You are on page 1of 2

TALUMPATI

Sa ating panauhing taga pagsalita G. Antonie Cabie, sa ating Pansangay na


tagapamanihala ng mga paaralan sa Lungsod ng Imus Dr. Rosemarie D. Torres, Pangalawang
pansangay na tagapamanihala ng mga paaralan sa Lungsod ng Imus Dr. Ivan Inductivo, Inang
tagamasid Dr. Leah J. Guillang, sa aming Punungguro Gng. Alona O. Verdad, mga Guro, mga
magulang, kapwa ko magsisipagtapos at sa lahat ng nanonood isang mapagpalang umaga po sa
ating lahat!
Isang karangalan ang mapabilang sa natatanging pagdiriwang na ito, tunay at totoo
namang nag uumapaw ang kagalakan sa ating mga puso, dahil sa sandaling ito ay
napagtagumpayan natin ang isang taong pakikibaka sa gitna ng pandemya at Edukasyon sa
Bagong Normal. Tunay nga’ng ang karunungan ang taging pamana na hindi mananakaw
ninoman at ang ating magiging sandata sa pagharap sa anumang unos na ating kakaharapin.
Una sa lahat Pasasalamat at Papuri sa ating Amang Lumikha dahil sa pagkakaloob niya
sa atin ng bagong pag-asa na kahit anumang pandemya ang dumating ay hindi ito
makakahadlang sa ating pagkatuto at mga pangarap sa buhay.
Pangalawa, walang hanggang pasasalamat sa ating mga magulang na una nating naging
guro at nagmulat sa atin kung gaano kahalaga ang Edukasyon, ito ay damang dama namin sa
araw-araw ninyong pagsuporta at paggabay
Pangatlo, pagpupugay at pasasalamat sa ating mga guro, silang nagsilbing pangalawang
magulang, sila na nagsumikap, dugo’t pawis ang inialay matugunan lamang ang minimithing
dekalidad na Edukasyon sa anumang “Learning Modality”. Ngayon palang nangangako kaming
hindi masasayang ang inyong sakripisyo at makakaasa kayo na tutuparin namin ang aming mga
pangarap sa buhay. Salamat po Ma’am at Sir para sa amin kayo po ang bayani ng taon.
Pangapat, alay ko rin ang pasasalamat sa aking mga kamag aral at kapwa nagsipagtapos
na bagama’t birtwal ang pagtatapos natin ngayon alam kong walang pagsidlan ang kagalakan sa
ating mga puso, bahagi tayo sa isang makasaysayang kaganapang ito. Nawa’y baunin natin ang
karunungang naipunla ng ating mga guro, tungo sa tagumpay ng buhay.
Ang tema natin ngayon: Kalidad ng Edukasyon, lalong patatagin sa gitna ng pandemya”
ay matibay na pabatid sa atin na ang Edukasyon ay ang ating kalasag at mas matibay na
pundasyon, kayang suungin ang anumang hamon ng buhay. Ang Dekalidad na Edukasyon ay
patuloy na napagtitibay sa kahit anumang pandemya.
Sa aming minimithing paaralan ang Paaralang Elementarya ng Pasong Buaya III, walang
sawang pasasalamat. Batid namin ang matinding hamon. Sa aking mga kapwa nagsipagtapos
pakatandaan natin na natapos man natin ang unang yugto ng ating pagaaral, dito maguumpisa
ang masmalaking hakbangin ng mas matinding pagharap natin sa panibaging yugto ng ating
pagaaral! Muli maraming Salamat at MABUHAY!

You might also like