You are on page 1of 1

Reverse Poetry

Hindi Sapat

Hindi sapat ang salitang Mahal Kita


Sa tulad mong tapat na nagmamahal
Ang mga salita mo’y nag-iiwan ng marka
Sa aking puso’t isipan
Ikaw ang siyang buhay
Ikaw ang gabay sa landas na mapanglaw
Ikaw ang tanging inspirasyon
Ikaw ang tanging ligaya
Sa bawat araw ng aking paghinga
Ngunit habang pabilis nang pabilis ang takbo ng oras
Paunti-unting nawawalan ng bias at saysay
Ang salitang Mahal Kita

Maikling tula na 3 ang Kahulugan

Basahin ang buong tula


Basahin ang malaking titik ng tula
Basahin ang maliit na titik ng tula

ILANG HAKBANG LANG TANAW KO NA ANG MUNDO KO

ILANG HABANG LANG ang lapit ko na sa iyo


TANAW KO NA ANG MUNDO, ngunit parang ikaw ay lumalayo.
MAAARI KA BANG MAHAWAKAN? NANDITO NA AKO, konti na lang tanaw ko na ang mundo ko.
ILANG HAKBANG NA LANG, pakiusap huwag kang susuko
HUWAG KA SANANG BUMITIW AT lumalaban ang matatag kong puso
HUWAG MAPAGOD, at saiyo ay nagsusumamo,
HUWAG KANG LUMAYO, ikaw ang aking mundo,
ILANG HAKBANG NA LANG, malapit na ako.
TANAW KO NA ANG AKING MUNDO

You might also like