You are on page 1of 2

'Nay (lola), natatakot ako'

Nay, simula na ako'y nagkamalay


Ikaw ay nakakaalalay
Sa bawat araw, ikay aking karamay
Sa bawat hakbang ko, ikay'y nakagabay

Nay, pasensya ka na
Kung hindi na kita kinakamusta
Pasensya ka na, kung lagi kitang nakakalimutan
Marami kase akong ginagawa
Ngunit ako pa rin ito, yung apo mong
Mahal na mahal ka

Nay, sa bawat umaga na ika'y aking kasama,


Sa paghahanda mo ng aming pagkain
na nasobrahan sa asin
Sa mga sermon mong nagpapaiyak sa akin
Sa bawat pagsuway mo sa pagpupuyat ko gabi-gabi
Sa bawat reklamo ko na ako'y pagod na,
Mas pagod ka pala...

Nay, gusto kong bumalik sa aking pagkabata


Mga panahong akoy bata pa,
Na ika'y laging kasama san man magpunta
Sa mga kwento mong hindi ko maintindihan
Dahil inuuna mo ang iyong pagtawa
Sa bawat pagsekreto mong pag-bigay ng pera sa akin,
Malagyan mo lang ng ngiti ang aking magagandang labi

Ngunit ngayon, kung gabi na lang tayo magkita


Madalas pa nga, hindi man lang kita makamusta
Kug ayos ka lang ba?
Bago man lang humiga sa aking kama
Dahil sa reklamo kong, akoy pagod na
Ngunit mas pagod ka pala

Nay natatakot ako, sa bawat paglipas ng oras at panahon na hindi kita kasama
Natatakot ako, baka hindi ko na matikman ang maaalat mong luto
Natatakot ako, baka hindi ko mapakinggan ang bawat sermon mong, dinadamdam ko
Natatakot ako, baka isang araw pag-uwi ko'y wala ka na

Nay, magiging makasarili ba ko


Kung sasabihin ko na wag naman muna..
Hindi pa ko handa
Sa bawat umaga na wala ka
hindi pa ko handa
na kumain ng luto ng iba
hindi pa ko handa
na walang magsesermon saking tuwing umaga
hindi pa ko handa
n walang magsasaway sa pagpuuyat ko gabi gabi
Hindi pa ko handa
na maging matapang na harapin ang aking kinakatakutan
Hinda pa ko handa
Sa pagmulat ng aking mga mata na hindi na kita makikita

Nay, gabi-gabi kong pinagdadasal sa diyos


Na ikaw ang gusto kong makasama
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot at ligaya
Nay, sa aking tagumpay gusto ko saksi ang iyong mga mata
Mga mata at ngiti mong nagsasabing
' Proud ako sayo apo'

You might also like