You are on page 1of 5

FILIPINO 6

Second Periodic Examination


SY 2023-2024

Pangalan: Petsa:
Pangkat:
Panglahat na Panuto: Basahin at unawaing maigi ang mga panuto at bawat katanungan.
Piliin ang angkop na kasagutan sa bawat bilang. Sundin ang panuto ng Guro sa paraan ng
pagtatala ng inyong kasagutan.

1. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging malinis
ang kapaligiran at makalikom ng pondo.
A. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
B. Mawawala na ang basura sa paaralan.
C. Nalutas na ang suliranin sa basura maaari pang kumita.
D. Hindi problema ng paaralan ang basura.
2. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na pumasok.
Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Seth.
A. Masaya ang unang araw ng pasukan.
B. Maraming bagong makikilala sa unang araw ng pasukan.
C. Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase.
Kaya dapat handa.
D. Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
3. Mula sa ibang bansa si Joana. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kaniyang kaklase,
huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na
parehong mahusay sa Filipino at Ingles ang kanilang bagong kamag-aral.

A. Matutong makipagkaibigan.
B. Iwasan na mapalapit sa baguhan.
C. Hayaang maunang pumansin at makipagkaibigan ang bago.
D. Kilalanin muna ang tao bago magsalita tungkol dito.
4. Masayang nagkukuwentuhan ang magkumare na sina Aling Delia at Aling Meriam.
Nagkamustahan ang mga ito tungkol sa kanilang karanasan bilang mga nanay sa panahon ng
home quarantine nang may naamoy silang sunog na sinaing.
.
A. Niyaya ni Aling Meriam ang kaniyang kaibigan para magsimba.
B. Dali-daling pumasok ng bahay si Aling Delia at natulog sa kuwarto.
C. Tinawag ni Aling Meriam ang anak at pinatingnan ang kaniyang sinaing.
D. Tumakbo silang dalawa papasok sa kani-kanilang tahanan para sumilong.
5. Inutusan ni Bebeng ang kaniyang nakababatang kapatid na bumili ng asin sa tindahan
ni Aling Nena ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay, ngunit mag- iisang oras na ay hindi pa ito
nakauuwi. .
A. Nag-ensayo ng sayaw si Bebeng.
B. Lumabas siya ng bahay para maglaro.
C. Nakatulog si Bebeng habang nanonood ng telebisyon.
D. Sinundo niya ito sa tindahan at nadatnan niyang nawili sa paglalaro ang kapatid.
6. “Araaay! Ang sakit!” sigaw ni Marco habang namimilipit sa sakit ng kaniyang tiyan
dahil sa gutom na ito. Gusto niyang kumain ngunit nasa trabaho ang kaniyang mga magulang
at wala pang naihandag pagkain .
A. Namasyal sa mall si Marco.
B. Pumunta siya sa kaniyang tiyahin para makakain.
C. Tiniis na lamang ni Marco ang sakit ng kaniyang tuhod.
D. Tinawagan ang kaniyang kaibigan para magtanong tungkol sa kanilang
takdang-aralin.
7. Ating matatandaan ang Pangulong Corazon Aquino ang may na
pagpapasyang baguhin ang takbo ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng “People Power
Revolution.”
A. matatag C. matatag-tatag
B. mas matatag D. pinakamatatag
8. Ayon sa panitikan, si Maria Clara ang tinaguriang na dalaga dahil simbolo
siya ng kababaihang Pilipina.
A. pinakamahinhin C. mas mahinhin
B. mahinhin-hinhin D. higit na mahinhin
9. Ang Tulay ng San Juanico na nagdurugtong sa Samar at Leyte ay sa buong
Asya.
A. mahaba C. mahaba-haba
B. higit na mahaba D. pinakamahaba
10. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 30 porsyento ang ibinaba ng antas ng reserbang
tubig sa bansa. Bunga nito, ding bumaba ang suplay ng tubig sa mga
kabahayan.
A. malaki C. marami
B. mataas D. mabilis
11. Tunay na dalagang Pilipina si Sheila kaya kulay ang kaniyang balat.
A. puti C. kayumanggi
B. maitim D. mamula-mula
12. ni Isabel ang kaniyang mga magulang kaya ayaw niyang mawalay
sa kanila.
A. Aliw na aliw C. Sunod na sunod
B. Ayaw na ayaw D. Mahal na mahal
13. Palaging nasa harap ng salamin si Nene at pinagmamasdan ang sarili. Masaya
siya sa kaniyang na kutis.

A. malambot C. nakamamangha
B. makinis D. maaliwalas

E. Basahin ang teksto at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aayos at pagtatanim ng mga halaman tulad ng


ornamental, gulay at punongkahoy. Isa itong kawili-wiling gawain. Nagbibigay din ito ng
bitamina at mineral sa katawan. Gayundin, maaari itong mapagkakitaan para sa pang araw-
araw na pangangailangan ng pamilya. Ang pagtatanim ng halaman at gulay ay nakatutulong
din sa pagpapaganda sa kapaligiran at pagsugpo ng polusyon. Ang punong kahoy ay
nagbibigay ng lilim. Nakalilibang ito at nakaaalis ng stress at suliranin. Nakatutulong ang
paghahalaman hindi lamang sa kabuhayan ng mag-anak kundi pati na rin sa programa ng
pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

14. Ano ang paksa sa binasang sanaysay?

A. punong kahoy C. paghahalaman


B. pamilya D. kabuhayan

15. Bakit sinasabing ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aayos at


pagtatanim ng halaman?

A. Dahil nakapagbibigay ng kagandahan at kabutihan sa kapaligiran.


B. Dahil nagbibigay ito ng bitamina at mineral sa katawan.
C. Dahil nagbibigay ito ng lilim kung tag-init.
D. Dahil nagbibigay ito ng hanapbuhay.

16. Paano nakatutulong sa kabuhayan ang paghahalaman?

A. maaaring ng gawing ulam


B. maaring ibenta ang mga gulay
C. maaaring ibigay sa kapitbahay
D. maaring masugpo ang polusyon

17. Sang-ayon ka ba sa mga sinasabi o nais ipabatid sa binasang sanaysay? Bakit?


A. Hindi, dahil hindi ako mahilig magtanim ng halaman.
B. Hindi, dahil hindi nakakapagod ang paghahalaman.
C. Oo, dahil marami ang naidudulot na kabutihan ng paghahalaman.
D. Oo, dahil inutusan ako ng nanay ko ng paghahalaman.

18. Nagtatagisan ng galing sa pagsayaw ang mga kalahok.

A. nagpaligsahan C. nagtatago
B. naghahasa D. nagpapakita

19. Iba’t ibang pagtatanghal ang ipinamalas sa naturang pagdiriwang.

A. entablado C. paghahandog
B. sayaw D. awit
20. Sinuman ang nagpapamalas ng pinakamahusay sa lahat ang siyang panalo.

A. nagpapakita C. nagkukubli
B. naghahasa D. nag-iindak

21. Lahat ay nagsisikap upang matamasa ang tagumpay.

A. hangad C. ninanais
B. maabot D. maihayag
22. Umabot sa lahat ng dako ng daigdig ang virus na COVID-19.
A. nakinabang C. lumaganap
B. gumising D. salansan

23. “Inay, bakit patayo kang nagdarasal?”, tanong ni Lynlyn sa ina. Ang salitang
patayo sa pangungusap ay halimbawa ng:

A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pang-agam


B. Pang-abay na Pamanahon D. Pang-abay na Pamaraan

24. “Narinig kong sa bagong resort idaraos ang kaarawan ni Kristine.” Anong uri
ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamaraan


B. Pang-abay na Pamanahon D. Pang-abay na Pananggi
25. “Kailangan, araw-araw ay nagsisipilyo ka ng ngipin mo anak,” paalala ni
Aling Martha sa bunsong anak. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pang-agam


B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Pamanahon

26. “Doon tayo mamamasyal sa plasa ng Panay dahil balita ko naggagandahan ang mga
parol doon,” sabi ni Rovert. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

A. Pang-abay na Pamanahon C. Pang-abay na Pamaraan


B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Pananggi

27. “Mag-eehersisyo tayo tuwing umaga para lalo pa tayong lalakas!” yaya ni
Nida sa kaibigang si Liza. Anong uri ng pang-abay ang ginamit?

A. Pang-abay na Pamanahon C. Pang-abay na Pamaraan


B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Pang-agam

28. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang


maaaring ibunga nito?
A. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
B. Mapapasayaw ang mga pasahero.
C. Hindi makababa ang mga passahero.
D. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.
29. Mahirap ang buhay ng mag-anak Mang Doming. Isa siyang magsasaka at ang
kaniyang maybahay ay nasa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. Sa kabila rito, masaya
ang kanilang pamilya. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi
nag-aaway ang mga anak nila. Alin ang sanhi ng talata?

A. Masaya ang kanilang pamilya.


B. Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
C. Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming.
D. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.

30. Nakatira ka sa tambakan ng basura, Nakikita mong paroo’t parito ang mga tao sa
pagtatapon ng kanilang mga basura maliban sa mga itinatapon ng mga sasakyan. Ano ang
pinakamalapit na epekto sa pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng basura sa
inyong lugar?

A. Yayaman ang mga basurero


B. Lilipat ng tirahan ang mga tao
C. Mangangamoy basura ang paligid
D. Maglilinis ang mga mamamayan ng kani-kanilang bakuran

31. Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na
gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing
kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Daisy sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang
dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?

A. Pumunta si Daisy sa palaruan


B. Nakatitig ito sa mga pagkain nila
C. Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
D. Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom

32. Binuksan ng lola ang pinto nang .


A. mabilis B. patakbo C. dahan-dahan D. magalang

33. Pinahiram niya ako ng na kutsilyo.

A. masarap B. matalas C. mapait D. masikip

34. Isang na pananghalian ang iniluto ni nanay.

A. matangkad B. malayo C. masarap D. tahimik

35. Siya ay umalis sa bahay nang .


A. patakbo B. mabilis C. tahimik D. madaling-araw

You might also like