You are on page 1of 5

Jesus the Nazarene Academy of Binmaley

(A Binmaley Catholic School, Inc. Annex)


Dulag, Binmaley, Pangasinan
Junior High School Department
S. Y. 2018 - 2019

Unang Mahabang Pagsusulit


sa
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: ______________________________LRN: ____________________Petsa: __________


Baitang at Pangkat: __________________________________________Marka: _____________

Pamantayan ng Pagkatuto: Nailalahad ang mga pisikal na katangian ng Asya at ang mga
likas na yaman nito.

I. Maraming Pagpipilian
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag o katanungan at piliin ang sagot mula
sa mga pagpipilian. Isulat ang sagot sa espasyo bago ang bilang.
_____1. Ito ay hango sa salitang Griyego na “geo” na nangangahulugang “daigdig”
at “graphein” na nangangahulugang “pagsulat” o “paglalarawan” ng pisikal na
kaayusan ng balat ng lupa.
A. Rehiyon B. Kontinente C. Heograpiya D. Asya
_____2. Kung ang Bundok ng Everest ang pinakamataas na bundok sa daigdig, ang
itinuturing naman na pinakamalaking lawa sa buong daigdig ay ang
_____________.
A. Caspian Sea B. Lawa ng Laguna C. Dead Sea D. Lawa ng Baikal
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. India B. Pakistan C. Thailand D. Bangladesh
_____4. Ang mga halimbawa ng anyong lupang ito ay Rub’ al Khali, Turkestan, Thar
at Gobi. Ano ito?
A. Isthmus B. Peninsula C. Pulo D. Disyerto
_____5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Grassland O Steppe?
A. Nagtataglay ng napakalamig at mayelong klima.
B. Ito ay binubuo ng malalawak na kagubatang coniferous.
C. May malalawak na damuhang lupain.
D. Likas sa ganitong uri ng lupain ang mga punong tropical deciduous.
_____6. Tumutukoy ito sa nagaganap na ugnayan sa pagitan ng mga may buhay at walang
buhay na mga organismo.
A. Cross border C. Sustainable Development
B. Ecosystem D. Global Warming
_____7. Ang Altitud ay isang salik na sanhi ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng
klima sa Asya. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Altitud?
A. Tawag sa taas ng isang pook o lupain mula sea level o kapantay ng
dagat.
B. Ito ay isang natatanging hanging nararanasan sa Asya.
C. Distansiya mula sa hilaga o timog ng ekwador na nasusukat sa digri.
D. Ang kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng
nakatakdang oras.
_____8. Ang rehiyong ito ng Asya ay mayaman sa mga kapatagan at gilid ng mga bundok
na ginagawang sakahan, kagubatan, mineral, at hydroelectric power.
A. Silangang Asya C. Timog Asya
B. Timog-silangang Asya D. Kanlurang Asya

1
_____9. Ito ang kinkilalang pinakamahabang ilog sa Asya na may habang 6,380
kilometro.
A. Ilog Yangtze C. Ilog Mekong
B. Ilog Tigris D. Ilog Euphrates
_____10. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa Klimang Temperate, maliban sa:
A. Mahalumigmig ang klima sa gitnang latitud.
B. Nakalatag sa pagitan ng 60 digri latitud at 23 digri latitud pahilaga
at patimog.
C. Higit na malamig ang klima sa rehiyong ito kaysa sa ibang rehiyon.
D. Nakalatag mula 60 digri latitud hanggang sa polong hilaga o polong
timog.
_____11. Ito ay kinikilalang pinakabanal na bundok ng Hapon na katatagpuan ng mga
templong Shinto.
A. Mount Emei B. Mount Kailash C. Mount Fuji D. Mount Jain
_____12. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Erosion?
A. Tumutukoy sa pag-alat ng lupain bunsod ng labis na paghalo ng tubig-
alat sa ibabaw ng lupa.
B. Tumutukoy sa kontaminasyong nagmumula sa isang bansa na nagdudulot ng
pinsala sa kapaligiran ng ibang bansa.
C. Tumutukoy sa pagbaba ng kalidad ng lupain bunsod ng pagkaubos ng
natural na deposito ng lupain gawa ng pag-agos ng tubig, yelo, at hangin.
D. Tumutukoy sa pagdumi o kontaminasyon ng hangin, tubig, at lupain bunga
ng labis na paggamit at pagtatapon ng mga bagay na nakalason sa
kapaligiran.
_____13. Ito ay salitang Ruso na nangangahulugang “kapatagang latian” o marshy
plains.
A. Tundra B. Taiga C. Steppe D. Conifer
_____14. Ayon sa Marine Conservation International, ito ang kinikilalang
pinakamayamang coral reef ecosystem sa buong daigdig sa kasalukuyan.
A. Rajah Ampat B. Chao Phraya C. Great Barrier D. Rising Tiger
_____15. Ang mga sumusunod ay mga salik na sanhi ng pagkakaroon ng iba’t – ibang
uri ng klima sa Asya, alin ang hindi kabilang?
A. Kinaroroonang Latitud C. Direksiyon ng umiiral na hangin
B. Distansya ng karagatan D. Impluwensiya ng mga tao
_____16. Ang distansya mula sa hilaga o timog ng ekwador na nasusukat sa digri.
A. Latitud B. Altitud C. Longhitud D. Prime Meridian
_____17. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng anyong lupa na mas maliit kaysa sa
Kontinente.
A. Lambak B. Tangway C. Pulo D. Kapatagan
_____19. Isang landlocked na bansa sa hilagang-kanlurang Asya ngunit kilalang bahagi
ng Silangang Asya.
A. Saudi Arabia B. Mongolia C. Indonesia D. Tsina
_____20. Ang sonang binubuo ng magkakahanay na aktibong bulkan na pumapalibot sa
Karagatang Pasipiko, sa habang 40,000 kilometro.
A. Khyber Pass B. Pacific Ring of Fire C. Silk Road D. Fergana Triangle

II. Pagkilala
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa
espasyo bago ang bilang.
_________________________1. Salitang Ruso na nangangahulang “pamayanang kagubatan”.
_________________________2. Ang kabuuang sakop na lupain ng kontinenteng Asya.
_________________________3. Mga pook urban na pinaninirahan ng mahigit pa sa 10
milyong mamamayan.
2
_________________________4. Ang itinuturing na “Hari ng Karagatan” dahil sa lawak
nito.
_________________________5. Tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa
loob ng mahabang panahon.
_________________________6. Ang pinaka-kanlurang bahagi ng kontinenteng Asya.
_________________________7. Ito ang pangunahing produktong pagkain ng mga bansang
Taiwan, Hapon, Timog Korea at Hilagang Korea.
_________________________8. Tumutukoy sa pagkakabahagi ng lupain sa daigdig sa higit
na maliit na bahagi.
_________________________9. Isang makitid na daanang tubig na nagdurugtong sa
dalawang bahagi ng tubig.
_________________________10. Ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig.

III. Tama o Mali


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay wasto o di – wasto.
Isulat ang T kung ang pangungusap ay Tama at M naman kung ito ay Mali. Isulat ang
sagot sa espasyong nakalaan.
_____1. Ang Silangang Asya ay mayaman sa mga lupaing agrikultura at iba pang
likas na yaman tulad ng mineral na sadyang nakakatulong sa pagsulong sa
ekonomiya ng mga bansa.
_____2. Ang biodiversity ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pananim na nakabalot
sa lupain ng daigidig.
_____3. Kabilang sa Pamir ang Himalaya, ang pinakamahabang hanay ng mga bundok sa
Asya.
_____4. Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mahahalagang kayamanan ng mga anyong
lupa at anyong tubig.
_____5. Mahigit sa kalahati ng papulasyon ng daigdig ay naninirahan sa Asya.
_____6. Matatagpuan sa Tsina ang Ilog Huang o Yellow River.
_____7. Ang Sustainable Development ay tumutukoy sa isang natural na paglaganap ng
kasalukuyang populasyon sa mga lungsod na karaniwang sentro ng edukasyon,
pamahalaan, at ekonomiya.
_____8. Ang Klimang Polar ang rehiyong nakalatag sa pagitan ng ekwador (0˚), Tropic
of Cancer (23˚) sa hilaga, at Tropic Capricorn (23˚) sa timog ang mababang
latitud.
_____9. Ang Indonesia sa Timog-silangang Asya ang pinakamalaking kapuluan sa
daigdig.
_____10. Ang mga disyerto ay karaniwang nagiging pook daungan sa paglalakbay sa
malawak na karagatan.

IV. Pagtatambal
Panuto: Pagtambalin ang mga bansa sa hanay A sa kanilang kabisera sa hanay B. Isulat
ang sagot sa espasyo bago ang bilang.
A B
_____1. Japan A. Colombo
_____2. Turkey B. Abu Dhabi
_____3. India C. Ulaan Bator
_____4. Israel D. Kathmandu
3
_____5. Uzbekistan E. Ankara
_____6. Cyprus F. Sana’a
_____7. Sri Lanka G. Alma Ata
_____8. Pakistan H. Tokyo
_____9. Tsina I. Nicosia
_____10. Mongolia J. Damascus
_____11. Thailand K. Beijing
_____12. United Arab Emirates L. Kuala Lumpur
_____13. Kazakhstan M. New Delhi
_____14. North Korea N. Thimpu
_____15. Syria O. Tashkent
_____16. Pilipinas P. Manila
_____17. Malaysia Q. Pyong yang
_____18. Yemen R. Islamabad
_____19. Qatar S. Bangkok
_____20. Nepal T. Doha
U. Jerusalem

V. Pagiisa – isa
Panuto: Ilista ang hinihingi ng mga sumusunod na tanong.
A. Ang Limang Rehiyon ng Asya B. Anim na Kontinente sa Mundo bukod sa Asya
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6.
C. Apat na Uri ng Panahon na
nararanasan sa Timog Asya D. Limang Uri ng Vegetation Cover sa Asya
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

Good Luck and God Bless!

Inihanda ni:

G. Louie Andreu C. Valle


Guro

Inaprubahan ni:

Gng. Venus V. Erasquin


Akademik Koordinaytor
4
ARALING PANLIPUNAN 7

KEY ANSWERS (80 puntos)

I.
1. C 6. B 11. C 16. A
2. A 7. A 12. C 17. C
3. C 8. C 13. A 18. D
4. D 9. A 14. A 19. B
5. C 10.D 15. D 20. B

II. III.
1. Tama 1. Taiga
2. Mali 2. 44,579,000
3. Tama 3. Megacity
4. Tama 4. Karagatang Pasipiko
5. Tama 5. Klima
6. Tama 6. Cape Baba, Turkey
7. Mali 7. Bigas o Rice
8. Mali 8. Rehiyon o Region
9. Tama 9. Kipot o Strait
10.Mali 10.Asya

IV.
1. H 6. I 11. S 16. P
2. E 7. A 12. B 17. L
3. M 8. R 13. G 18. F
4. U 9. K 14. Q 19. T
5. O 10. C 15. J 20. D

V.
1. Timog-silangang Asya (Southeast Asia)
2. Kanlurang Asya (West Asia)
3. Timog Asya (South Asia)
4. Hilagang Asya o Gitnang Asya (North Asia)
5. Silangang Asya (East Asia)

6. Antartika o Antartica
7. Aprika o Africa
8. Europa o Europe
9. Hilagang Amerika o North America
10. Timog Amerika o South America
11. Australya o Australia/Oceania

12. Tagsibol (Spring)


13. Tag-init (Summer)
14. Taglagas (Fall)
15. Talamig (Winter)

16. Tundra
17. Taiga
18. Grassland o Steppe
19. Disyerto
20. Tropical Rainforest

You might also like