You are on page 1of 8

Wika

at
Komunikasyon
KonFili 2020-2021
Module 1- Part 1
Layunin
• Maihayag ang bisa ng wika sa proseso ng epektibong
komunikasyon
• Maipaliwanag kung paanong nakaaapekto ang
komunikasyon sa iba’t ibang mga usapin
• Mailarawan ang ibat’ ibang gawaing
pangkomunikasyon ng Pilipino sa iba’t ibang sitwasyon
Ano ang Wika
• Anumang paraan ng pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng
kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita upang
maunawaan ng kapwa
• Pangunahin at pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag
ng tao (Archibald Hill)
• Isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan ang isang
grupo (Constantino Zafra)
• Sistematik na balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura (Henry Gleason)
KATANGIAN NG WIKA
1. Sistematik na balangkas
• Anumang wika ay nakaayos sa tiyak na balangkas
• Malalimang tinatalakay ang wika mula sa ponolohiya, morpolohiya,
sintaks at diskors.
2. Sinasalitang tunog
• Hindi lahat ng tunog ay wika dahil hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan
• Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong nagpapaiba sa
kahulugan ng salita
• Ponetik ang isang tunog na walang kakayahang makapagpaiba ng
kahulugan

Language (n.d.). bit.ly/3glrbAK


KATANGIAN NG WIKA
3. Pinili at isinaayos
• Wastong pagpili at pag-aayos ng salita
4. Arbitrari
• Pinipili ang salita na gagamitin para sa layunin ng gagamit
• Pinili at isinaayos sa paraang napagkasunduan ng grupo ng taong
gagamit ng wikang ito
5. Kapantay ng kultura
• Habang natutunan ng tao ang kanyang wika ay natutuklasan niya
ang kanyang kultura
• Ang kabuuan ng leksikon ng wikang sinasalita ng isan tao ay dikta
ng kanyang kultura
Language (n.d.). bit.ly/3glrbAK
KATANGIAN NG WIKA
6. Patuloy na ginagamit
-dapat gamitin ang wika, sapagkat ang wikang hindi ginagamit ay patay
na wika

7.Daynamik
- may mga salitang hindi na ginagamit at napapalitan ng mga bagong
salita

Language (n.d.). bit.ly/3glrbAK


Ang Wika
• Sa mga tao , wika ang pangunahing sangkap sa komunikasyon. Sa
pamamagitan ng wika, nagagawa ng taong magbahagi ng kanilang
ideya, opinyon, pananaw, at emosyon sa kapwa.
• Ang wika sa pagdaan ng panahon ay ipinasa nang pasalita sa
bawat henerasyon ng tao at nang naglaon ay sa anyong pasulat.
• Ang wika bilang kasangkapan sa komunikasyon ay gumagamit ng
awditori na tsanel at bukas sa daynamik na pagbabago.
• Ang anyong pasulat ng wika ay isang di nababagong set ng
materyal na ginagamit ng tao upang matutunan/pag-aralan ang wika
na isang mahalagang tulong sa tao upang makipagtalastasan sa
mundo.
• Kung saan ang wika ang kasangkapan, ang komunikasyon naman
ang nagsisilbing karanasan.
Language vs. Communication: They’re not the same thing. (2020). International Language Services,Inc.
https://bit.ly/3dTk5Sq
Mga Sanggunian
• Badayos, P.B., et.al. (2010). Komunikasyon sa akademikong
Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
• Communication concepts and Process. (n.d.). Inakses sa
bit.ly/3fXbboLbit
• Language (n.d.). bit.ly/3glrbAK
• Language vs. Communication: They’re not the same thing. (2020).
International Language Services,Inc. https://bit.ly/3dTk5Sq
• Nuncio, E., et al. (2014). Makabagong Filipino sa Makabagong
Panahon. C&EPublihsing: Lunsgsod Quezon
• Mulder, P. (2012). Communication Model by Albert Mehrabian.
Retrieved [insert date] from ToolsHero: bit.ly/2VDjrSQ

You might also like