon ngayon. Salamat po dahil kayo’y aming naging sandalan

kapag kami ay may problema. At maraming maraming salamat po dahil inilapit

niyo po kami sa Panginoong Diyos at tinurang makatakot sa Kaniya. Kami

na marahil ng mga kapatid ko ang pinakaswerteng nilalang sa mundo dahil

sa mga magagandang asal at payo na inyong pinapangaral sa amin araw-araw

na hinding hindi naming makakalimutan at laging isasaisip hanggang sa aming

huling hininga.

Ikalawa, mula po sa aking puso gusto ko pong humingi ng patawad.

Patawad po sa lahat. Alam kong kulang ang mga salitang ito para humingi

ng tawad sa lahat ng sakit sa ulo, hirap at pasakit na aming nagagawa.


Pasensya po sa lahat ng kunsumisyon at problema na aming ibinibigay sa inyo,

mapatungkol man ito sa aming sarili, pag-aaral o kung anu ano pa. Patawad

po sa mga araw na lumilipas na kinagagalitan naming kayo at kung minsan

ay nagdadabog pa kami. Subalit kung wala kayo sa aming tabi, siguro’y wala

na rin kami dahil hindi namin mahaharap ang isang umaga na may ngiti sa

aming mga labi kung hindi dahil sa inyo. Kaya salamat po sa lahat Ma at

Pa. Kayo na po ang pinakamagaling na guro na aking nakilala at aking tutularan

pagdating ng araw kapag ako’y naging isang guro na. Tinuruan niyo po kaming

maging matatag, masiyahin, tumayo sa aming sariling paa at ngitian lahat

ng problema dahil tulad nga ng lagi ninyong sinasabi “ Lahat ng bagay ay may

dahilan”, kaya ito ako ngayon tinutupad lahat panagarap ko para sa inyo

upang masuklian ko lahat ng paghihirap ninyosimula ng ako ay isinilang. Ilang

taon pa ang bibilangin bago ako makapagtapos ngunit isinisigurado ko na akin

kayong aalagaan sa inyong pagtanda at mamahalin kayo buong puso. Kaya

Mama at Papa, relax lang muna kayo ha, babawi po ako. Marami pa akong

pangarap na tutuparin upang maging maganda at puno ng kasiyahan ang

gating araw-araw na pamumuhay. Hindi ko na po papahabain pa, mag-iingat

po kayong palagi. Maraming salamat po sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo!.

Nagmamahal,

Cherrylou

You might also like