You are on page 1of 3

"Salamat Sa Iyo"

Simulan natin sa mga alaala ng kahapon

Diba mas gusto natin sa may dalampasigan, malayo sa nayon

Magkaposas ang mga kamay habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang alon

Alon na akala nati'y simbolo ng pag-ahon sa mga hamon.

At hamon na magdadala pala sa atin, sa di inaasahang pagkakataon

Masarap ibalik na basta mo nalang itinapon,

Kung paano ko tiniis ang lahat ng sakit, At nilunok ko lahat ng pait, .

Maitago lang ang sakit na iyong dulot.

Mahal, sabi mo tayo hanggang dulo

Pero umpisa palang bigo na 'ko,

Mga pangako mo na napako

Hindi ko alam kung bat umasa pa 'ko.

Pinipilit kitang kalimutan

Kahit mahirap kang palitan,

Pero salamat at dumating ka sa buhay ko

Nang dahil sayo ako'y natuto.

Na walang permanente sa mundo

Lahat nagbabago,

Na lahat ng bagay may katapusan


Lahat ng bagay may hangganan.

Pero heto parin ako patuloy na umaasa

Kahit alam kong umpisa palang wala ng pag-asa,

Pero mahal, salamat sa pagpapasaya

Kahit ito'y pansamantala.

Pero hanggang kailan ako aasa sayo?

Kung parte nako ng nakaraan mo,

Bebe ko, maari ko bang limutin ang minuto, oras at araw na ating binuo,

Mga kwento na sinulat lamang natin sa napakaliit na kwaderno.

Nakita ko ang inyong litrato,

Masyadong masakit sa dibdib dahil ako dapat ang katabi mo.

Masyado masakit dahil salitang 'tayo' dapat ang nabuo hindi ang salitang 'kayo',

Masyadong masakit dahil ako dapat ang nagpapasaya sayo hindi sya na kakadating lang sa buhay mo.

Ngayong sabado at ang petsa bente siyete ng agosto,

Lilimutin ko na kung ano ang mga namagitan sa salitang 'tayo'.

Lilimutin ko na ang masasaya at mapapait na ala ala kasama ka, bebe ko,

At tatapusin ko na ang huling pahina ng kwento na ginawa natin sa maliit na kwaderno ng salitang
"paalam oh irog ko".

Sa pagkakataong ito ang tangi ko na lamang masasabi ay,

Salamat sayo

Ayaw kitang pakawalan at sabihing dito ka lang sa piling ko mahalmahal


Pero wala akong magawa dahil ikaw mismo pilit na kumakawala

At gusto mong maging malaya

Na hindi kita ginagambala.

Salamt mahal ko dahil kahit minsan minahal mo din ako

Alam kong hindi tayo ang itinakda hanggang dulo,

Salamat pa din kay Ama dahil tayo ay pinagtagpo.

You might also like