You are on page 1of 2

Isa, dalawa, tatlo

Tatlong taon na ang lumipas mula ng ika'y lumayo

Tatlong taon na ang nagdaan magmula ng ikaw ay sumuko

Pero heto, andito ka pa rin sa aking puso

Noong una'y akala ko malilimutan na kita

Pero mali

Akala ko lang pala

Kasi ang totoo gusto parin kita

Gusto ko paring maramdaman

Ang init ng iyong pagmamahal

Yong tipong para bang wala ng hanggan

Kahit alam kong sa mundo'y lahat may katapusan

Subalit wala na akong magagawa

Dahil ang lahat ay winakasan mo na

Ninais mo ng bumitaw

Kasi ang sabi mo nasasaktan ka na

Hinayaan naman kita

Kasi akala ko babalik ka pa

Kaso hindi ka na nagpakita

Dahil may iba ka na pala


Alam kong masaya ka na sa kanya

Sapagkat ako'y hindi mo na naalala

Ang dating matatamis mong salita

Ngayon ay tuluyan nang nawala

Isa, dalawa, tatlo

Puso ko'y muling nagdurugo

Matagal na magmula nang ikaw ay sumuko

Pero bakit ang sakit ay parang bago

Balang araw kung sakaling ang ating landas ay muling magtagpo

Sana ay naaalala mo pa rin ang dating pagsuyo,

Umaasang ikaw ay hindi na muling maglalaho

Huwag ka nang lumisan at lumayo

Subalit kung ang tadhana ay sadyang mapaglaro

At piliing tayo ay hindi na magkatagpo

Tatanggapin ko ang katotohanan ng buong puso

Na minsan sa pag ibig ay nabibigo

You might also like