You are on page 1of 1

PAGMAMAHAL NANG ATING MGA MAGULANG ATING PAHALAGAHAN

Naalala ninyo pa ba kung kalian ninyo huling sinabihan ng “I love you” o “mahal kita” ang inyong mga
magulang? Sino ang mas madalas ninyong sabihan ng mga katagang iyan? Sino nga ba ang mas
pinahahalagahan ninyo?

Sa simula’t sapul minahal na tayo ng ating mga magulang. Hindi pa lamang tayo iniluluwal tayo’y alagang
alaga na nila. Sa loob ng syam na buwang pagtitiis ng ating ina magisnan lamang ang ating wangis,
magisnan lang natin kung gaano nga ba kaganda ang daigdig, habang ang ating ama naman ay
nagpapakahirap, mapaghandaan lamang ating kinabukasan.

Nung tayo’y isinilang, hindi masukat ang kasiyahang kanilang nadarama na pawang napawi lahat ang
kanilang mga sakripisyo at pagtitiis nung tayo’y kanilang nahagkan at nasilayan na. Lumipas ang mga taon,
tinuruan nila tayo kung papaano maglakad, magbasa magsalita at magsulat. Sila ang gumagabay sa atin sa
tamang landas upang hindi natin sapitin ang kanilang mga naranasan noon. Kahit sila ay namomoblema
kung saan at papaano nila kukunin ang pampaaral sa atin, ginagawa nila ang lahat upang tayo ay magkaron
ng maranyang pamumuhay balang araw at upang tayo ay mapag-aral sa isang maayos at de-kalidad na
paaralan.

Nung tayo’y nagka- isip at lumaki natututo tayong sumagot sa ating mga magulang, natututo tayong
suwayin ang kanilang mga utos, natututo tayong magrebelde. Tila ba tayo’y nakalimot na sa mga sakripisyo
na ginawa sa atin, ng ating mga magulang noon, noong tayo’y mga paslit pa lamang. Halos araw- araw
silang kumakayod mula umaga hanggang gabi kulang na lamang sila ay himatayin sa pagtatrabaho. Alam
nyo ba na sa tuwing sila’y ating nasusuway ang kanilang mga puso’t damdamin ay ating nasasaktan? Ngunit
alam nyo rin ba, na kahit sila ay ating nasusuway, talikuran, saktan at nasasagot hindi parin nila tayo
pinagtatabuyan, handa pa rin nila tayong tanggapin at mahalin.

Ngunit papaano nga ba natin masusukilian ang mga kabutiang itinulong sa atin nang ating mga magulang?
Papaano nga ba natin masusuklian ang mga sakripisyong ginawala nila sa atin Kahit hindi na atin masabi na
sila’y ating mahal?

Simple lang. Tayo’y mag-aral ng mabuti upang makatapos at magkaroon ng diploma. Dahil ang diploma ay
katumbas ng isang ginto para sa kanila . Yaman na hindi mapapaltan ng kahit ano. Yaman na katumbas ay
walang hanggang kasiyahan.

Lagi nating tatandaan na ang buhay ay maiksi lamang, ang takbo ng oras ay mabilis, bawat segundo o
minuto ay dapat ating sulitin, bawat araw na sila’y ating kasama ay mahalaga kaya habang nandyan at
kapiling pa natin ang ating mga magulang, iparamdam kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila
kahalaga sa ating buhay.

Magpasalamat sa pagbibigay-buhay nila sa atin, lalung-lalo na sa mga sakripisyong ginawa nila, mabigyan
lang tayo ng magandang kinabukasan. Humingi ng tawad sa lahat ng ating ginawang pagkakamali.

Salamat, patawad, mahal ko kayo, simpleng mga salita pero katumbas ay walang hanggang kasiyahan.

Maraming salamat sa inyong pakikinig!

You might also like