You are on page 1of 41

10

Modyul sa Filipino
Ikatlong Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
10
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Panitikan: Hele ng Ina sa
Kaniyang Panganay
(Tula Mula sa Uganda)
Wika: Matatalinhagang
Pananalita at Simbolismo
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula Mula sa Uganda) Wika: Matatalinhagang Pananalita at Simbolismo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Janice A. Tandaan at Miriam M. Musa

Editor: Joel L. Zamora


Marife S. Paredes

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Melanie T. Poyaoan

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinagawa upang makatulong sa iyong pag-


unawa, pagpapahalaga, at pagsusuri sa isang akda mula sa Uganda sa bahaging Timog
Silangang Africa. Sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tulang tulad nito, maiuugnay
natin ang kanilang kultura sa ating bansa at sa alinmang bansa sa buong mundo.
Lubos na matutunghayan ang pagpapahalaga sa pamilya at sa ating kapuwa lalo sa
panahong tulad ngayon na dumaranas tayo ng mga pagsubok hindi lamang pansarili
kundi pandaigdig. Bibigyan din ng pansin sa araling ito ang kahalagahan ng paggamit
ng mga katagang hindi lamang nagpapahayag ng damdamin, kundi sumusubok sa
ating malalim na pag-unawa.
Pagkatapos ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:
1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79);
2. Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
(F10WG-IIId-e-74);
3. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan
(F10PN-IIIc-78);
4. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda
sa: - sarili – panlipunan, pandaigdig (F10PS-IIId-e-81);
5. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinhagang
pahayag sa tula (F10PB-IIIc-82);
6. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa
(F10PT-IIIc-78); at
7. Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng
alinmang social media. (F10PU-IIId-e-81)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

1. Ang tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay nagmula sa _____________.


A. Hilagang Africa C. Hilagang Kanlurang Africa
B. Silangang Africa D. Timog Silangang Africa
2. Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa bawat
saknong.
A. tema C. sukat
B. talinhaga D. kariktan
3. Ano ang tawag sa paggamit ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din, mapukaw ang damdamin at imahinasyon?
A. talinhaga C. sukat
B. kariktan D. mensahe
4. Alin sa sumusunod ang HINDI pinapaksa ng tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay”?
A. Pag-uugnay sa pagkakakilanlan ng anak at ama
B. Mga pangarap at minimithi ng ina para sa kaniyang anak
C. Paghuhula ng ina sa mabuting kapalaran ng kaniyang anak
D. Pagtalikdan ng ina sa kapalaran ng anak alinsunod sa kanilang kultura

1
5. Ang ___________ ay naglalahad ng mga ordinaryong bagay, pangyayari, tao o
hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
A. matalinhagang pahayag C. tayutay
B. mga simbolismo D. kariktan

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


Aralin
(Tula Mula sa Uganda)
1 Wika: Matatalinhagang
Pananalita at Simbolismo
Ang tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang tulang nagmula sa
Uganda. Ang bansang Uganda ay matatagpuan sa Timog Silangang Africa. Dito ay may
isang tribong kung tawagin ay Lango o Didinga na may paniniwalang ang mga anak o
supling ay imortalidad ng kanilang mga magulang. Sa tulang lirikong ito ay ipinahayag
ang marubdob na pangarap at mga minimithi ng isang magulang para sa kaniyang
anak.
Sa araling ito, matututuhan mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng mga
matatalinhagang salita o pahayag at simbolismo upang lubos na maging masining ang
pagsulat o pagbigkas ng tula.

Balikan

Upang lalong maging handa at maging malawak ang iyong pag-unawa sa ating
aralin, balikan natin ang ilan sa mga nakaraang konseptong tinalakay.

bilang ng pantig sa bawat


Sukat taludtod
Karaniwang Tula
Elemento ng

pagkakasintunugan ng mga salita


Tugma sa huling pantig ng bawat
taludtod

matayog na diwang ipinahihiwatig


Talinhaga ng makata

ang malinaw at di-malilimutang


Kariktan impresyon na nakikintal sa isipan ng
mambabasa

Mga Paraan sa Pagsulat ng isang Tula:


1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon, at magbasa ng mga
halimbawa ng tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay sa makata pa
rin ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensaheng ipinahahayag sa
kakaunting salita lamang.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng
kakintalan sa mambabasa.
Para sa ilang karagdagang kaalaman o tulong sa pagsulat ng isang tula, buksan
at basahin ang Paano Gumawa Ng Tula?: Paraan Ng Pagsulat Ng Magandang
Tula (philnews.ph)

2
Naaalala mo ba?
Ang tula, bagamat kaunti ang salitang ginamit, punong-puno ito ng
malalalim na kahulugan. Ayon kay A. Abadilla, “tugma at hindi tula” ang binasa
kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan kaagad ang ibig sabihin. Kailangang
may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit
ng tayutay o matalinhagang mga pahayag at simbolismo.

Tuklasin

Ang tulang iyong babasahin ay pagpapatunay lamang na walang ibang


hinahangad ang magulang kungdi kabutihan at tagumpay ng anak. Basahin mo nang
may pag-unawa ang isang malayang tula mula sa Uganda na naglalaman ng
matatalinhagang salita o pahayag at mga simbolismo.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong


mga mata,
Mangusap ka sa iyong namimilog at
nagniningning na mga mata, Maging sa iyong halakhak.

Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Paano ka pangangalanan, aking inakay?

Mangusap ka, aking musmos na supling. Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang
nilalang?
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa
akin. Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y
nananahan?
Na puno ng tibay at tatag bagamat yari’y
munsik. Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking
dibdib dumadantay?
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking
anak. Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng
buhay?
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Ika ba’y kanlong ng kapayapaan?
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at
Nagbabalak nang humawak ng panulag na tumatanaw.
matalim.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ibubuyangyang.
ilalaan,
Aking supling, ngayon ako’y nasa
at mamumuno sa kalalakihan. kaluwalhatian.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo- Ngayon, ako’y ganap na asawa-
apuhan,
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Kahit pa malaon nang naparam sa
sanlibutan. Maging maringal, aking supling na ninanasa.

Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo Maging mapagmalaki kaparis ng aking
sa akin, pagmamalaki.

Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.

At ang pagsulyap-sulyap sa akin. Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking


nadarama.

3
Kapag ika’y itinanghal na gererong Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong
marangal, kabiyak.

Ako’y malulunod sa luha ng paggunita. Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina
ng kaniyang unang anak.
Munting mandirigma, paano ka namin
pangangalanan? Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-
iingat,
Masdan ang pagbubuskala sa
pagkakakilanlan. Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y
humulma.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Samakatuwid, ako’y minahal.
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang
si Nawal sapagkat ika’y panganay. Samakatuwid, ako’y lumigaya.

Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
kawan.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o
“Kapusugan”? Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y
nahimlay.
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka
na “anak ng kamalasan”? Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.

Ang poo’y di marapat na pagnakawan, Aking supling, mananatili siya sa iyong


panambitan,
Sa iyo’y wala silang masamang
pinapagimpan. Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa
pagsibol ng ‘yong kabataaan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng
kagandahan. Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t
kaligtasan sa hukay.
Ika’y biniyayaan ng mga matang
naglalagablab. Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi
sa kalupaan.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong
kilay At ako ang ina ng kaniyang panganay.

Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t


nilang pinanday? nyumba.

Yaman ni Zeus at Aprodite sa iyo’y kanilang Ika’y mahimbing,


inalay. ako’y wala nang mahihiling.

Gabay na Tanong:
1. Sino ang persona ng tula?
2. Makatuwiran ba ang mga nabanggit na mithiin at pangarap ng ina sa kaniyang
anak?
3. Ano ang damdaming nangibabaw sa iyong binasa?
Gawain 1
Panuto: Pagtapat-tapatin mo ang mga salita sa Hanay A at Hanay B batay sa
pagkakagamit nito sa binasang tula. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
___1. gerero A. matapang na supling
___2. mata ng bisirong-toro B. inaruga
___3. kamay ng mandirigma C. irerespeto o igagalang
___4. hahalikan sa yapak ng kaapu-apuhan D. may angking lakas at tapang
___5. pinaliguan at dinamitan ng kagandahan E. mandirigmang matapang
Gawain 2: Ayusin ang mga salita ayon sa antas at tindi ng kahulugan. Gamitin ang
teknik na pagkiklino.
a. kaligayahan 3. _______________
katuwaan 2. _________________
kaluwalhatian 1. _________________
b. halakhak 3. ________________
ngiti 2. _________________
tawa 1. ________________
4
Gawain 3: Subukin mong iugnay ang tulang binasa sa mga pangyayari sa sarili at
lipunan sa kasalukuyan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Suriin

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

Pag-uugnay sa Sarili Pag-uugnay sa Lipunan

Alamin at basahin ang salik tungkol sa tulang tiyak na makatutulong sa ating aralin.
Tula

Pagpapakahulugan
Ang tula ay isang anyo ng panitikang ipinahahayag nang pataludtod. Ito ay uri ng
akda sa panitikan na naglalarawan ng buhay at mga pangyayari sa kapaligiran, may
matalinhaga at masining na pagpapahayag ng damdamin at isipan. Napalolooban ito ng
kadakilaan, kagandahan, at kariktan.
Kahalagahan

Ang tula pag nilapatan ng tunog at himig ay isang awit. Awitin ito na magbibigay ng
inspirasyon at pag-asa sa mga taong makababasa at makaririnig nito.

Ito rin ay nagpapaalala sa isang indibidwal at sa lahat ng nilalang kung paano ang
mabuting gawi at pag-uugali lalong-lalo na ng kabataan. Ito’y naglalayong maipahayag
ang damdamin, kabayanihan, karanasan, pananaw ng mga manunulat. Maging sa
panahon natin ngayon, ang pagbuo at pagsulat ng tula ay patuloy at ito’y nagiging tulay
ng kaalaman mula noon at hanggang sa kasalukuyan.

Mga Elemento ng Tula

1. Tema- Ang tema ay ang paksa ng tula. Iba’t iba ang paksa ng tula: katulad ng paksang
tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, at iba pa.
2. Tugma- Ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog o ng mga huling
salita sa bawat taludtod ng tula.
3. Sukat -Ito ang bilang ng pantig sa bawat tatudtod ng tula. Ang karaniwang bilang ng
pantig sa bawat taludtod ng tula ay may sukat na wawaluhin, lalabindalawahin,
lalabing-animin, at lalabing-waluhin.
4. Simbolismo – Tinatawag itong poetic symbol sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag
binabanggit sa anomang akdang pampanitikan ay tiyak na mag-iiwan ng kahulugan at
tatak sa mapanuring isipan ng mambabasa.
5. Kariktan – Pinupukaw ang diwa ng mambabasa upang ang guni-guni ay maglakbay.
Gumagamit dito ng imahe, simbolismo, pahiwatig, talinhaga, at tayutay.
6. Saknong – Ito ang bahagi ng tulang naglalarawan sa pangkat ng dalawa o higit pang
linya o “taludtod”.
7. Taludtod – Ito ay tumutukoy sa bahagi na linya ng mga salita sa mga tula sa bawat
saknong.
Ang ibang mahahalagang impormasyon ay hinango sa Hamaka III ng IEMI at Ang Bagong
FILIPINO III ng BEC sa High School

5
Alam mo ba?
Matapos mapag-aralan ang tula at elemento nito, alam mo bang nakadaragdag
sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga salita?
Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging
mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng
kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinhagang pananalita.
Ang matatalinhagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na
kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng
anomang wika. Ipagpatuloy mo ang pagbabasa at pag-aaral nito. Narito ang kahulugan
at uri ng ilang tayutay ayon sa mga dalubhasa.

Ang Pamana Ang bahaging ito ay hango sa Panitikang Pandaigdig modyul DepEd
Modyul para sa mag-aaral
Ni Jose Corazon de Jesus
I
Isang araw ang ina ko’y nakita kong III
namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang “Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking
kasangkapan. pasiyahin
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na at huwag nang Makita pang ika’y
katandaan Nalulungkot mandin,
Nabakas ko ang maraming taon niyang O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan
kahirapan;
sa amin?”
Nakita ko ang ina ko’y tila baga
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay
nalulumbay tawagin ni Bathala
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko Mabuti nang malaman mo ang habilin?
ibibigay, Iyang pyano, itong silya’t aparador ay
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang alaming
maiiwan, Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
Mga silya’t aparador ay kay Tikong
nababagay IV
Sa ganyan ko hinahati itong ating
munting yaman.” “Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat
II ng kasangkapan
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko
kailangan
aking mukha
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw
Tinangka kong magpatawa upang siya
inang
ay matuwa, Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana
Subalit sa aking mata’y may namuong ko’y ikaw
mga luha Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na mamatay
kawawa; At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong
Tila kami iiwan na’t may yari nang hukay?
huling nasa at Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating
sa halip na magalak sa pamanang yaman
mapapala, Pagkat di ka maaaring pantayan ng
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang
na gunita
kapantay.”
Napaiyak akong tila isang kaawaawang
bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay
winika.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang nilalaman at paksa ng tula?

6
2. Anong damdamin ang napapaloob sa tula?
3. Ano ang iyong sariling pagkaunawa sa tula? Bakit
4. Ano-anong mga salita o pahayag ang hindi mo naunawaan? Isa-isahin ang mga
ito.

Pagyamanin

Ang isang tula, kapag ito ay nilapatan ng himig ay isa ng awit. Ang awit na
makikita sa ibaba ay isa sa mga kilalang awitin sa kasalukuyan na inawit ng bandang
Ben & Ben.

GAWAIN
Panuto: Basahin o pakinggan ang awit na pinamagatang “Nakikinig Ka Ba Sa
Akin” Maaari mo itong pakinggan sa radyo/Youtube/Spotify. Unawain at damhin ang
liriko ng awit at iugnay sa sariling karanasan sa tahanan at sa lipunan.

"Nakikinig Ka Ba Sa Akin" TAHANAN


Ben & Ben

Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit

Uunawain kita para 'di tayo maging


Epidemyang 'di matapos-tapos sugpuin
O problemang di makita, sa'n ang salarin
Tayo ba ay naging makasarili?
Sarado ba'ng tenga sa mga hiling? LIPUNAN

Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin

Isaisip

Tandaan…
1. Ang tula pag nilapatan ng tunog at himig ay isang awit.
2. Mayroong 7 elemento ang tula:
a) tema,
b) tugma,
c) sukat,
d) simbolismo,
e) kariktan,
f) saknong; at
g) taludtod.
3. Ayon kay A. Abadilla, “tugma at hindi tula” ang binasa kapag sa unang pagbasa
ay nauunawaan kaagad ang ibig sabihin.
Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan
ang paggamit ng tayutay o matalinhagang mga pahayag at simbolismo.

7
Isagawa

Pagkatapos mong isagawa ang pakikinig sa awit na “Nakikinig Ka Ba Sa Akin”, buksan


at panoorin mo naman sa Youtube ang music video nito.
Link : https://www.youtube.com/watch?v=P2BhsHX7EqM
Panuto :
1. Lumikha ng tula tungkol sa mensahe ng napanood o napakinggang music video.
Ang tulang iyong lilikhain ay
• 4 na saknong
• 4 na taludtod sa bawat saknong
• may sukat at tugma o maaari ring malaya
• gumamit ng matatalinhayang salita o pahayag at simbolismo

2. Pagkatapos ay i-record ang iyong pagbigkas gamit ang tiktok o iba pang app,
maaari mo itong gamitan ng musika. Ikaw ay mamarkahan sa pamamagitan ng
pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagbuo at Pagbigkas ng Tula


1. Nilalaman
o Katapatan sa paksa 10 puntos
o Ginamit na mga salita 10 puntos

2. Tinig at Ekspresyon
o Damdamin sa pagbigkas 10 puntos
o Kahandaan 10 puntos
Kabuuan 40 puntos

Ang sipi at video ng iyong nabuong tula ay ipapasa sa iyong guro sa Google Classroom
(Classwork) o i-email ito.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo ng mga salitang may salungguhit sa bawat


bilang. Isulat ang sagot sa bawat patlang.

1. Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla ng katandaan. ______________


2. Baka ako ay tawagin na ni Bathala mabuti nang malaman mo ang habilin!
_______________
3. Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw. ________________
4. Mangusap ka aking musmos na supling. ________________
5. Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman. ________________

8
10
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Nobela: Paglisan ni Chinua Achebe
Salin sa Filipino ni
Julieta U. Rivera
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Nobela: Paglisan ni Chinua Achebe
Salin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Erlinda S. Caddauan II

Editor: Joel L. Zamora


Marife S. Paredes

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Melanie T. Poyaoan

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Hindi maitatanggi na isa sa mga maipagmamalaki nating kaugaliang Pilipino ay


ang pagiging mapagmahal sa pamilya. Mula pa lamang sa ating mga responsableng
magulang ay hindi na matatawaran ang pagsasakripisyo para sa kanilang mga supling.
Ito ay hudyat ng kanilang dakilang pagmamahal. Ganito rin kaya sa ibang bahagi ng
mundo?

Ang modyul na ito ay tatalakay sa sumusunod na mga kaalaman at kasanayan sa:


• Pagtukoy sa mga tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo
• Pagsuri sa binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
pampanitikan na angkop dito
• Pagsuri sa napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
• Paglapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga
pang-ugnay sa panunuring pampelikula
• Paggamit ng iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia
• Pagpahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa: -
sarili – panlipunan – pandaigdig.
Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, ikaw ay maituturing na isa sa mga
walastik na FilipiNOBELAnatiks kaya inaasahang maisasakatuparan mo ang
sumusunod:

1. Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa


napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81);
2. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
pampanitikan na angkop dito (F10PN-IIIh-i-81);
3. Naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda (F10PU-IIi-j-77);
4. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
(F10PD-IIIh-i-79);
5. Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga
pang-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-IIIh-i-83);
6. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at/o Persia (F10EP-IIf-32); at
7. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa
sarili, panlipunan at pandaigdig. (F10PS-IIId-e-81)

Jeka lo!
(Tara Na!)
Hango sa
wikang
Nigerian o
Yoruba

Subukin https://pixabay.com/illustrations/family-mom-dad-
kids-children-5647234/

Hindi biro ang maging isang ama. May malaking gampanin at impluwensiya
sila sa buhay ng kanilang mga anak at asawa. Ito ang nagpapatibay ng konseptong ang
ating ama ay siyang haligi ng tahanan. Nakahahangang pag-uugali rin ng ating mga
ama ang pagharap sa anomang pagsubok at walang inaatrasan. Namana mo kaya ito
sa kaniya? Tingnan natin sa bahaging ito.

1
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga pahayag sa bawat aytem.
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng tamang salita sa
Lagusan ng Pagkatuto. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Upang maipakita
ang katapangan ni
Okonkwo ay tinaga niya
ang anak-anakang si pagkakasala
____________.
2. Sinakop ng mga Puti
__________________ ang kapurihan
lupain ng Umuofia.
3. Kinasusuklaman ni Unoka
Okonkwo ang kaniyang duwag
https://pixabay.com/vectors/african-man-

uette-man-4997687/
and-child-silho
amang si ___________.
tribo

4. Isang malaking ________________ sa diyosa ng matapang


Lupa ang pumatay ay makapatay ng kalahi sa
kanilang tribo. Ikemefuna
5. Kilalang ____________ si Okonkwo sa kanilang
lugar noon pa man. https://pixabay.com/images/search/doorway/
“Eniyan daradara ni e!”
(Napakahusay Mo!)
Hango sa wikang Nigerian/Yoruba

Aralin Nobela: Paglisan ni


Chinua Achebe
1 Salin sa Filipino ni
Julieta U. Rivera
Huwag magdamdam kung ikaw ay nagkamali o kaya’y mababa ang nakuhang
marka sa paunang gawain. Layunin lamang nitong sukatin ang dating kaalaman mo sa
itatampok na aralin ngayon at upang ihanda ka sa mga susunod na gawain. Ika nga
nila, magpatuloy tayo sa buhay ano pa man ang pagsubok na darating sa’tin. Sa oras
na maalala mo ang mga bagay na ito ay mapapaalalahanan mo ang iyong sarili na,
“Kayang-kaya ko ito!”

Balikan

Masabi mo rin kaya sa gawaing ito, ang “Kayang-kaya ko ito!”? Sa nakaraang


aralin ay napagtanto mong taglay ng isang akdang pampanitikan, tuluyan man o
patula, ang matatalinhagang pahayag na nagpaparikit at nagpapalalim
sa isang obra. Kahulugang nakakubli, iyo ngang pakaisipin sa
susunod na gawain.

PUNO NG KAALAMAN
PANUTO: Nakasulat nang paitaliko ang matatalinhagang
pahayag sa loob ng saknong. Ibigay ang kahulugan ng mga ito at isulat
https://pixabay.com/vectors/old-
tree-silhouette-swing-4257049/

2
ang iyong mga sagot sa tatlong sanga sa ibaba.

Laganap ang ganitong (1) dalawa ang bibig sa kasalukuyan,


(2) magbubukang-liwayway na,
naroon pa rin sa kinauupuan,
(3) Basa na ang papel ng taong inuumpukan,
Mabuti sa harapan, taksil sa likuran.

1. 2. 3.
https://pixabay.com/vectors/branch-wood-tree-nature-branches-576845/

Tuklasin
Naging maugong ang #BlackLivesMatter sa buong mundo dahil sa
malawakang protesta ng mga mamamayang nagsusulong ng radikal na
pagbabago sa pagtingin at pagtrato sa mga taong maitim ang balat. Noon
pa man ay laganap na ang rasismo sa iba’t ibang mukha ng sitwasyon subalit hindi ito
ang dapat na maging batayan upang husgahan ang ganap nating pagkatao. Hindi ang
ating kulay o lahing pinagmulan ang magdidikta kung sino tayo sa hinaharap. Marami
na ang nagpatunay nito at isa sa kanila ay isang Nigerian na may-akda ng nobelang
African na pinamagatang Paglisan o Things Fall Apart sa Ingles. Halina’t kilalanin ang
husay ni Chinua Achebe at ang kaniyang obra.

Si Chinua Achebe (Albert Chinualumogu Achebe) ay ipinanganak sa Nigeria noong ika-16 ng


Nobyembre 1930. Lumaki at nagkaisip siya sa malaking bayan ng Igbo sa Ogidi. Isa ito sa mga sentro
ng gawaing pangmisyonero ng mga Kristiyanong Angelican sa Silangang Nigerian. Nagtapos siya ng
kolehiyo sa University of Ibadan.
Noong 1958, naipalimbag niya ang ang kauna-unahan niyang nobelang Things Fall Apart. Naging
kawani siya ng Nigerian Broadcasting Corporation, naitalagang Senior Research Fellow sa Pamantasan
ng Nigeria at nakapagturo sa ibang bansa gaya ng Massachusetts at Connecticut. Napabilang din siya
sa 1,000 Makers of the 20th Century dahil sa kontribusyon niya sa panitikang African na naging
malaking bahagi rin ng pandaigdigang panitikan. Nakalikha siya ng mga nobela, maikling kwento,
sanaysay, at aklat pambata na ang ilan dito ay nagwagi sa mga patimpalak.
Ang ilan sa mga parangal na natanggap niya ay Honorary Fellowship of the American Academy
and Institute of Arts and Letters, ang pinakamataas na parangal sa Nigeria, ang Nigerian National Merit
Award at ang Man Booker International Prize for Fiction noong 2007. Ika-21 ng Marso, 2013, sa edad
na walumpu’t dalawa (82) ay binawian siya ng buhay sa Boston Massachusetts.
Halaw sa Pinagyamang Pluma 10, p. 403

Paglisan (Buod)
ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino
ni Julieta U. Rivera Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni
Okonkwo ang kaniyang katapangan upang
mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib
laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang
tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang
mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa
kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan
at utang ang iniwan nito sa kanilang pamilya.
https://pixabay.com/vectors/africa-forest-silhouette-trees-4062355/ Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay
https://pixabay.com/vectors/cheetah-tattoo-run-african-wildlife- Okonkwo. Pinatunayan niyang naiiba siya sa
3537 315/ang YouTube link sa buod ng nobelang Paglisan
Narito kaniyang ama at siya nga’y naging pinuno sa
na akda-likha ni Ricardo Reyes.
https://www.youtube.com/watch?v=hTfbh3tQNfo&t=3 siyam na nayon. Tatlo ang kaniyang naging
61s asawa, nakapundar ng mga ari-ariang
nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging
Si Okonkwo ay isang matapang at
masipag. Dahil sa kaniyang kakayahan sa
respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng
pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon
mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at
upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking
hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo
kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang
nang matalo niya sa isang labanan si
nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni
Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang 3
Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira
katapangan ni Okonkwo mula Umuofia
ang batang lalaki kina Okonkwo.
hanggang Mbaino.
Naging magiliw at magkasundo
naman ang dalawa. Itinuring ng bata si
Isang masamang balita naman noon ang
Okonkwo bilang pangalawang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala
magulang. Isang araw, lihim na siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw
ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng
matatandang tagaUmuofia, ang planong mga Umuofia. Hindi naglaon, may mga dumating
pagpatay kay Ezeudo na huwag na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang
makialam sa planong ito pero hindi interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown,
nakinig si Okonkwo. Pinaniwala ni lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta.
Okonkwo si Ikemefuna na ihahatid na Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-
siya sa kanyang tunay na ina. diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi
Naglakbay ang bata kasama ang ilang katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi
kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong
ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos
kanilang paglalakbay, sinugod ng mga
katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero
kasamang lalaki si Ikemefuna upang
tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na
patayin ngunit nakatakas ang bata. Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin
Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama- ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang
amahan. Noon ay nasa harapan ng mga tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown kaya’t
katribo si Okonkwo upang mapanatili pinalitan ito ng isang mabagsik at bugnuting
ang ipinakitang katapangan, tinaga niya misyonero na si Rev. James Smith. Nagkaroon ng
ang bata sa harapan nila sa kabila ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
paghingi ng awa sa itinuring na ama. isinasagawa ang taunang seremonya para sa
Nagsimulang nagbago si Okonkwo, ilang pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch
araw siyang hindi makakain at ang takip sa mukha ng isang Egwugwu,
makatulog sa nagawa niya. Humingi katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno.
Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan
siya ng payo kay Obierika at kahit
ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
paano’y nakatulong sa kanya. Lumipas
Smith. Humiling ng pakikipagpulong sa mga
ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo pinuno ng mga Umuofia ang Komisyoner ng
na namatay si Ogbuefi Ezeudu. Pinuno distrito. Pinosasan, nakatikim ng masasakit na
ng malalakas na tunog ng tambol na salita at pang-aabuso ang mga pinuno. Bagama’t
sinasabayan ng alingawngaw ng pinalaya sila, napagkasunduan nilang
malakas na putok ng baril ang maririnig tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga
sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga
ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya.
nang pumutok ang baril ni Okonkwo at Hindi pala handa ang kanyang mga katribo sa
tamaan ang labing-anim na taong digmaan.
gulang na anak ng yumao. Dahil dito, Dumating ang Komisyoner ng distrito at
inimbitahan si Okonkwo sa pagdinig sa korte
kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang
subalit nadatnan niyang nakabitin si Okonkwo.
nagawang kasalanan laban sa kaniyang
Nagpatiwakal si Okonkwo. Gumimbal sa buong
kaangkan. Isang malaking pagkakasala nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila
sa diyosa ng Lupa ang pumatay at na ang pagpapatiwakal ay isang malaking
makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala
Okonkwo ang kaniyang mga ariarian at sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong
mahahalagang kagamitan at nagtungo iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa
sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad
kaniyang ina dala ang kaniyang buong lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni
pamilya. Sinunog ang mga natirang Obierika, ang kaniyang kaibigan.-
Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008.
hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari Texas, USA
ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong
pamayanan sa kasalanan nito. Malugod
naman silang tinanggap ng mga kaanak
Tatlong Tanong Para sa Makabuluhang
higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Pagpoproseso
Malagim at mahirap man ang sinapit ni 1.Paano nakaapekto sa buhay ni Okonkwo ang
Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang mga naging karanasan niya sa kaniyang ama?
lahat at muling magbalik sa kung saan
\\siya nagmula. Dumaan ang dalawang 2. Ano ang iyong pananaw sa paninindigan ni
taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Okonkwo tungkol sa konsepto ng pagiging lalaki?
Sa mga taong iyon matiyagang Masasabi mo bang tama ang pagkakaroon ng
kinukuha at inaani ni Obierika ang mga ganitong pananaw sa buhay ng kalalakihan?
pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ipaliwanag.
Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang
pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag 3. Ano-anong mga pangyayari sa akda na sa
niya itong ginagawa hanggang sa palagay mo ay hindi na dapat isinasagawa sa
makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. kasalukuyan? Bakit?

Magpatuloy sa pagtuklas!
4
Suriin
Baon ang iyong mga kaalamang natutuhan noong
nakaraang markahan, ang tungkol sa iba’t ibang uri ng pananaw
o teoryang pampanitikan, iugnay ang mga pananaw na ito batay
sa iyong nabasang nobela gaya ng layunin ng mga pang-ugnay. Silipin din
natin ang makulay na pagkakakilanlan ng mga taga-Africa.
Ang Africa ay ang pangalawang
pinakamataong kontinente na may 1.1
Sa Teoryang Humanismo, bilyong katao o 16% ng populasyon ng
pokus at paksa ay ang tao, mundo at binubuo ng 54 na bansa.
ang karapatan, Malaking bahagi nito ay disyerto. Narito ang
responsibilidad, saloobin, pinakamalawak na disyerto sa buong
pananaw at damdamin niya. mundo, ang Sahara gayundin ang
Ito ay kumikilala sa pinakamahabang ilog sa mundo, ang Ilog
Nile. Higit sa 50% ng Africans ay sa ilalim
kakayahan ng taong mag-isip
ng edad na 25. Ang buong Africa ay sinakop ng mga banyagang
at magpasya nang malaya sa kapangyarihan sa panahon ng “scramble for Africa”, maliban sa
kaniyang sariling tadhana. Ethiopia at Liberia. Higit sa 25% ng lahat ng mga wika ang
ginagamit lamang sa Africa na may higit sa 2,000 mga
Ang layunin naman ng kinikilalang mga wikang sinasalita sa kontinente. Mayaman at
Teoryang Sosyolohikal ay sari-sari ang kanilang kultura mapasining, pagkain, relihiyon,
ipakita ang kalagayan at paniniwala, at marami pang iba. Karamihan sa mga tao sa Africa
suliraning panlipunan ng ay itim.
lipunang kinabibilangan ng Sa pagdating ng mga mananakop, isa sa mga naging
may-akda. Naipakikita rito suliranin ng mga bansang sinakop ng mga Puti ay ang
ang pamaraan ng mga tauhan paglaganap ng sistemang apartheid kung saan inuuri ng
sa pagsugpo sa suliranin o pamahalaan ang mga mamamayan base sa kanilang kulay. Hindi
kalagayan ng lipunang pinayagang makisalamuha ang mga Itim sa mga Puti. Hindi rin
nagsisilbing gabay sa mga maaaring magpakasal at hindi maaaring puntahan ng mga Itim
mambabasa sa pagpuksa sa ang mga lugar na para sa mga Puti lang. Ito ay nagdulot ng
mga katulad na suliranin. maraming pang-aabuso sa karapatang pantao at nag-iwan ng
malalim na sugat sa lipunan lalo na sa mga Itim.
Hango sa:https://filipino10pt.wordpress.com/about/

Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay. Ginagamit ito sa
pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay. Ang
tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino ay ang pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. (hal.Ayon
sa/kay, para sa/kay, at, bagaman, kundi, sa madaling salita, kung, dahil, ngunit, samantala atbp)

Pagyamanin

Ngayong nag-aalab na ang iyong kaalaman ukol sa nobela ay ilapat mo naman


ito sa kasunod na gawain. Matuto sa tradisyon ng ibang lugar at ihambing sa ating
sariling kultura.

Gawain 1 NOBELAhad
Panuto: Tukuyin ang tradisyong kinamulatan ng mga katutubo ng Africa batay sa sinabi,
ikinilos, inisip, o naramdaman ng mga tauhan sa nobela. Isulat ang iyong sagot sa scroll at
pagkatapos ay suriin at ipaliwanag kung ang tradisyon ay makikita at isinasagawa sa Pilipinas.
1. Umuofia: “Hindi makatarungan ang ginawa ng isa ninyong anak sa anak naming katribo!
Ano ang gusto ninyong mangyari, digmaan o magbayad kayo ng pinsala?”
Mbaino: “Tanggap namin ang aming kasalanan. Magbabayad-pinsala kami ng isang
dalagita at isang binatilyo sa inyo.”

Tradisyong Kinamulatan: Paliwanag kung nakikita at


isinasagawa sa ating bansa:
Okonkwo: Pag-aari ng tribo si Ikemefuna. Pangalagaan mo siya.

5
Nanay ni Nwoye: “Magtatagal ba siya sa’tin?”
Okonkwo: “Babae, gawin mo na lamang ang iniuutos ko! Kailan ka pa naging ndichie
ng Umuofia?” (Tumahimik na lang ang babae at sumunod sa asawa.)

Tradisyong Kinamulatan: Paliwanag kung nakikita at


isinasagawa sa ating bansa:

2. Okonkwo: “Ito ang mga ulong aking naiuwi mula sa malalagim na digmaang aking
pinagtagumpayan.”
Umuofia: “Matapang at magiting ka, Okonkwo. Kinikilala at iginagalang ka ng tribo.”

Tradisyong Kinamulatan: Paliwanag kung nakikita at


isinasagawa sa ating bansa:

Gawain 2 NOBELA’t Teorya


Panuto: Magsagawa ng isang pagsusuri sa binasang buod ng nobelang Paglisan ukol sa
katangiang pampanitikang taglay nito. Gawin ito sa sumusunod na T-Chart Organizer.

Pananaw/Teoryang Humanismo Pananaw/Teoryang Sosyolohikal

Bahagi ng akdang nagpapakita ng pananaw Bahagi ng akdang nagpapakita ng pananaw


na ito: na ito:

Paliwanag: Paliwanag:

Isaisip
Ang panitikan ay may malaking papel bilang repleksiyon sa kultura at
pagpapahalaga ng isang bansa. Bilang pagpapalalim, pansinin ang kultura
ng mga taga-Africa na naipakita sa akda. Bilugan ang Oo kung ito ay nagdudulot ng
positibong epekto sa buhay ng mga tao sa pangkalahatan at bilugan naman ang Hindi
kung sa palagay mo ay maaari itong makasama. Pagkatapos ay ilahad ang iyong
damdamin at saloobin sa loob ng kahon.
Gawain: NOBELApat
1. Labis na pagpapahalaga Oo Hindi
sa pagiging Lalaki

6
2. Pagbubuwis ng buhay bilang Oo Hindi
bayad-pinsala sa nagawang kasalanan

3. Pagkakaloob ng dowry o dote sa Oo Hindi


pamilya ng babaeng nais pakasalan

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga at paggalang sa


kultura at tradisyon ng ibang mga lahi? Dugtungan ang bahaging ito.
Maipakikita ko ang pagpapahalaga at paggalang sa kultura
at tradisyon ng ibang mga lahi sa pamamagitan ng https://pixabay.com/vectors/african-
girl-woman-dancing-black-160206/

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Isagawa
NOBELikula: Napakarami ng nobela na isinapelikula at ito ang
sunod na hahamon sa iyo. Panoorin ang pelikulang Faith Like
Potatoes na ipinalabas noong 2006. Ang excerpt na iyong
mapanonood ay nasa YT link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=j0LcacVjt3I

Suriin ang bahagi ng pelikulang ito sa pamamagitan ng mga tanong sa loob ng


kahon. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay at salungguhitan upang matiyak ang
kaisahan sa pagsulat ng iyong talata.

Paano nagkakatulad ang Pareho ba ang damdaming iyong


paksa ng pelikulang Faith naramdaman matapos mong
Like Potatoes at ang mapanood ang pelikula at mabasa
nobelang Paglisan? ang buod ng nobela?

Ano-anong mga gintong aral ang nakuha mo sa mga


akdang pampanitikang ito?

NOBELAkwatsa at NOBELArawan: Pananaliksik na Siksik at Hitik!


Panuto: Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa magandang katangian ng mga
bansa sa Africa at maging ang mga pagbabagong nangyari sa pamumuhay at kultura
ng mga taga-Africa sa kasalukuyan. Ilarawan ito sa isang poster at oral na
presentasyon. Maaari mong gamitin ang sumusunod na batis o pamamaraan ng
pangangalap ng impormasyon; 1. Pagbabasa ng mga aklat sa panitikan 2. Pananaliksik
sa mga libro at Internet (magbigay ng pagkilala sa pinagkuhaan at may- akda nito) 3.
Pakikipanayam o Interbyu sa mga taong may malalim na kabatiran.
Maging gabay sa pangangalap ang mga tanong sa kahon.

7
Una: Ilarawan ang kontinenteng Africa. Ano-ano ang mga natatanging tradisyon o
pagpapahalaga ang isinasagawa ng mga sinaunang mamamayan at ipaliwanag?
Ikalawa: Anong mga bansa mula sa Europa ang nakaimpluwensiya sa mga taga-
Africa at nakaapekto sa kanilang pamumuhay at kultura? Positibong epekto ba ito
o negatibo? Bakit?
Ikatlo: Bakit mahalagang matutuhan ng kabataang tulad mo ang uri ng
pamumuhay at maging ang tradisyon at kultura ng mga taga-Africa? Ano ang
mensahe ng akda sa iyo?

Pamantayan sa Pagmamarka:
1. Maayos at malinaw na paglalarawan ng mga konsepto sa poster
2. Epektibong nailahad ang nilalaman at lalim ng pananaw
3. Maingat, namasid, at nasuri ang mga nakalap na datos
Tatayahin ang iyong presentasyon ayon sa sumusunod:
20 puntos - lahat ng pamantayan ay naisakatuparan
16 puntos - dalawa sa mga pamantayan ang naisakatuparan
14 puntos - isa sa mga pamantayan ang naisakatuparan
10 puntos – ang mga pamantayan ay hindi naisakatuparan ngunit may nilikha

Tayahin

Gawain 1 PAGTUKOY
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang wastong sagot sa
patlang.

________________1. Ito ang sistemang lumaganap nang dumating ang mga puti kung saan
inuuri ng pamahalaan ang mga mamamayan base sa kanilang kulay.
________________2. Nakuha ni Chinua Achebe ang pinakamataas na parangal sa bansang
Nigeria at ito ay ang ______________.
________________3. Layunin ng pananaw o teoryang ito ang ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
________________4. Ito ang relihiyong dala ng mga dayuhan at tinanggap ng mga taga-
Umuofia.
________________5. Ang mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang
sugnay ay _________.
Gawain 2
Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa
ng talata. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Umuugong pa rin ang ingay ng isyung diskriminasyon sa ating bansa sa
panahon ngayon. Masasabing may mga batas na siyang magpoprotekta sa’tin
1) ___________ hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang pangangailangan ng taong
nakaranas ng pangmamaliit. 2) _______________ Anti-Discrimination Act of 2011,
sinasabing parurusahan ang sinomang manlalait, manliliit o magsasagawa ng
diskriminasyon sa larangan ng hanapbuhay o trabaho, edukasyon, “delivery of goods”,
“facilities and services”, akomodasyon, transportasyon, media, at sa mga
“investigatory activities”. Nakalulungkot lamang 3) _______________ hindi pa ito
naisasabatas. 4) _______________ hindi pa ito naaaprubahan bilang batas, mayroon
namang mga ordinansang naipatupad sa mga piling lungsod. Lagi na lamang nating
pakatandaan na tayo ay may indibidwal na pagkakaiba-iba 5) _______ ang pagtingin
ng Diyos sa ating lahat ay pantay-pantay.

8
10
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Melanie T. Poyaoan

Editor: Marife S. Paredes

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 12127
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa modyul na ito, bubuksan ang iyong kamalayan patungkol sa epiko. Ang epiko
ay maaaring maging daan upang mailahad ang nakaraan batay sa kanilang magigiting
na bayani ng kasasaysayan. Masasalamin ang mataas na pagtingin at pagpapahalaga
sa lipunan, kasaysayan, kultura, at tradisyon ng isang bansa. Kaya halika nang
tuklasin ang epiko ni Sundiata na magbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon sa
kanilang kasaysayan.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan (F10PN-IIId-e-79);
2. Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming
nangibabaw sa akda (F10WG-IIId-e-74); at
3. Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang
katulad ng binasang akda. (F10PD-IIId-e-77)

Subukin

Sa nakaraang aralin, nagawa mong makilala ang ilang mahahalagang


impormasyon tungkol sa akdang pampanitikang epiko. Ngayon naman ay subuking
sagutin ang ilang mga tanong upang mabatid ng iyong guro kung ikaw ay may sapat
nang kakayahan sa susunod nating paksa. Tara at iyong simulan.

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat tanong.
1. Sino ang tauhang nagtataglay ng kakaibang lakas at nakapaglakad na hindi
inaasahan ng lahat?
A. Sogolon Kadjou B. Maghan Sundiata C. Dankaran Touma D. Manding Bory

2. Suriin, anong damdamin ang naghari sa pahayag na ito? “Manahimik ka walang


makakaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.”
A. Pagtatampo B. Pagmamakaawa C. Pagkagalit D. Pagkasuklam

3. Alin sa mga suliraning nakatala ang hindi kabilang sa suliranin ng pangunahing


tauhan sa akdang epiko ng Sundiata?
A. Hindi pantay na pagtrato sa ibang pamilya ng pangalawang asawa
B. Pakikidigma upang mapangalagaan ang kanilang teritoryo
C. Pangmamaliit sa mga taong may kapansanan
D. Pagiging salamangkero ng mga tauhan

4. Sa akdang Sundiata, ang epiko ng sinaunang Mali at sa palabas ni Darna, anong


katangian ang maaaring lumitaw na taglay ng isang epiko?
A. Ang tauhan ay parehas na babae.
B. Ang tauhan ay parehas na naghahanapbuhay.
C. Nakikipag-away upang maipagtanggol lamang ang kaniyang sarili.
D. Ang tauhan ay may supernatural na kapangyarihan at nakikipagsapalaran.

5. Piliin sa sumusunod ang nagpapakita ng suliraning pandaigdig, na maihahalintulad


sa kaganapan sa epikong Sundiata.
A. Droga
B. Bagyo
C. Terorismo o pananakop
D. Pagputok ng Bulkang Pinatubo

1
Aralin

1 Ang Epiko ng Sinaunang Mali

Sa pagsusuri ng Epiko, mahalagang maiugnay ang mga suliraning


nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Matutuhan ang mga
pahayag upang maging malinaw ang nais na ipabatid na damdamin sa mga
mambabasa. Bahagi ng pag-aaral na ito ay ang pagbibigay natin ng reaksiyon o puna
batay sa napanood nating teaser o trailer. Mukhang handa ka na sa bagong araling
ating pag-aaralan. Pero bago tayo tuluyang pumalaot, iyo munang balik-aralan ang
nakaraang aralin.

Balikan

Sa bahaging ito ay susukatin ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin na iyong napag-
aralan.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng mga tanong.

1. Anong teorya ang nangibabaw sa akdang Paglisan ni Chinua Achebe?


A. Teoryang Feminismo C. Teoryang Humanismo
B. Teoryang Naturalismo D. Teoryang Eksistensiyalismo

2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kultura at tradisyon ng mga taga- Nigeria?
A. Pagkonsulta sa orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng giyera
B. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay
naipatapon
C. Paglisan ng isang taong nagkasala sa lugar at magpapakalayo-layo
D. Pakikianib sa kaaway upang lumawak pa ang kanilang nasasakupan

3. Paano pinatunayan ni Okonko na kaiba siya kay Unoka na kaniyang ama?


A. Hinigitan niya ang pagkakautang ng kaniyang ama.
B. Naging matapang siyang pinuno sa kaniyang nasasakupan.
C. Pinamunuan niya ang siyam na nayon at nakapundar ng mga ari-arian.
D. Tinaga niya si Ikemefuna sa harap ng kaniyang mga katribo upang
mapatunayan na siya ay matapang.

4. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang
katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa
itinuring na ama. Nagsimulang nagbago si Okonkwo, ilang araw siyang hindi makakain
at makatulog sa nagawa niya. Anong damdamin ang naghari sa binasang bahagi ng
akda?
A. pagsisisi C. pagkatakot
B. pagtataka D. pagkabalisa

5. Ang _______________ ay isang akdang pampanitikan na may mahabang kuwento na


binubuo ng iba’t ibang kabanata.
A. Epiko C. Sanaysay
B. Nobela D. Anekdota

2
Tuklasin

Handa ka na sa unang pagsusuri? Basahin at unawain ang epiko ni Sundiata.

Sundiata : Ang Epiko ng Sinaunang Mali


Sundiata: An Epic of the Old Mali
Salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan
Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, Si Sogolon Kadjou. Isang
mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging
isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander. Ngunit
iilan lamang ang naniniwala sapagkat pitong taong gulang na si Maghan Sundiata
ay hindi pa siya nakalalakad.
Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya ang anak niya sa unang asawa
na si Sassouma Berete, na si Dankaran Touma, ang nagmana ng trono ng ama.
Kaya naman pinatapon nila ang mag-ina sa likod ng palasyo.
Isang araw ay kinulang ng pampalasa si Sogolon kaya nagmakaawa ito sa
Inang Reyna na bigyan siya ng kaunting dahon ng baobab. Ngunit ang Inang Reyna
ay nagwika, “Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma.
Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para
sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang
nangangalap ng mga dahon ng Baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan
sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” At ito’y
nanunudyong humalakhak nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa
kaibuturan.
Nang bumalik si Sogolon, siya’y napahikbi at dumampot ng kaputol na
kahoy, hinagupit niya ang anak.
“Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong
pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pandudusta sa aking buhay! Ano ang
aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?
“Inay, anong problema?”
“Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.”
“Ano ba yaon?”
“Si Sassouma’y pinahiya ako dahil lamang sa dahon ng baobab. Sa edad
mong iyan, ang kaniyang anak ay nakapipitas na ng dahong iyon para sa kaniyang
ina.”
“Mahusay kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari
Djata. “Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat
na bakal. Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin
ko ang buong puno?”
Nang dumating si Balla Fasseke at humiling ng tungkod na bakal,
napabulalas si Farakouro, “Dumatal na ba ang dakilang araw?”
“Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi pa
nasaksihan sa anumang pagkakataon.”
Nangusap si Balla Fasseke, anak ni Gnankouman Doua, “Naririto na ang
dakilang araw, Mari Djata. Ika’y kinakausap, Maghan, anak ni Sogolon. Ang Kristal
ng Niger ay pumapawi ng mantsa ng katawan ngunit hindi kayang lipulin ang pang-
uusig. Tumindig ka, batang leon, umatungal at ihayag sa palumpong na sa simula
ngayon sila ay may panginoon.”
Humawak ang dalawang kamay ni Mari Djata sa mga bakal habang nakaluhod. Sa
isang marahas na paghila, iwinasiwas ni Djata ang katawan at umangat ang
kaniyang tuhod sa lupa. Buong igting niyang itinuwid ang katawan gamit ang mga
paa subalit biglang bumaluktot at nagbagong-anyo ang bakal na hawak, ito’y naging
pana!

3
Biglang umawit si Balla Fasseke. Nang makita ni Sogolon ang anak na
nakatayo, siya’y saglit na naumid, pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri
sa Diyos na naghimala sa anak.
Ang tinig ni Balla Fasseke ang namalita sa buong palasyo ang nagaganap at
ang lahat ay namangha sa nasaksihang pagbabago sa anak ni Sogolon.
Sa likuran ng Niani ay nakatanim ang munting puno ng baobab. Buong lakas
na binunot at pinasan ni Djata ang puno. Inilagak niya ito sa harapan ng kanilang
kubo, “Inay, naririto ang ilang dahon ng baobab para sa iyo.”
Bata pa lamang si Sundiata ay mahusay nang mangangaso. Naging matalik
niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlong asawa.
Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran,
ipinatapon nila ang mag-anak.
Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaro Kante,
isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nananakop
ng maraming bayan. Gayon pa man si Sundita’y nakagawa ng paraan na makarating
sa Sosso, ang kabiserang lungsod ni Soumaoro upang makaharap ang halimaw na
pinuno. Maraming digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiata
habang patungo sa Sosso. Siya’y naging popular na lider, maraming kawal ang
sumapi sa kaniya.
Batid ni Soumaoro na si Sundiata ay kagaya niyang salamangkero kaya’t
ipinasaulo niya ang kaniyang saloobin sa isa sa alagang kuwago. Ang ginoo nama’y
nagsugo rin ng kuwago kay Soumaoro. Nagsagutan ang dalawang salamangkerong
hari.
“Hinto binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang kapayapaan,
bumalik ka sa iyong pinagmulan,” litanya ni Soumaoro.
“Ako’y nagbabalik Soumaoro upang muling yakapin ang aking kaharian.
Kung hangad mo ang kapayapaan, ika’y magbayad-pinsala sa aking mga kapanalig
at umuwi sa Sosso kung saan ika’y hari.” “Ako ang Hari ng Mali sa pamamagitan ng
puwersa ng aking kamao. Ang aking karapatan ay maluwat nang napatunayan ng
aking pananakop.” “Kung gayon, aagawin ko ang Mali sa iyo gamit ang puwersa ng
aking kamao at tutugisin kita hanggang sa iyong kaharian.
“Samakatuwid, kailangan mong mabatid na ako ang mabangis na name sa
batuhan, walang sinumang makapagpapalayas sa akin sa Mali.
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko uurungan subalit
itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid.
Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.
“Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok
at bubura sa iyo sa lupa.”
Sa ibang banda, ang griot na Djatang si Ball Fasseke at Nana Triban, kapatid
niyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasyo ni Soumaoro ay
nakatakas. Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan
sa Krina. Si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro ay dumating din sa kampo.
Dahil sa dinukot ni Soumaoro ang kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti.
Ipinangako ni Nana Triban at Fakoli ang katapatan kay Sundiata. Inilantad ni Nana
Triban ang lihim ni Soumaoro, inilihad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na
magagapi niya ang kalaban sa pagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang.
Pagsapit ng bukang-liwayway bumuo ng plano sina Sundiata at Manding Bory
upang mahubaran ng kapangyarihan si Soumaoro.
“Kapatid, naihanda na ba iyong pana?” tanong ni Manding Bory.
“Oo, iyong masdan,” ang sagot ni Sundiata. Inalis niya ang mahiwagang
palaso sa pagkakasabit sa dingding. Ito’y tila hindi bakal, waring kahoy, at ang
dulo’y ang matalim na tari ng puting tandang na makatatanggal ng tana ni
Soumaoro, isang lihim na nailabas ni Nana Triban sa Sosso.
Ang digmaan ay nagsimula sapagitan ni Sundiata at Haring Soumaro. Nang
madamplisan si Haring Soumaro sa balikat ng pana ay sumigaw ito nang ubod –
lakas napalingon ang kaniyang kabayo at siya’y tumalilis. Nakita ng mga Sosso ang
kanilang hari siya’y kanilang pinarisan, at mabilis ding tumakas.
Nang nakumpleto ang hukbo ni Sundiata, sila’y nagmartsa sa direksiyon ng
Sosso ng lungsod ni Soumaoro, ang lungsod ng mga dalubhasang panday sa
paghawak ng sibat.

4
Sa pagkawala nina Soumaoro at Sosso Balla, si Noumounkeba, ang puno ng
tribo, ang tumayong lider upang depensahan ang lungsod.
Pinasok nina Sundiata ang tore ni Soumaoro. Alam ng griot ang pasikot-sikot
at kasuluk-sulukan ng palasyo mula sa kaniyang alaala nang siya’y mabihag,
itinuro niya kay Sundiata ang maharlikang silid-tulugan.
Nang buksan ni Balla Faseke ang pinto ng silid, natuklasan nilang nag-iba
ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang nagmamay-ari ng
silid na nawalan ng kapangyarihan. Ang ahas sa babasaging pitsel ay naghihingalo,
ang mga kuwagong nasa dapuan ay kalunos-lunos na pumapagaspas padausdos sa
sahig. Lahat ay nag-aagaw buhay sa adobe ng salamangkero, lahat ng nakakabit sa
kapangyarihan ni Soumaoro. Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting ni
Soumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawa’t mga prinsesa ng kaharian.
Itinali ang lahat ng mga bilanggo at sama-samang pinastol. At ayon sa kagustuhan
ni Sundiata, napasakanya ang Sosso nang araw na iyon. Nang makalabas ang lahat,
inatas ni Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan,
walang itinira at ginamit ang mga preso sa pagtibag sa mga pader. Samakatuwid,
ang balak ni Sundiatang wasakin ang pundasyon ng Sosso ay maningning na
naisagawa
Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog na
lungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging
nangungulilang parang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na hayop.
Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa kalangitan. Sa
kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot.
Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng kapanglawan sa
pook. Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundo’y walang
kinilalang panginoon kundi si…Sundiata.
Hango sa: Panitikang Pandaigdig: Modyul para sa Mag-aaral, Filipino 10

Tanong ko, Sagutin mo!


1. Isa-isahin ang katangian ni Sundiata na naging kahanga-hanga at ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang
pangyayaring kinahaharap ngayon.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa sarili, lipunan, at daigdig.
Sarili: ________________________________________________________________________
Lipunan: ________________________________________________________________________
Daigdig: ________________________________________________________________________
4. Maituturing bang bayani ng kasaysayan ng Africa si Sundiata?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. May kilala ka bang tao na maihahalintulad sa pangunahing tauhan na si Sundiata?


Bakit? Ipaliwanag
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6. Bakit mahalagang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay sa hinaharap?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

5
Alam mo ba?
Ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na
isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na
mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane. Isinalin niya
ito buhat sa Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin
ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.
Si Sundiate Keita o Mari Diata (Mari Jata), ang bayani’t
pangunahing tauhan ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa
labindalawang magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono. Siya’y
isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa
Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang Imperyong Mandiago ng
Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang mahigpit
250 taon.
-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA
Panitikang Pandaigdig: Modyul para sa Mag-aaral, Filipino 10

Suriin
Gawain 1: Panoorin ang teaser o teleserye na mula sa link na
youtube.com/watch?v=_reOR71wzJ4 at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang iyong napanood?


2. Ano ang pinagkaiba niya sa ibang mga palabas?
3. Saang bahagi ng binasang akda nagkapareho ang trailer na iyong napanood?
4. Sa palagay mo, tatangkilikin ba ito ng mga manonood? Bakit?
5. Paano mo maikukumpara ang teaser na iyong pinanood sa akdang pampanitikan na
Sundiata?

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang isang balita at sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

Bulag na babae, nakapagtapos bilang Summa Cum Laude at Magna Cum Laude
sa dalawang mga kurso!
Sa Pilipinas, hindi biro ang magtapos ng pag-aaral lalo na sa kolehiyo. Hindi
naman lingid sa ating kaalaman na talagang maraming gastusin ang kakailanganin
bago makapagtapos ng kolehiyo sa bansa.
Hindi lahat ng mga Pilipino ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagtapos
ng kursong nais nila kung kaya naman hangga’t maaari ay nagsusumikap talaga ang
bawat isa na makapagtapos ng kolehiyo. Kahit ang ibig sabihin nito ay magtatrabaho
at mag-aaral sila ng magkasabay o di kaya naman ay kakailanganin nilang kumuha
ang iskolarsyip.
Kamakailan lamang ay marami ang bumilib kay Minnie Aveline Juan dahil sa
kabila ng kaniyang kapansanan ay nagawa niyang makapagtapos ng dalawang kurso
sa kolehiyo. Ang mas nakakamangha pa rito ay nagtapos siya ng Summa Cum Laude
at Magna Cum Laude sa magkaibang kurso.
Isinilang siyang bulag ngunit hindi ito naging balakid upang maging proud sa
kaniya ang kaniyang mga magulang na sina Dr. Angelo Juan at Dr. Maria Lilia Juan.

6
Sinong mag-aakala na mag-uuwi siya ng karangalan nang siya ay magtapos
ng elementarya at hayskul?
Hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil sa nagawa rin niyang magtapos ng
kursong “Bachelor of Arts in English” bilang magna cum laude. Matapos niyang
magtagumpay sa kursong ito ay hindi siya huminto sa pag-abot ng kaniyang mga
pangarap dahil sa nagtapos naman siya ng kursong Bachelor of Elementary
Education major in Special Education sa Virgen Milagrosa University sa San Carlos,
Pangasinan.
Tunay nga na hindi hadlang ang kahit ano mang kakulangan niya o
kapansanan upang maging inspirasyon siya sa publiko at magawa ang nais niya sa
buhay. Hindi lamang para sa sarili niyang tagumpay kundi maging sa pagnanais
niyang tumulong sa ibang tao lalo na sa mga mayroong espesyal na
pangangailangan.
Hindi lamang siya isang butihing guro sa kaniyang mga mag-aaral kundi isa
rin siyang mapagmahal na asawa at ina sa sarili niyang pamilya.
Hango sa: https://www.thelifefeed.org/2021/03/bulag-na-babae-nakapagtapos-bilang-summa-cum-laude-at-magna-cum-laude-sa-dalawang-mga-kurso/

1. Tungkol saan ang binasang balita?


2. Ihalintulad si Minnie Aveline kay Sundiata.
3. Anong damdamin ang iyong naramdaman nang basahin ang
balita?
4. Isa-isahin ang aral na iyong natutuhan?

Isaisip
Panuto: Sumulat ng iyong repleksiyon sa araw na ito. Gamitin ang dayagram upang
mailahad ang iyong natamong karunungan sa modyul na ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Natutuhan ko sa araw na ito….
BINTANA NG PAG-UNAWA
REYALISASYON INTEGRASYON (maghahalintulad)

Hal. Sagot: Ang epiko ng ating binabasa ay Hal. Sagot: Ang mga akdang epiko ay
maaaring maging salamin ng kasaysayan ng pwedeng ihalintulad sa mga taong nagiging
mga bansang pinanggalingan. bayani sa panahon natin ngayon.

SAGOT: SAGOT:

EMOSYON AKSIYON

Hal. Sagot: Nakatutuwa na may mga taong Hal. Sagot: Aking isasabuhay ang aral na
sa kabila na sila ay may kapansanan ay aking nakuha mula sa akdang binasa.
patuloy pa rin lumalaban sa hamon ng Pagdating sa mga hamon ng buhay ay
buhay. huwag susuko.

SAGOT: SAGOT:

Isagawa

Panuto: Mula sa mga pahayag mula sa akdang binasa, ibigay ang kahulugan ng
damdaming nangibawbaw sa akda. Piliin ang sagot sa ibaba ng kahon at isulat ito sa
patlang.

7
__________1. “Tingnan mo ang iyong sarili,” Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo
ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad
sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng Baobab na iyan. Maaari
mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking
anak.”
__________2. “Mahusay kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari
Djata. “Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na
bakal.”
__________3. “Oh anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong
pagkukulang ako’y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang
aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?
__________4. “Hinto binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang
kapayapaan, bumalik ka sa iyong pinagmulan,” litanya ni Soumaoro.
__________5. “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko uurungan
subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid.
Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.

pagbabanta pursegido pagkaawa sa sarili


mapanlait pagkatuwa pananakot

Tayahin
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat tanong.
1. Saang bahagi ng akda makikita ang kabayanihan ng pangunahing tauhan?
A. Nang makalakad si Mari Djata
B. Nang makipaglaban si Sundiata sa hari ng Sosso
C. Nang dinala ni Mari Djata ang buong puno sa tapat ng bahay
D. Nang utusan ni Mari Djata ang panday na hulmahin ang pinakamabigat na bakal
2. Alin sa sumusunod na pangyayari ang HINDI kabilang na angkop na bahagi ng epiko
mula sa epikong Sundiata?
A. Nang makalakad si Mari Djata
B. Si Sundiata ay nakapangasawa ng marami.
C. Maraming digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiata.
D. Pagtatanggol sa mga kapanalig sa mga nagnanasa na sumakop at mang-abuso
3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa suliraning pandaigdig na maihahalintulad
mula sa akdang tinalakay?
A. Digmaan
B. Pag-aagawan ng teritoryo
C. Diskriminasyon sa mga may kapansanan
D. Paggamit ng mahika o salamangka sa pakikipaglaban
4. Batay sa paggamit ng pahayag na ito ni Sundiata “Kung gayon, aagawin ko ang mali
sa iyo gamit ang puwersa ng aking kamao at tutugisin kita hanggang sa iyong
kaharian,” paano nakatulong ito sa pagpapahatid ng damdamin niya sa hari ng Sosso.
A. Naging malinaw na anomang mangyari ay babawiin niya ang mali gamit ang
kaniyang puwersa.
B. Walang dating ang mensahe na ito para maipalabas ang hangarin niyang
makidigma.
C. Hindi ito nakatulong upang ipabatid ang kaniyang layunin na makidigma.
D. Naging katawa-tawa lamang ito sa hari ng Sosso.
5. Ano ang HINDI kahulugan ng akdang pampanitikang epiko?
A. May elemento ang epiko na mahika o kababalaghan.
B. Maaaring maging tulay ito ng kasaysayan at kultura ng isang bansa.
C. Binabasa ito bawat kabanata at sinulat ito nang may saknong at may taludtod.
D. Nagpapakita ng kabayanihan ang pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay
at pakikipagsapalaran.

8
10
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Mga Natutuhang Konsepto sa
mga Akdang Pampanitikan ng
Africa at Persia, Ating
Pagyamanin
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Mga Natutuhang Konsepto sa mga Akdang Pampanitikan
ng Africa at Persia, Ating Pagyamanin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamaniha: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: April DM. Abrenica

Editor: Vilma I. Valencia


Marife S Paredes

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Melanie T. Poyaoan

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang panitikan ay mayaman sa kultura, paniniwala, at sumasalamin sa


pagkakakilanlan ng isang bansa. Buhay at may pagbabago bunga ng maigting na
pagkilos, paniniwala, pamumuhay o takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito
ay mababanaag sa pamamagitan ng paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan, at
maging sa paraan ng pangangatwiran. Ang lahat ng iyong natutuhan sa buong
markahan ay higit pa nating pagyayamanin upang ang masteri ng kasanayan ay
matamo.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng akda
- kilos at gawi ng tauhan -desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80);
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng
awtor paraan ng pagsulat at iba pa (F10PB-IIIb-81);
3. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag
sa tula (F10PB-IIIc-82);
4. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda
(F10PB-IIIf-g-84);
5. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa
lipunan (F10PN-IIId-e-79); at
6. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa: -
sarili - panlipunan pandaigdig (F10PS-IIId-e-81).

Subukin

Masayang araw ang aking pagbati! Batid kong lubos na ang iyong pagkaunawa
sa mga naging aralin sa Ikatlong Markahan. Upang masubok ang iyong kakayahan at
kaalaman hinggil sa mga ito, naghanda ako ng mga pagsasanay at gawaing susubok sa
iyong husay. Alam kong kayang-kaya mo itong sagutan.

Magsimula na!

Panuto: Tukuyin kung anong genrèng pampanitikan ang tinutukoy sa bawat


bilang. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

______________1. Ito ay mula sa salitang Greek na “muthos” na ang kahulugan ay


kuwento.
______________2. Ito ay paglalahad ng sariling opinyon o damdamin batay sa isang
paksa.
______________3. Ito ay maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari, nag-
iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
______________4. Ito ay akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, naglalahad ng
matinding damdaming ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
______________5. Ito ay kathang pampanitikang naglalahad ng mga pangyayaring
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas at nahahati sa kabanata.
______________6. Nakawiwili, nakatutuwang pangyayari, layon nitong magpabatid ng
isang magandang karanasan ng isang tao na kapupulutan ng aral, ano ito?

Maikling kuwento Sanaysay Anekdota


Tula Nobela Mitolohiya

1
Aralin Mga Natutuhang Konsepto sa
mga Akdang Pampanitikan ng
1 Africa at Persia,
Ating Pagyamanin
Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nalilimutan ang mga
akdang bahagi ng ating lipi, kasaysayan, at buhay. Bago ka magtungo sa pagsasanay
na susubok sa iyong husay, balikan muna natin ang dati mo nang kaalaman hinggil sa
mga paksang ating tinalakay ngayong Ikatlong Markahan.

Balikan
Muling balikan ang dating kaalaman at natutuhan sa mga aralin sa Ikatlong
Markahan sa tulong ng flow chart organizer.

MGA ARALIN

MGA NATUTUHAN
DATING
KAALAMAN

Isaisip

Ang kahalagahan ng mga akdang pampanitikan sa


Africa at Persia ay
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Isagawa
Pagganap (15 puntos)

Nakuha ng inyong advertising agency ang isang proyekto mula sa isang


internasyonal na kompanyang panturismo. Napagkasunduan ninyong lumikha ng
isang ISLOGAN (na nagtatampok sa kagandahan ng alinmang bansa sa Africa at
Persia kabilang na rin ang Pilipinas). Mahigpit na tagubilin ng kompanyang tiyaking

2
ito ay makapanghihikayat ng mga dayuhan. Gayundin, maipakita ang kagandahan
at kultura ng bansa.
Narito ang mga Pamantayan sa pagsulat
Kasiningan – orihinalidad at estilo ng pagsulat at pagkakabuo 5 puntos
Kaangkupan – totoo/tunay ang ipinakitang kagandahan ng 5 puntos
kultura ng bansa
Kawilihan – hikayat sa mambabasa ng isinulat 5 puntos

Tayahin

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o


katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

(1) Si Liongo ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na


makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng higante, na hindi
nasusugatan ng anomang armas. Ngunit kung siya ay tatamaan ng karayom sa
kaniyang pusod ay mamamatay siya. (2) Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono
ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang si Ahmad. Nais ni Haring Ahmad
na mawala si Liongo kung kaya’t kinadena niya ito at ikinulong. Nang makakita
ng pagkakataon tumakas si Liongo at nanirahan sa kagubatan, dito ay nagsanay
siya sa paghawak ng busog at palaso na kalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng
pagpana. (3) Kaya naibigay ng Hari ang anak kay Liongo upang mapabilang sa
kaniyang pamilya. Nang maglaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na
nagtraydor at pumatay sa kaniya.
- Mula sa Mitolohiyang Liongo” (Kenya)

1. Anong suliranin ang kinaharap ni Liongo batay sa ikalawang pangyayari sa akda?


A. pag-aakala na siya ang pinakamalakas sa lahat
B. pagkatalo niya sa mga labanan
C. mamamatay siya kapag natusok ng karayom sa pusod
D. pagkakakulong at pagkadena kay Liongo ng kaniyang pinsan
2. Anong kilos o gawi ang naisip ni Liongo upang mapatunayan ang kaniyang
kalakasan?
A. Tumakas siya mula sa pagkakakulong sa kaniya.
B. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng buso at palaso.
C. Hindi niya ipinakita ang kaniyang kahinaan sa pakikipaglaban.
D. Nanalo siya sa lahat ng labanan.
3. Ang kaisipang nais iparating ng unang bilang sa akda ay __________.
A. Lahat ng bagay ay may solusyong magagawa.
B. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw lang ang may lakas na taglay.
C. Ang isang nilalang ay nagtataglay ng kalakasan at kahinaan.
D. Ang isang tao ay may lakas na hindi matatalo ninuman.
4. Ano ang mababanaag sa kilos ng tauhan sa pangyayari bilang 2 na initiman?
A. katapangan B. kataksilan C. pagrespeto D. paghanga
5. Sa bahaging may salungguhit, ano ang nais iparating ng pangyayari sa akda?
A. Kung minsan ang mga lubos na minahal natin ang makasasakit sa atin.
B. Ang lahat ng bagay ay may katapusan.
C. May nagagawa tayo sa ating kapuwa na hindi sinasadya.
D. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin kontrolado.

3
(1) Sariwa ang simoy ng hanging aking malalanghap, kakaiba kumpara sa aking
nakagisnan dito sa Maynila, ito ang aking naiisip sapagkat bibisitahin namin ni inay
ang kaniyang nakagisnang pook na matagal-tagal na niyang hindi napupuntahan.
(2) May malubhang karamdaman ang babaeng malapit sa kaniyang puso, ang
babaeng palagi niyang naikukuwento sa akin na nag-aruga at nagpalaki sa kaniya sa
kabila ng hindi naman sila magkadugo. Habang nag-aayos ng gamit, pinagmamasdan
ko ang aking ina, bakas sa kaniyang mga mukha ang matinding pag-aalala. (3)
Dapithapon nang kami ay makarating sa pook na sa kuwento lamang ni inay ko
narinig. Tunay nga ang kaniyang sinabi, napakaganda rito, luntian ang kulay ng
paligid, mga halaman, mga puno ang nakapaligid sa munting tahanan. (4) Pumasok
kami sa loob ng bahay, agad na bumungad sa akin ang isang babaeng nakahiga sa
maliit na papag, sa kaniyang mukha ay maaaninag mong hirap na siya dahil sa
kaniyang karamdaman. Lumapit agad si inay at agad siyang yumakap. Nakita kong
sumilay ang mga ngiti sa labi ng babaeng nakahiga, ang mga ngiting nagpaluha sa
akin. (5) Masasabi kong ito ang bahagi ng kahapon ni inay na ngayo’y aking nasaksihan.
Anekdota sa panulat ni: April DM. Abrenica

6. Ang bahagi ng akdang may salungguhit ay nagpapakita ng __________.


A. pag-aalala C. pagmamalasakit
B. pagmamadali D. pagkalungkot
7. Batay sa paglalarawan sa tagpuan, saan kaya naganap ang kuwento?
A. sa isang lunsod C. lugar na puno ng mga gusali
B. isang lalawigan D. lugar na bihirang puntahan ng mga tao
8. Ang pangungusap na nasa bilang 2 ay nagpapahiwatig ng __________.
A. Ang babae ay kaniyang ina kaya siya nag-aalala.
B. Hindi man niya tunay na ina ang babae ay may pag-aalala siya.
C. May malubhang karamdaman ang kaniyang tiyahin.
D. May pag-aalala siya sa babae dahil matalik niya itong kaibigan
9. Ano ang kaisipang nais iparating ng akdang binasa?
A. Ang pagmamahal ay mahirap matagpuan.
B. Ang pagmamahal ay matatagpuan kapag naging mabuti ka.
C. Ipinakikita na ang pagbibigay ng pagmamahal ay pinipili dapat.
D. Ipinakikita na ang pagbibigay ng pagmamahal ay walang pinipili, magkadugo
man o hindi.
10. Ano ang maaaring dahilan kung bakit napaluha ang anak sa kaniyang nasaksihan?
A. Napaluha siya sa tuwa, dahil nakita niya babaeng nag-aruga sa kanyang ina.
B. Ang kaniyang luha ay nagpapahiwatig ng halong lungkot at tuwa.
C. Naaawa siya sa babaeng may malubhang karamdaman.
D. Nais niya kasing umiyak dahil sa kaniyang nakita.

Tula blg. I
I. Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, at mamumuno sa
kalalakihan
II. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
III. Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan
IV. Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin
V. Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib
VI. At ang pagsulyap-sulyap sa akin
VII. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
VIII. Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
-Mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” (Uganda)

11. Sa una at ikalawang taludtod, ano ang mababanaag sa nais ng ina para sa kaniyang
anak?
A. Ang maging isang dakilang pinuno na susundin
B. Ang maging bayani at tingalain ng lahat
C. Ang maging tagapagligtas na kanilang sasambahin
D. Pinunong igagalang at irespeto hanggang sa susunod na henerasyon

4
12. Ano ang nais ipahiwatig ng ikaapat hanggang ikapitong taludtod?
A. Pagdaramdam sa anak
B. Pagmamahal sa karangalan
C. Pagsusumamo na maging pinuno ang anak
D. Pangungulila sa anak kapag itinanghal na itong pinuno
13. Ano ang nais ipakahulugan ng taludtod bilang VIII?
A. Ang ina ay matutuwa kapag naging pinuno ang anak.
B. Gagawin ng ina ang lahat upang pigilan ang anak sa nais nito.
C. Mangungulila ang ina sa kaniyang anak, at patuloy ang pag-alala rito.
D. Masaya ang ina kahit na anopa ang maging desisyon ng kaniyang anak.

Tula blg. II
I. Biyaya kang tunay sa amin ng iyong Itay
Simula nang ika’y dumating sa aming buhay
Masayang-masaya ang lahat ng nasa paligid
Kasiyahang maituturing na abot-langit
II. Siyam na buwan sa sinapupunan ng inang minamahal
Bunga ng pagmamahalan ng dalawang nag-iibigan
Si itay doble-kayod para sa pamilya
Pamilyang biyaya mula sa kalangitan
III. Ngunit dumating na ang panahon
Ika’y nagkaroon ng sariling isip at desisyon
Hindi na nakikinig sa mga pangaral sa iyo
Mainitin na ang ulo at nakikipagtalo
IV. Kung ikaw ay napagsasabihan
Tanging hangad ay iyong kabutihan
Balang-araw ay mauunawaan mo
Bakit kami naghihigpit sa iyo
V. Bigyan ng pangalawang buhay
Ikaw pa rin sana sa amin ay ibigay
Mahal ka namin, kailanman ay hindi ipagpapalit
Kahit sa anong bagay dito sa daigdig
Tula sa panulat ni April DM. Abrenica

14. Sino ang personang nagsasalita sa tula?


A. ama B. anak C. ina D. magulang

15. Sa taludtod bilang I, anong damdamin ang namutawi?


A. kalungkutan B. panghihinayang C. pagsusumamo D. kaligayahan

16. Sa taludtod bilang V, ano ang nais ipahiwatig ng personang nagsasalita sa tula?
A. Ang wagas na pagmamahal, na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay
B. Ang pagmamahal ay may katumbas na halaga
C. Magkaroon ng pagkakataong magmahal ulit
D. Hihingi ng pagkakataon na baguhin ang mamahalin

(1) “Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay niya ang kalayaan. Ang
wika ay pag-iisip ng bayan,” linya ng karakter na si Simoun sa nobelang El
Filibusterismo. Ang usapin sa ating wika ay napakatagal nang panahon,
pinagtatalunan at pinaglalaban.
(2) Nakalulungkot na kailangan mong ipaglaban sa sarili mong bansa ang
wikang siyang sumasalamin sa iyong pagkatao. (3) Ang punto ko lamang ay ganito,
hindi masamang pag-aaralan ang ibang wika, ito ay panibagong kaalamang
makatutulong sa pag-unlad. Hindi ba’t ang isa sa magandang halimbawa ay ang
ating pambansang bayaning si Jose Rizal? Marami man siyang wikang batid ngunit

5
nangunguna pa rin sa kaniya ang wikang Filipino. Kaya ang tanong, kapag ba may
idaragdag, kailangang may alisin? Nakasasagabal ba sa pag-unlad ang wikang
Filipino? Pabigat ba ito? Maaaring ang itutugon ng iba ay hindi naman nagagamit ang
Filipino sa kung anong kurso mo, kaya pabor na alisin na ito. Ang tanong ko ay; ano
nga ulit ang lahi mo? Anong wika ang palagian mong ginagamit upang mas
maipahayag at maunawaan mo o ka ng iyong kausap? (4) Hindi ko na ipupunto na
bilang isang Pilipino ay kailangan mong maging matatas sa sarili mong wika kaya
dapat mo pa rin itong pag-aralan. At alam ko rin na sasabihin ng ilan na hindi naman
kalilimutan ang wika natin kahit na ito ay alisin sa kurikulum sa kolehiyo. Hindi ang
pagiging matatas at kalilimutan ang isyu rito kundi ang wika ay kultura, kulturang
hindi dapat alisin sa nakagawian, kulturang alam nating hindi naman sagabal sa
pag-unlad, kulturang sumasalamin sa atin bilang isang Pilipino. (5) Ang wika ay tayo
mismo, kaya tatanggalin mo ba ang iyong pagkatao?
Sanaysay sa panulat ni April DM. Abrenica

17. Alin sa sumusunod ang nais sabihin ng sanaysay hinggil sa wika?


A. Ang wika ay sumasalamin sa pagka-Pilipino.
B. Ang wika ang sentro ng komunikasyon.
C. Ang wika ang nagpapabago sa tao.
D. Ang wika ay tunay na makapangyarihan.

18. Anong mga salitang magkasingkahulugan ang ginamit sa sanaysay?


A. pinagtatalunan – tinatanggap C. alam- batid
B. sagabal- makatutulong D. malilimutan – matatas

19. Anong mga salita ang kasalungat ng initiman sa ikaapat na bahagi ng sanaysay?
A. magaling C. mahina
B. mahusay D. matalino

20. Aling bahagi sa sanaysay ang nagpapahiwatig ng pagdaramdam?


A. bilang 1 C. bilang 3
B. bilang 2 D. bilang 4

21. Ano ang kaisipang nais iparating ng intimang bahagi ng sanaysay sa bilang 3?
A. Kaakibat ng modernisayon ang pagbabago rin.
B. Kalimutan ang kinagisnan alang-alang sa pagbabago.
C. Hindi masama ang dagdag kaalaman kung ito ay para sa pag-unlad.
D. Walang permanente sa mundong ito, lahat ay nagbabago.

22. Ano ang maaaring maging pamagat ng sanaysay batay sa pagkakabuo?


A. Ang Wika ay Pahalagahan C. Ako ang Wika, ang Wika ay Ako
B. Ang Wikang Filipino D. Huwag Kalimutan ang Wika mo

Si Kibuka ay isang retirong kawani sa Ggogombola. Naniniwala siyang


hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Dahil sa mag-isa siya sa bahay, palagian ang
kalungkutang kaniyang nararamdaman at isa siyang kaawa-awang nilalang. Isang
araw ay nagdala ang kaniyang apo ng isang baboy na kinalaunan ay kaniyang
inalagaan. Pinakain niya ito hanggang sa lumaki. Ito ang kaniyang naging kasa-
kasama sa buhay. Habang lumalaki ang alaga niyang baboy ay nauubusan na rin
siya ng ipakakain dito. Ngunit tinulungan siya ng kaniyang mga kapitbahay sa
pamamagitan ng mga tirang pagkain na kanilang ibinibigay. Ilang beses na siyang
nagdadalawang-isip kung ipakakatay niya ang baboy o aalagaan pa rin, dahil
nagiging abala na rin ito sa kaniyang pagtulog at sa pagkain. Isang araw ay
nasangkot sila sa isang aksidente. Nabundol sila ng motor. Si Kibuka ay tumalsik at
sugatan. Habang ang alagang baboy ay naipit hanggang sa nalagutan ng hininga.
Nagpasiya siyang ipakatay na lang sa matadero ang namatay na baboy habang
sariwa pa ang laman nito. Ipinamahagi niya ang baboy sa mga kapitbahay niyang
tumulong sa pagpapakain dito. Kalaunan ay kinain na rin niya ang karne ng

6
kinatay na alaga, malinamnam at malambot ito tulad din ng mga sinabi ng mga
kapitbahay na nakakain.
Mula sa Maikling kuwento: Ang Alaga (East Africa)

23. Ano ang damdaming namayani kay Kibuka pagkatapos niyang magretiro?
A. pagkalungkot
B. pagkatuwa
C. panghihinayang
D. pagkabagot
24. Bakit kaya naisipan ni Kibukang mag-alaga ng hayop?
A. Sapagkat nakaramdam siya ng pag-iisa sa buhay
B. Upang sa huli ay kaniyang maibenta ang alaga at kumita ng pera
C. Upang may pagkaabalahan siya sa buhay
D. Naaawa siya sa hayop kung ibebenta
25. Anong katangian mayroon si Kibuka na kaniyang ipinakita sa alaga?
A. malupit
B. mainitin ang ulo
C. mapagmahal
D. matulungin
26. Bakit may pagdadalawang-isip na si Kibuka kung kaniyang aalagaan pa ang baboy?
A. Isasama na siya ng kaniyang apo at ayaw nitong may alaga siyang hayop.
B. May kailangan siyang bilhin kaya kailangan niya ng pera.
C. Nagiging abala na ito sa kaniyang pagtulog at pagkain.
D. Kailangan na niya talagang ibenta ito dahil malaki na.

27. Sa iyong palagay, bakit hindi maibenta ni Kibuka ang kaniyang alaga sa kabila ng
nagiging abala na rin ito sa kaniyang pamumuhay?
A. Naghahanap pa siya ng bibili nang mas mahal dito.
B. Walang nais bumili dito.
C. Hihihintay niya pa ang kaniyang apong magbebenta nito.
D. Napamahal na sa kaniya ang kaniyang alaga.
28. Ano ang ipinahihiwatig ng initimang pangyayari sa kuwento?
A. Kailangan niyang bigyan ang mga kapitbahay para hindi sila magalit.
B. Ang mga kapitbahay ay tumulong sa kaniya sa pagpapakain sa alaga
kaya’t marapat lamang na suklian ang kabutihan ng mga ito.
C. Ipinahihiwatig lamang na mabait talaga si Kibuka sa kabila ng hindi
magandang ginawa ng mga kapitbahay.
D. Hindi madamot si Kibuka at batid niyang hindi niya mauubos ang karne ng
alaga kaya namigay siya.
29. Ano ang nais ipahiwatig ng pangyayari sa kuwentong may salungguhit?
A. Ang karne ng alaga ni Kibuka ay kumakatawan sa kung paano ang
pagmamahal na kaniyang ibinigay dito.
B. Ang karne ng alaga ni Kibuka ay nagpapakita na maganda ang lahi ng baboy.
C. Ang karne ng alaga ni Kibuka ay masarap dahil sa pagkakaluto rito.
D. Ang karne ng alaga ni Kibuka ay hindi talaga masarap.

(1) Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng


mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi gaanong kalakihang tribo sa
Nigeria.
(2) Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang
tumatak na pagkatao ng kanilang amang si Unoka sa kanilang pamayanan.
(3) Tamad, baon sa utang, mahina, at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay
walang ipinanalo ang kaniyang ama.
(4) Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran.
(5) Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat
upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban, at higit sa lahat pagkilala
mula sa mga katribo.
Mula sa Nobela – Paglisan (Buod) (Nigeria)

7
30. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa
buhay?
A. may determinasyon sa buhay C. may iisang salita
B. puno ng hinanakit D. mapaghiganti
31. Ang initimang salita sa pangungusap 2 ay nangangahulugang ____________.
C. inilalayo B. inaalis C. tinatago D. tinatanggap
32. Bakit nais ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
A. Nais niyang maghiganti ang ama.
B. Nais niyang magkaroon ng pangalan at karangalan.
C. Kahiya-hiya ang kaniyang ama.
D. Mahina kasi ang kaniyang ama.
33. Ang pangungusap 2 at 3 ay naglalarawan sa ____________.
A. Labis na paghanga ni Okonkwo sa kaniyang ama
B. Utang na loob sa kaniyang ama
C. Pagnanais na makalimutan ang kaniyang ama
D. Pagkamuhi sa kaniyang ama at kakulangan nito
34. Sa anong pangugusap makikita na ang pangunahing tauhan ay nagdesisyon at
kumilos para sariling ikauunlad?
A. 1,2 B. 2,3 C. 2,4 D. 4,5
35. Ano ang katangian ni Okonkwo bilang mandirigma?
A. mahina at hindi maaasahan C. matapang at respetado
B. mapaghiganti at malupit D. maasahan at matulungin

Epiko
36. Piliin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng suliraning pandaigdig, na
maihahalintulad sa kaganapan sa epikong Sundiata.
A. Pag-aagawan ng teritoryo C. Digmaan
B. Diskriminasyon D. Droga
37. “Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak
na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng Baobab na
iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi
makalalamang sa akin”. Anong damdamin ang naghari sa binasang bahagi ng akda?
A. panlalait C. pagmamalasakit
B. pagkamainggitin D. pagkalungkot
38. Ang sumusunod ay pagkakakilanlan ng isang epiko maliban sa isa, alin ito?
A. Nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan
B. May kabayanihan at nakikipagsapalaran
C. May layuning manghikayat ng mambabasa
D. Nagmula sa lipi ng diyos at diyosa
39. Anong bahagi ng epiko ni Sundiata ang nagpakita ng hindi pagsuko sa buhay?
A. Pakikipagdigma ni Sundiata sa hari ng Sosso
B. Hindi pagsuko ni Sundiata upang siya ay makapaglakad
C. Paggamit niya ng mahika upang manalo sa laban nila ng hari ng Sosso
D. Pakikipagpalitan ng mensahe ni Sundiata kay Saumaoro gamit ang
kuwago
40. Sa akdang Sundiata ang epiko ng sinaunang Mali at sa palabas ni Captain Barbell,
anong katangian ang maaaring lumitaw na taglay ng isang epiko?
A. Ang tauhan ay pwedeng babae at lalaki.
B. Ang tauhan ay parehas na may kapansanan.
C. Nakikipag-away sila upang maipagtanggol lamang ang kaniyang sarili.
D. Ang tauhan ay may supernatural na kapangyarihan at nakikipagsapalaran.

You might also like