You are on page 1of 2

PAGLAYA

Sisimulan natin ang tulang ito sa pagsisimula ng ating kwento

Kwento nating dalawa, na Diyos ang may likha

Na ginabayan naman ng direktor na si TADHANA

At ang artistang gaganap ay walang iba kundi tayong dalawa

Hayaan mo akong umpisahan ang ating kwentong matamis ang panimula

Sisimulan ko sa umpisa ang ating istorya

Istoryang binuo nating dalawang magkasama

Pagmamahalang puno ng saya

Nagsimula ang lahat ng ika'y aking nakita

Sa taglay mong halina, ako'y nahumaling na at batid kong ako'y napa-ibig pa

Sa ngitian tayo nagsimula na nagdulot sa akin ng sobrang saya

At lumipas ang araw lagi na kitang nakakasama at sa pagdaan ng panahon may nabuong pagtitinginan sa
pagitan nating dalawa

Nung una ikaw lang at ako

Ngunit di naglaon nagkaroon ng tayo

May mundong nabuo kung saan naroon tayo

Isang paraiso na napakaganda kung saan nandoon tayong dalawa

Tayong dalawa na masaya at walang prinoproblema

Isa...Dalawa...Tatlo...Apat... Lima...

Maraming beses at paulit-ulit ang salitang mahal kita

Mula sayo aking sinta, nakakatanga, nakakatawa, pero mahal habang tayo ay nagtatagal, parang puso
ko'y napapagal sa mga ginagawa mo ako'y nasasakal

Bakit nagbago ang dating samahan, bakit mahal?

Nagkulang ba ako?

Lahat naman ginawa ko

Lahat tinitiis ko

Kahit hirap na hirap na ako


Ako... ako yung laging umiintindi sa ugali mo

Ako...ako na palaging humihingi ng tawad pag magkaaway tayo

Lagi kong tinatanong sa sarili ko,kung mahal mopa ba ako?

O hinihintay mo nalang ang pagbitaw ko?

Ngunit patuloy parin akong lumalaban pero dapat pa ba kitang ipaglaban

Kung ikaw na mismo ang nagbibigay ng dahilan para sa hiwalayan.

Gusto kong malaman sayo ang kung totoo pa ba ang nararamdaman mo

O baka iba na ang laman ng puso't isipan mo

Ngunit sa pagdaan ng mga araw nagkaroon ng kasagutan ang aking mga katanungan dahil naging alaala
nalang ang salitang "TAYO"

Minahal kita kahit sobrang sakit, pero naiintindihan ko dahil ang pagmamahal ay puno ng pasakit

Diko alam kung saan ako nagkulang basta't ang alam ko'y minahal kita ng walang pag aalinlangan

Ika'y aking pinaglaban ngunit ang aking pinaglaban ay iniwan akong biglaan

Iniwan ako ng diko alam ang dahilan

Iniwan akong sugatan

Iniwan akong luhaan

Iniwan akong walang kalaban-laban

Dumating ang ating relasyon sa katapusan, pero sinubukan ko itong labanan ngunit umuwi parin akong
luhaan

Ngunit isang bagay ang aking natutunan, na totoo palang may hangganan

"WALA", dito tayo nagsimula, dito rin tayo napunta

Parang isang panaginip na maganda, na kapag nagising ka naglaho na parang bula

Nagsimula tayong masaya

Ngunit natapos sa pagbuhos ng mga luha

Gustong gusto kong malaman mo

Mahal kita

Mahal na mahal kita

Ngunit malaya kana.

You might also like