You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
BARBARANGAY ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO IV

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Magandang pasyalan ang Luneta sapagkat dito matatagpuan at makikita ang bantayog ni
Dr. Jose Rizal.
A. makikita C. mapapasyalan
B. mararating D. mapupuntahan
2. Kaakit-akit na pasyalan ang Rizal Park sapagkat makikita ang magagandang tanawin at
makulay ang paglubog ng araw.
A. malinis C. mahalina
B. maganda D. maningning
3. Malalanghap ang sariwang hangin at maamoy ang mababangong bulaklak sa parke.
A. maaamoy C. madadampian
B. masisinghot D. mararamdaman
4. Ang Brgy. Biyaya ay kilala sa pagbabayanihan.
A. pag – iissa B.pagtatalo C. pag – awayan D. pagtutulungan
5. Ang diploma ay nakamit ni Remy noong isang buwan sa pagiging huwarang empleyado.
A. listahan ng pautang C. kasulutan sa huling hiling
B. kasulutan sa lupain D. katibayan ng pagtatagumpay
6.Bakit kaya sapatos ang palaging ibinibigay ni Gng. Eva Cruz sa mga taong malapit sa
kanya?
A. kasi marami na siyang sobrang sapatos
B. dahil yun ang gusto ng taong pinagbibigyan niya
C. kasi dakilang sapatero ang kaniyang napangasawa
D. dahil sa karanasan niya noong siya ay bata na nangangailangan ng puting sapatos
para sa Araw ng Pagtatapos
7. Paano nakaligtas si Isabella sa kanyang karamdaman?
A. dahil nagpagamot siya sa albularyo
B. dahil napanaginipan niyang gagaling siyasa isang halik ng pagong
C. dahil sa tulong ng mga taong malalapit sa kanya na nagbahagi ng dugo
D.dahil naligo siya sa mahiwagang batis na nakakapagpagaling ng karamdaman ng
sinuman
8. Bakit nagalit si Mariang Sinukuan sa mga taumbayan?
A. kasi nagtanim sila ng halamang hindi kailangan
B. dahil nawala ang kanyang tanim na puso ng saging
C. kasi ibinenta ng mga tao ang natanggap na biyaya sa mas mataas na presyo
D. dahil nag – uwi ang mga tao ng makakin at gamit sa kanilang tahanan at kinuha pa
ang ibang gamit sa kabundukan
9. Paano nalaman ni Melody na pinaag usapang siya ay patitigilin sa pag – aaral ng kaniyang
ina?
A. Kinuwento ng kanilang tsismosang kapitbahay ng marinig ito
B. Nabasa niya sa isang liham ang dahilan sa pagpapatigil sa kanya
C. Palihim na narinig niya ang pagtatalo ng kanyang mga magulang
D. Sinabi mismo ng kanyang mga magulang na titigil na siya sa pag – aaral.
10. Ang mga bata ay maasayang naglalaro sa parke.
A. galit C. masaya
B. takot D. malungkot
11. Si Ronan ay nagsisigaw dahil nawawala ang bag niya.
A. galit C. masaya
B. takot D. malungkot
12. Lumulubog nang _______ ang araw na mamamasdan ng mga namamamasyal sa tabing
dagat ng Luneta.
A. mabagal B. mabilis C. dahan dahan D. unti unti
13. Makikita ang ______ na bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
A. mataas B.maganda C. matayog D. matatag
14. Maraming namamamasyal na ______ na mag – aaral na kasama ang buong pamilya sa
parke.
A. maliit B. masaya C. makulit D. maliksi
15. Maraming ________ bulaklak sa paligid ng parke.
A. magaganda B. makukulay C. mababango D. mababaho
16. Nagtatakbuhan nang _______ ang mga mag – aaral sa Rizal Park.
A. mabagal B. maliksi C. mabilis D. matulin
17. Nakalimutan ni Mike ang kaniyang takdang aralin sa bahay. Ipinapalabas ng guro ang
kanilang takdang-aralin. Ano ang mangyayari kay Mike?
A. Magagalit ang guro niya. C. Magagalak ang guro niya.
B. Matutuwa ang guro niya. D. Malulungkot ang guro niya.
18. Ipinagbilin ng nanay ang kanyang bunsong anak sa panganay dahil maglalaba ito pero
nakalimutan ito ng anak at naglalaro lamang ito. Ano ang maaring gagawin ng nanay?
A. Magagalit ang nanay niya. C. Magagalak ang nanay niya.
B. Matutuwa ang nanay niya. D. Malulungkot ang nanay niya.
19. Pista sa Parokya. Inanyayahan ka ng iyong kapitahay na sumali sa prusisyon ngunit hindi
ka naman Katoliko. Ano ang dapat mong sabihin?
A. Ay , ayoko , di naman ako Katoliko
B. kukutyain ko kayo sa inyong ginagawa
C. Sasali ako kahit na labag sa kalooban ko
D. hindi ako sasali ngunit igagalang ko ang inyong pananampalataya
20. Gustong ng mga kamag-aral mo na tapusin na kaagad ang proyekto ninyo at ipasa na ito
kahit marami pa ang kulang basta may maipasa lang. Ano ang gagawin mo?
A. Umayon ng bukal sa loob
B. Aawayin mo sila at gagawa ka ng sarili mong proyekto.
C. pabayaan na lang dahil pareho-pareho lang naman kayo.
D.Sasabihin ng maayos na mas maganda ipasa pag tapos na at kumpleto na.
21. Alin ang bahagi ng liham na nagsasaad ng dahilan o layunin ng pagliham?
A. Lagda B. Pamuhatan C. Bating Panimula D. Katawan ng Liham
22. Dito makikita ang maikling pagbati sa sinusulatan.
A. Lagda B. Pamuhatan C. Bating Panimula D. Katawan ng Liham
23. Aling bahagi ng liham kung saan isinusulat ang pangalan o palayaw ng sumulat?
A. Lagda B. Pamuhatan C. Bating Panimula D. Katawan ng Liham
24. Dito makikita ang maikli at maagang pamamaalam.
A. Lagda B. Pamuhatan C. Bating Panimula D. Bating Pangwakas
25. Tinataglay nito ang address ng sumulat gayundin ang petsa ng pagkakagawa ng lihan.
A. Lagda B. Pamuhatan C. Bating Panimula D. Katawan ng Liham
26. Ano ang angkop na pamagat ng tula?
Munting bata man ako kung tawagin
Nakatutulong din sa mga gawain A. Ulirang bata
Buong kasiyahang ito’y gagawin B. Mabait na bata
Upang ang lahat maging maligaya rin. C. Masipag na bata
Pakisuyo ni Nanay at saka ni Tatay D. Kagiliw-giliw na bata
Gayundin ni Kuya at Ate namin
Sinusunod ko ang kanilang mga hiling
Kaya ako’y munting batang kagiliw-giliw
27. Ano ang nangingibabaw na katangian ng bata?
A. makulit masuyo C. masunurin
B. masigla D. makulit

Linggo, ika-4 ng Disyembre, 2019


Papunta ako noon sa Balibago upang bumili ng aking mga gamit sa aking
paglipat sa bagong bahay. Nakabanggaan ko ang dati kong kaklase sa
kolehiyo na si Alvin. Nagkayayaan kaming kumain sa may Max’s. Matagal
kami doon dahil ang dami naming napagkwentuhan tungkol sa buhay namin
ngayon. Nalaman ko na isa na pala siyang manager ng isang bangko. Nang
mag-alasais na nang hapon,nagpaalam na kami sa isa’t isa dahil may
aasikasuhin pa ako sa aking paglipat. Sumakay na ako ng aking sasakyan na
tuwang-tuwa.

28. Bakit tuwang-tuwa siya?


A. lilipat siya ng tirahan.
B. Pinayagan siya ng nanay niya na lumipat na.
C. nakasalubog niya ang kanyang kaklase at nagkwentuhan sila.
D. Marami na siyang napamili mga gamit sa kaniyang paglipat ng bahay.
29.Sino ang nakabungguan niya?
A.Alvin B. Jessica C. Jeramin D. Joy
30.Bakit siya pupunta ng Balibago?
A. upang lilipat ng bahay C. upang bumili ng makipagkuwentuhan
B. upang kumain sa Max’s D. upang bumili ng mga kagamitan sa paglipat
31.Paano sila nagkita ng kaniyang kaklase?
A. sinadya nila C. nasagasahan niya
B. napag-usapan nila D. nakabanggaan niya

Ang Rizal Park


Ang Rizal Park o Luneta ay isang magandang pasyalan sa Pilipinas.
Ito ay nasa lungsod ng Maynila. Dito matatagpuan ang bantayog ni Dr. Jose
Rizal, ang ating pambansang bayani. Kung nasa tabing – dagat ka makikita
ang maganda at makulay na paglubog ng sikat ng araw.
Maraming tao ang namamamasyal dito upang magpiknik at
makalanghap ng sariwang hangin. Maraming halaman at malalagong
punongkahoy ang nakatanim sa buong parke na nakapagpapaganda sa
paligid nito.

32. Bakit marami ang namamasyal sa Rizal Park?


A. wala nang ibang mapapasyalan.
B. Upang makakita ng maraming turista.
C. Para bantayan ang bantayog ni Rizal.
D. Upang magpiknik at makalanghap ng sariwang hangin.
33. Paano ka makatutulong sa pagpapanatiling maganda ang Rizal Park?
A. Huwag magtapon ng basura.
B. magtapon ng basura kahit saan.
C. sirain ang mga malalagong punong kahoy.
D. Sulatan ang bantayog ni Dr. Jose P. Rizal.
34. Ang matabang si Dorabels ay napahiya dahil nadapa sa harapan ng kaniyang
nagugustuhan.
Ano ang salitang may salungguhit.
A. simuno B. Panaguri C. simuno at panaguri D. wala
35. Sina Peter at Grace ay nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkapareho.
Ano ang salitang may salungguhit.
A. simuno B. Panaguri C. simuno at panaguri D. wala
36. Ang pag – ibig ay parang manhole dahil hindi mo mamamalayang nahulog ka na pala. Ano
ang salitang may salungguhit.
A. simuno B. Panaguri C. simuno at panaguri D. wala
37. Tukuyin ang simuno sa pangungusap. “Ang pamilyang Pilipino ay nagtutulungan.”
A. pamilyang B.Pilipino C.nagtutulungan D. pamilyang Pilipino
38. Anong sanggunian ang gagamitin kapag nais malaman ang kasaysayan na kung saan ay
makatotohanan?
A. atlas B. almanak C. magasin D. ensiklopedya
39. Ibig kong malaman ang mga bakanteng trabaho o kaya mga ibinebentang mga produkto o
sasakyan. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin?
A. obitwaryo C. balitang isports
B. pangunahing balita D. klasipikadong anunsyo
40. Ibig kong malaman kung nanalo si Pacquiao sa kaniyang nakalipas na laban noong
nakaraang Linggo. Anong bahagi ng pahayagan ang aking babasahin?
A. komiks B. obitwaryo C. editorial D. balitang isports

GOOD LUCK!
KEY TO CORRECTIONS: FILIPINO IV

1. A 21. D
2. B 22. C
3. B 23. A
4. D 24. D
5. D 25. B
6. D 26. D
7. C 27. C
8. D 28. C
9. C 29 .A
10. C 30. D
11. A 31. D
12. C 32. D
13. C 33. A
14. C 34. A
15. C 35.B
16. A 36. B
17. A 37. D
18. A 38. B
19. D 39. D
20. C 40. D

You might also like