You are on page 1of 1

Para sa mga minamahal kong magulang,

Salamat! Salamat po sa lahat ng binigay niyo sa akin. Salamat sa mga bagay na binigay,
niregalo at iba pa sa sakin. Nagpapasalamat ako sainyo dahil palagi kayong nandiyan para
suportahan ako sa mga landas na tinatahak ko. Nagpapasalamat ako dahil palagi kayong
nandiyan sa tuwing kailangan ko ng tulong. Palagi kayong handang tumulong sa mga anak niyo
na nanghihingi ng tulong sa t’wing nahihirapan sila sa kahit anong bagay. Nagpapasalamat ako
dahil binibigay niyo sa amin ang aming pangangailangan at ang aming mga gusto.
Salamat sa pag-gabay sa amin sa bawat yapak na aming tinatahak. Salamat sa
pagbibigay sa amin ng kalakasan sa tuwing kami’y may problema. Salamat sa pagbibigay
kaligayahan sa amin sa t’wing kami’y nalulungkot. Kayo na ang nagging buhay namin. Kung wala
kayo, wala rin kami dito sa mundong ito. Kayo ang nagbibigay kahulugan sa aming mga buhay.
Kayo ang palaging andiyan para itama ang mga pagkakamali namin. Nagpapasalamat ako sa
Diyos dahil mayroon akong magulang na katulad niyo. Nagpapasalamat ako sa Kaniya dahil
ginawa niya kayong parte ng aking buhay. Salamat sa lahat. 

Ang inyong bunsong anak,


Lean Amara Villar

You might also like