You are on page 1of 5

Obillo, Nichole Beatrize V.

A-203

Setyembre 21, 2012


Gng. Josefina C. Perez
FILIPINO-III

Pormal na Sanaysay.
Ikaw? Saan ka Patungo?

Dito sa ating daigdig ang buhay ng isang tao ay parang hagdan lamang. Minsan
tayoy paakyat kung saan nauuna ang paghihirap bago pa makamit ang kaginhawaan,
at pababa kung saan ay nauuna ang kaginhawaan patungo sa kahirapan kung saan
ikay babagsak at habang buhay mong pagsisisihan ang nagawang desisyon. Iisa
lamang ang tanong ko, ikaw? Sa buhay mo, saan ka patungo? Isa lamang ang sagot
diyan, at dalawa lamang ang maaaring pagpilian iyon ay ang pataas o pababa.
Kung ako ang papipiliin ay siyempre gusto kong pataas. Hindi na bale kung
mahirapan man ako sa una bastat alam ko na makakamit ko ang aking adhikain at
ninanais sa buhay. Ang pagsubok ay hindi nawawala sa ating buhay, sapagkat tayoy
sinusubok lamang ng ating Panginoong lumikha upang tayoy matuto at manalig
sakanya. Siya ay lagi nating kaakibat sa lahat ng problemat kahulilip ang kanyang
pagmamahal sa atin.
Sa aking buhay ay marami na rin akong pinagdaanan at sigurado akong ikaw rin,
diba? Walang taong nabubuhay sa laging masayang pamumuhay, gaya nga ng sabi nila
na ang buhay ng tao ay parang gulong minsan nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim
ngunit nakadepende lang yan sa gusto ng tao.

Wala ring taong perpekto, minsan ngat tayoy nadadapa at nawawalan ng pagasa para bumangon muli, ngunit ang tanging lumikha ba sa atin ay nawawalan din ng
pag-asa na tayoy muling patawarin sa hindi na mabilang na naging kasalanan natin?
Ang sagot sa tanong na iyan ay, hindi. Bastat tayoy marunong humingi ng
kapatawaran at magapatawad sa ating kapwa ay hindi tayo mawawalan ng pag-asa
kapag tayoy makakaranas ng matinding dagok sa buhay.
Malayo-layo na rin ang ating binabagtas, at marami-rami na rin ang ating
natututunan at naranasan pero sapat na ba ito upang tayoy mapagod sa hiram na
buhay na ipinagkaloob sa atin? Kung marami na tayong pinagdaanan sa buhay ay mas
marami pa ang dapat nating maranasan at mararanasan pa. Tanging ang lumikha
lamang ang makakapagdesisyon kung kailan niya babawiin ang buhay na ipinahiram sa
atin at wala tayong karapatan na magreklamo o mapagaod sa buhay na mayroon tayo
ngayon. Kung nagsumikap ka ba naman ay hindi ka makakaranas ng matinding
paghihirap sa buhay.
Sa aking hakbang pataas ay kaulayaw ko rin ang aking mahal na pamilya, sila
ang mga unang tao na sumoporta sa akin. Sila rin ang nagturo sa akin na manalig sa
Panginoon sa oras ng kasayahan,kalungkutan at kahirapan.
At sa aking paghakbang pataas para makamit ko ang aking pangarap at
makapagtapos sa pag-aaral ay dumaranas ako ng matinding pangungulila sa aking
mga mahal sa buhay. Malayo man sila sa akin ngunit gagawin ko ang lahat ng aking
makakaya upang silay aking mapasaya.
Habang pinagpapatuloy ko ang aking hakbang pataas ay marami pang tao ang
nakapagpahina ng aking loob at nakapagpasakit ng aking damdamin. Ngunit hindi ako
nawawalan ng pag-asa na labanan ang mga taong naging hadlang sa aking
pinapangarap dahil alam kong iyon ay malalampasan ko. Lagi ko ring pinapanalangin
sa Panginoon na huwag akong pabayaan na malulong sa kahit ano mang bisyo o
temptasyon sa buhay.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang tuluyan ko nang makamit ang
aking adhikain sa buhay. Kayat hanggang ngayon ay humahakbang pa rin ako pataas
upang marating ko ang liwanag na naghihintay sa akin doon. Pipilitin kong hindi ako
mahuhulog pababa dahil lamang sa naging mali kong desisyon kung saan naroroon
ang kadiliman at hindi ko mawari kung ano naroon sa madilim na iyon. Ngunit kung
kagustuhan man ng Panginoon na akoy mapupunta sa baba ay handa akong
tanggapin iyon. Dahil handa rin akong magsimula ulit ng panibagong hakbang paitaas
sapagkat alam ko na mas maganda ang plano ng ating Panginoon kesa sa ating mga
pinaplano sa buhay. Kailangan lang nating manalig sakanya.
Muli, uulitin ko aking tanong.Ikaw? Saan ka patungo?

Obillo, Nichole Beatrize V.

Setyembre 21, 2012

A-203

Gng. Josefina C. Perez


FILIPINO-III

Impormal na Sanaysay.
Ikaw? Saan ka Patungo?

Ang buhay natin ay parang hagdan na dalawa lamang ang patutunguhan una
paitaas at pangalawa pababa. Sa taas kung saan makikita natin ang liwanag na ating
gustong abutin kung saan naroroon ang kasayahan at kaginhawaan at sa baba naman
kung saan naroroon ang kadiliman na sigurado akong lahat ng tao ay ayaw maranasan
ang kahirapan at kalungkutan.
Sa buhay ng tao ay walang sinuman na nakaranas ng puro kaginhawaan at
kasayahan. Bago mo ito makamit ay kailangan mo muna dumaan sa kahirapan bago
mo maabot ang iyong gusto.
Ikaw? Subukan mo kaya umakyat sa hagdan na ito, diba nakakapagod? Pero
pagdating mo naman sa itaas ay mapupuntahan mo na ang gustong mong puntahan.
Subukan mo rin humakbang pababa diba madali lang? Minsan nga ay nagrereklamo
pa na sana ang hagdan ay laging pababa para hindi ka mapapagod kung itoy paakyat.
Iyon din ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Yung palagi ka nalang bababa?
Paano uunlad at giginhawa ang buhay mo kung kapagoran at katamaran ang lagi mong
iniisip? Sa tingin mo maaabot mo ang iyong gusto kung hindi mo ito paghihirapan?
Lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi mo basta-basta nakukuha kailangan mo
mag-aral, magtrabaho, magtiis sa iyong boss para ikay bigyan ng sahod at mabibili mo
na ang iyong gusto.Ganyan ang buhay ng tao, mahirap man sa una pero masasanay ka
rin.

Kung habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, eh aba! Hindi naman sa


lahat ng panahon ay kasama mo ang iyong mga magulang. Matuto kang magsumikap
at pilitin mong wag umasa sa iyong mga magulang. Baka mapariwara pa ang buhay
mo kapag silay biglang nawala sa iyong tabi.
Kung gusto mo rin naman sirain ang iyong buhay at sa tingin mong wala na itong
silbi kayat ikaw ay pababa nang pababa ang iyong hakbang. Iniisip mo ba kung anong
buhay ang naghihintay sa iyo sa ibaba? Kung saan naroon ang kadiliman at pighati?
Hindi mo ba naisip na hindi pinahiram ng Diyos sa iyo ang iyong buhay para lamang
sirain mo ito? Kung nanalig ka lang sakanya at pinagkatiwalaan mo siya ay hindi ka
magkakaganyan.
Hindi naman masyadong mahirap ang humakbang paitaas kailangan mo lang ng
konting pasensya at labanan ang mga nakakapagpahina ng loob mo, dahil kapag
nakamit mo na ang gusto mo ay wala ka nang mahihiling pa at tiyak na walang tigil ang
pasasalamat mo sa Panginoon na hindi ka niya pinabayaan habang tinatahak mo ang
iyong landas pataas.
Kung ako ang tatanungin, syempre gusto ko pataas ang aking patutunguhan
dahil gusto kong makamit ang aking ambisyon at gusto sa buhay. Hindi na bale kung
mahirapan man ako bastat ikakasaya ko at ng pamilya ko.
Ikaw? Saan ka patungo?

SANAYSAY
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. ang sanaysay ay nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay. Ito

ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin,


reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at
napapanahong paksa o isyu.
Mahalaga nag pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang
mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat.
nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito,
sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
URI NG SANAYSAY
Pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan
ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng manunulat ang
mga manbabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at
kumilos pagkatapos.
Di-pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan,
pang-araw-arawat personal. binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga
karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o
pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
SANGKAP NG SANAYSAY
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na
paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos
na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa
pagkaunawa sa sanaysay.
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay
nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple,
natural at matapat na mga pahayag.
BAHAGI NG SANAYSAY
Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang
unag titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang panimula
upangipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa akda.
Katawan - Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa
mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang
mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng maigi ng mambabasa.
Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay ng sanaysay.

You might also like