You are on page 1of 2

Ulan sa Araw

Pikit-mata, buntong-hininga, mga luhang dumadaloy sa mata


At pusong napapagod na.. Napapagod nang umasa
Napapagod nang maghintay.
Kapag minahal ba kita mamahalin mo rin ako?
Ay mali, mahal nap ala kitapero may mahal ka ng iba.

Nakatayo sa lilim ng puno,Nakatingin sa malayo


Nag-iintay ng oras, nag-iintay na makita ka
Dahil sabi mo may sasabihin ka
Hindi naman sa umaasa pero baka ito na yon.
Baka dahil sa napapatawa kita, sinasamahan kapag nag-iisa ka
Dinadamayan kapag nalulungkot ka.

Naaalala ko pa noong una tayong nagkita


Nakaupo ka sa isang tabi, umiiyak
Hindi ko alam pero inabutan kita ng panyo
Nagulat ka kasi hindi naman tayo magkakilala
Naupo ako sa tabi mo at tinong kita kung bakit ka umiiyak
Mas nauna ko pang itanong ang bakit kesa sa pangalan mo
Ngumiti ka at inabot ang iyong kamay
Nagkwento ka, nagpasalamat ka pa
Dahil sabi mo kahit papaano nagkaroon ka ng karamay
Simula noon lagi na tayong magkasama, lagi na tayong nagkikita
Hanggang sa hindi ko namamalayan, nahuhuog nap ala ako sa’yo
Oo, ganoong kabilis at hindi ko rin alam kung bakit

Naalala ko rin noong sinorpresa mo ako sa araw ng kaarawan ko


Hinandugan mo pa ako ng awitin habang naggigitara ka
Para akong isang prinsipe sa ginawa mo
Di mo alam kung paano mo ako napasaya
At ang pinakahindi ko makalimutan sa lahat ay ang sinabi mong
“para ito sa isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko”
At sa sobrang tuwa ko ay nayakap na lang kita bigla

Pero tila di umaayon sa akin ang tadhana


Ilang araw na kitang hindi nakikita
Hindi ko na rin alam kung nasaan ka na at kung sino ang lagi mong kasama
Sino na ang naghahatid sa’yo pauwi
Hanggang sa nagtext ka, sabi mo may sasabihin kang mahalaga
Kinabahan ako pero mas nangingibabaw ang saya
Di ako nakatulog ng sandaling iyon

At ito na nga
Nakita kitang nakangiting papalapit sa akin
Tinanong mo ako kung kanina pa ako
Pero ayos lang naman sa akin kahit gaano katagal akong maghintay sa’yo
Hinawakan mo ang kamay ko
Pero di ko inaasahan ang narinig ko “ kami na ulit, nagkabalikan na kami’
At tila gumuho ang mundo ko
Medyo naguluhan ako, tinanong kita kung ano ng aba tayo, kung sino ng aba ako para sa’yo
At sinabi mong bestfriend mo lang pala ako, bestfriend mo lang ako
Binitawan moa ng kamay ko
Akala ko pareho tayo ng nararamdaman pero hindi pala
Umalis ako at iniwan ka kasabay ng unti-unting pagpatak ng luha sa aking mata

Sana nung una pa lang binalaan mo na ako


Sana sinabi mo na laro-laro lang pala ito, na iba talaga ang mahal mo
Sana sinabi mo na gagamitin mo lang pala ako
E di sana pinigilan ko ang aking puso
Pero alam kong wala akong karapatang magalit dahil ako lang naman itong umasa
Alam kong wala akong karapatang lumaban dahil wala naman akong pinanghahawakan
Alam kong wala kang dapat palayain dahil hindi ka naman naging akin
Alam ko! Alam ko! Ang daling alamin pero ang hirap tanggapin
Na hindi ka pala pwedeng maging akin
Para pala akong tanga na naghihintay umulan kahit ang init-init naman
Para akong tanga na naghintay na mahalin mo
Pero nalimutan kong tanungin ko kung nakalimot ka na ba ?

You might also like