You are on page 1of 2

Danica A.

De Vera
CWTS - 1

Mabilis na mga sabado lang ang lumipas, pero napaka dami nang nangyari at natutunan.
Tuwing umaga ng sabado pumapasok ako sa pinaka maaga kong subject, minsan o madalas pa
ngang huli. Pero ang mga naituturo dito ay hindi ganong pangkaraniwan, hindi dito kailangan na
sobrang talino basta mayroon kang malalim na pang unawa mararamdaman mo ang kahalagahan
ng subject na ito.
Bago pa ko pumasok ng CWTS, ineexpect ko lang talaga na puro pag lilinis ang
aatupagin namin, puro patungkol lang sa environment at pagiging responsible nating
mamamayan ng Cabuyao. Pero mali ako, Soft skills ang hinuhubog dito. Ito ay ang mga personal
na katangian, mga katangian ng personalidad, likas na mga pahiwatig ng panlipunan, at
mga kakayahan sa komunikasyon , mas mahirap itong sukatin kaysa sa hard skills.
Natutunan ko dito na huwag basta basta sumuko sa mga hamon sa dumadating sayo,
bagkus dapat ay ipagpasalamat mo pa ito pagkatapos dahil mas pinapag tibay ka ng problema at
susunod na mahirapan ka alam mo na kung paano ito ihandle. Natutunan ko rin dito kung paano
at ano ang pagiging epektibong leader, Hindi porke’t madalas kang nagiging leader sa mga
groupings ay taglay mo na ang katangian ng isang epektibong leader. Sa simpleng pag sunod at
disiplina nag sisimula ang pagiging responsible ng isang indibidwal.
Ang pagiging makalikasan. Maging alisto sa kapaligiran at pahalagahan ang inang
kalikasan. Bilang mga estudyante at kabataang pilipino dapat magkaroon tayo ng disiplina sa
ating mga sarili. Sa pag alaga ng kalikasan dapat maging alisto din tayo sa mga kapwa tao, hindi
lang makalikasan, kundi maka-tao lalo na ang maging maka-diyos. Maliit na basura kung
titignan pero malaki ang epekto nito sa kapaligiran. Ang pagtutulungan, kaya nating baguhin ang
mga bagay kung magkakaron tayo ng pagkakaisa para magawa ito. Natutunan ko din kung paano
magmalasakit sa kapwa. Kung paano intindihin ang kalagayan ng iba, yung hindi puro sarili ko
lang. Narealize ko din na maswerte pa ko dahil nakakapagaral ako sa eskwelahan. Tumulong ng
walang hinihintay na kapalit at magbahagi ng kayang ibahagi sa kapwa na nangangailangan.
Napakaraming kapupulatan ng aral sa CWTS, na pwedeng iapply sa pang araw araw
natin para mas maging magaan at maayos ang ating buhay. Isa pa sa pinaka magandang nangyari
sa CWTS ay madami rin kaming nakilala at naging kaibigan na estudyante sa ibang course.
Natutunan ko rin dito na kapag gusto mo ang ginagawa mo, kahit gaano pa kahirap at
kakumplikado mag pupursige ka para maabot ito, dahil mahal mo ang ginagawa mo. Inaral rin
namin dito ang iba’t ibang katangian ng values ng mga tao.
Pinaka paborito kong activity sa CWTS ay noong nag tree planting kami sa Pruntal,
Dalawang libong puno, Isang Cabuyao na malago. Unang beses kong maka attend ng ganon.
Masaya pala yun, makikita mong madaming naging volunteers, iba ibang organization at grupo,
ibig sabihin nito madami pa ring tao ang concern sa kalikasan natin. Nakakatuwa lang isipin na
makalipas siguro ang ilang taon may babalikan kang mga puno dito na ikaw mismo ang
nagtanim.

You might also like