You are on page 1of 1

Pang-araw-araw Paaralan: Taysan Resettlement Baitang/Antas 9

na Tala sa Integrated School


Pagtuturo Guro: Bb. Almae R. Solaiman Markahan Ikalawang Markahan
Asignatura: Filipino Petsa: Setyembre 18, 2018

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
C. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Muling naisusulat ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga
tauhan nito. F9PU-IIc-48
II. NILALAMAN: Pabula
III. KAGAMITANG PANTURO:
a. Sanggunian: Panitikang Asyano
b. Mga Pahina sa textbook: pahina 100-112
c. Mga Kagamitang Panturo: modyul, Visual material, laptop
d. Istratehiya: story telling/masining na pagkukuwento, pangkatang-gawain

IV. PAMAMARAAN:
A. Pagbabalik-aral sa paksang tinalakay
B. Pagtatalakay:
Ano ang inutos ng pinuno ng matsing sa kanyang mga kawal para matalo ang mga tutubi?
Anong katangian ng tao ang maihahalintulad sa matsing sa pabula?
Ano naman ang katangian ng tao maihahalintulas sa mga tutubi sa pabula?
Kung ikaw ang pinuno ng mga matsing, ano ang magiging plano mo upang matalo ang
mga tutubi?
C. Paglalapat:
Ano ang pagkakaiba ng pamumuno ng matsing sa ipinakitang pag-uugali ng tigre sa Ang
Hatol ng Kuneho?
D. Paglalahat:
Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

V. EBALWASYON:
Sa isang malinis na papel, ang mga mag-aaral muling naisusulat ang isang pabula sa paraang
babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.

VI. TAKDANG-ARALIN:
Magsaliksik tungkol sa mga salitang Modal

VII. TALA:

You might also like