You are on page 1of 3

Maliban sa aming Ina

Ikaw ang itinuring naming bumuo sa aming pagkabata,


Mga masasayang ala ala kasama ka,
Ay parating bitbit hanggang sa pagtanda

Hindi nagrereklamo sa maliit na sweldo


Pero ginagawa pa rin ang sinumpaang trabaho
Pumapasok ng maaga upang hindi makaltasan ang sweldo
At mahalaga sa’yo ang bawat segundo’t minuto.

Ipapangako ko sayo
Di makakalimutan ang ala ala at sakripisyo mo
Balang araw, magiging propesyonal din ako na kagaya mo
At haharap sayo at siguradong ipagmamalaki mo ako na minsa’y naging estudyante mo.

Lahat ng mga sermon mo ay gagamitin ko


Para makumpleto ang mga pagkukulang ko
At aaminin ko na nagagalit din ako kapag kamiy sinisigawan mo, pero biglang papasok sa isipan ko na
“mahal pala kami ng gurong ito”
Dahil alam namin sa pusot isip mo ay may malasakit ka sa mga estudyante mo

Salamat aming Ina


Alam kong hindi matutumbasan ang salamat na salita
Malaking pasasalamat ko na ikaw ang naging guro ko at itinuturing kong malaking biyaya ka sa harap ng
mga estudyante mo
At sa aming nagawang kasalanan sayo at sa lahat ng naidulot naming sakit sa iyong ulo patawad po,
aming Guro.
“Dalagang Pilipina” ang turing ko sa kanya.
Hindi sa pagiging mahinhin niya,
Kundi ang kabaitang naipapakita niya.
Talaga ngang hinahangaan ko siya.

Hindi sa paghahawi ng kanyang buhok


Hindi sa pagngingiwi ng mukha-
Upang ang tao’y sayo ay tumutok
Kundi kung gaano kabukal ang puso mo para sa iyong kapwa.

Hindi siya ang pinakamaganda sa lahat.


Hindi siya ang may pinaka makinis na balat.
Ngunit kung tutuusin,
Marami na siyang nagawang hindi niyo aakalain.

Guro, ikaw ay mananatiling dalaga-


Dalagang ipagmamalaki ng kahit na sinuman.
Dalagang manliligtas ng kabataan
Sa kung saan ang tutunguhin ng kanilang mga paa.

Kasabay ng pagtugtog ng musika.


Ay siya ding pagtanaw ko sa kanya.
At makikita kung gaano siya kasaya
Na inaalay ko sa kanya ang kantang “Dalagang Pilipina”.
4.
Salamat sa inyo aming mga guro
Buhay naging matiwasay dahil sa inyong mga turo-
Turong dadalhin saan man patungo
At magbibigay gabay sa isang tulad naming mga musmos pa lamang.

Kayo’y nagsilbing pangalawang magulang


Tinuturuan kapag kami’y nahihirapan
Hindi sumusuko kahit mahirap kaming turuan
At parating andiyan kahit anong oras pa yan.

Napapagod pero di pinapakita


Pero kahit ganon, nakukuha niyo paring tumawa-
Tumawa para di namin makita na kayo’y pagod na-
Pagod na turuan kaming mga batang pasaway.

Di nagsasawang turuan dahil gusto niyo kami maging matiwasay


Sana inyo kaming mapatawad sa mga nagawa naming mali-
Mali na kayo’y sumbatan nang masasama,
O pagsalitaan ng masasakit na salita.

Maraming salamat sa lahat aming mga guro


Salamat sa paggabay, pagsuporta, pag-alaga sa amin,
Araw-araw na pagtitiyagang pagtuturo sa amin
Muli, maraming salamat sa lahat-lahat ng inyong mga ginagawa para sa amin.

You might also like