You are on page 1of 1

Magulang

Ni: Rommel C. Zafra

Mula pagkabata hanggang ngayong ako’y nagka-edad na ay sa inyo pa rin umaasa. Ewan ko ba kung
bakit hindi ko kayong magawang iwanan nang matagal na panahon. Kahit na minsan nga ay naiinis na ako dahil
sa edad kong tatlumpo’t dalawa ay pakiramdam ko ay isa pa rin akong paslit na hindi kayang tumayo sa sariling
mga paa. “Tah, baga daw kit sine an bata nga paulion/pagparasawayon/hulton pa!”, ‘yan palagi ang sinabi
sa tuwing pagsasabihan moa ko. Kaya nga minsan, hindi nalang ako nagpapaalam sa inyo kung saan ako
pupunta. Minsan nga naisip ko na kaya siguro single pa rin ako ngayon kasi madalas na pinagbabawalan niyo
akong lumabas ng bahay at gumimik kahit na ngayong ako ay may trabaho na.

Siguro kailanman hindi ko mararanasang maging isang tunay na magulang dahil sa kakaiba ako sa
aming magkakapatid. Ako kasi ang kuya/ate sa amin. Ako na nga mismo sa inyo ang nagsabi na, “Pa, Ma,
ayaw nala kam sa akon pag-expect na matatagan ko kamo apo ha. Balay, pwede pa. Pero ang apo, ipapasa ko
na lang ‘yan sa dalawa kong kapatid. Sila na lang ang magbibigay sa inyo niyan.” Alam kong tanggap niyo
ako sa kung ano man ako. Siyempre, anak niyo ako eh. So malamang sa alamang, tatanggapin niyo talaga ako.
Ramdam ko rin ang pagmamahal at suporta niyo sa akin. Manghang-mangha nga mga kaibigan ko sa akin eh.
Akalain niyo ba naman na imbes na pangalan or nickname ko gamitin niyo sa pagtawag sa akin sa tuwing may
naghahanap na kaibigan sa akin, eh “yot!” ang iyong nasasambit. Oh, ‘di ba? May basbas na ni inay ang
pagiging diyosa ko, ‘chos! Minsan nga parang gusto ko ng itanong sa kanila kung pwede na ba akong magjowa
pero hindi ko lang tinutuloy baka mapalayas pa ako sa bahay. Kaya hanggang ngayon, sa edad kong lampas na
sa kalendaryo, eh single at hanggang “crush” pa rin ang level ko. Ingat na ingat kasi ako na huwag mapahiya
ang apelyido natin. Ang dami ko pa naming mga kamag-anak na nagkalat sa Calbayog. Feeling ko marami ang
nakasubaybay sa mga kilos ko or sadyang “feelingero” lang talaga ako. Well, at least may feelings, ika nga
nila.

Palagi kayong nandiyan sa oras na kailangan naming kayo. Sa tuwing nagkakasakit kami, andiyan
kayo nag-aalaga kahit nga minsan parang naging kasalan pa namin na nagkasakit kami kasi habang inaaruga
ay may kasama pang sermon ‘yon. Sa bawat kabiguan at tagumpay, lagi kayong nakaalalay.

Pero naiintindihan ko naman kung bakit ganon nalang ang pag-aalala niyo sa akin kasi alam kong walang
magulang ang may gustong may masamang mangyari sa kanilang mga anak. Ang magulang ay magulang kahit
na magsitanda na mga anak nila, mananatiling mga magulang pa rin natin sila.

Pa, Ma, ‘di ‘ata uso sa aming magkakapatid ang pagiging showy ng aming emosyon. Minsan nga
napapagalitan pa kayo naming kahit nga may mga oras na dahil sa may katandaan na kayo ay ‘di niyo na
marinig ‘yong sinabi naming. Kaya may mga inulits moment. Kaya sa papamagitan nitong monologo ay
ipapaabot ko sa inyo ang aking walang hanggang pasasalamat at pagmamahal. Hindi ako, kami, pwedeng mamili
ng magiging magulang pero kung papipiliin man kami, kayo pa rin ang pipiliin naming. Kahit wala tayong
maraming pera, magarang kotse (kasi nga naman saan naman ipapark ‘yong kotse eh ‘di pa nga ayos bahay
natin ‘di ba?), mayaman naman tayo sa pagmamahal. Abi pa gani sa binisaya, “Bahala’g saging basta
loving. Bahala’g ginagmay basta kanunay.”

You might also like