You are on page 1of 1

“Tula Para Kay Ina”

Ni: Adryn S. Salaver

Sa pagsikat ni Pebo sa dakong Silangan


Boses ni Ina agad naulinagan,
Salamat Diyos ko! Ang aking nasambit
‘Pagkat magandang tinig, aking nadinig.

Salamat Ina sa alay mong pag- ibig


Pag- ibig, na hatid ay tuwa at galak;
Galak na nag- uumapaw sa dibdib
Dibdib ko na puno ng pasasalamat.

Sa aking bibig, hindi man namutawi


Mga katagang mahal kita ‘king Ina;
Aking sinisigurado ito’y alam mo,
‘Pagkat sa’king kilos ito’y makikita.

Ina, patawad sa mga kasalanan


Kasalanang nagdulot ng kapaitan,
Kapaitang nagbunga ng kabiguan,
Kabiguan na sana’y yong kalimutan.

Ang tanging pangako ko, sa iyo Ina


Lahat ng pawis mo’y susuklian ko;
Pagmamahal, respeto’t pag- aalaga,
Ito’y kapitan ‘pagkat mula sa puso.

Asahan mo Ina, ang aking pangako


Pangakong tutupdin, hindi magbabago,
Magbago man ang lahat pero ‘di tayo,
Tayo na ‘pag nagsama lahat ay kaya.

You might also like