You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG BACOLOD

FILIPINO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2022-2023

1. Bilang aralin sa Home Economics, gustong turuan ni Gng. Cruz ang


kanyang mga estudyante ng tamang paraan sa pagluluto. Ano ang dapat
niyang isaalang-alang sa pagbibigay ng resipi sa mga estudyante?
A. Hindi bibigyang halaga ni Gng. Cruz ang resipi at magluluto na lang
agad.
B. Kakalimutan na lamang ni Gng. Cruz ang magsulat ng resipi.
C. Babaliwalain ni Gng. Cruz ang resipi dahil wala itong magandang dulot.
D. Gagawin itong malinaw, kaakit-akit at isulat nang may tamang detalye ni
Gng. Cruz.

2. Nalaman ni Rona buhat sa kanyang guro na sagana sa Bitamina C ang


dalandan dahil nakatutulong ito sa pagpapalakas ng resistensiya ng
katawan kaya tinanong niya ang kanyang nanay kung ano ang mga
hakbang sa paggawa ng dalandan juice. Sa iyong palagay, alin ang
tamang hakbang na binigay ng kanyang nanay?

I. Pangalawa, pigain ang dalandan sa isang salaan.


II. Una, hugasan at hiwain ang dalandan. Ingatang huwag mahiwa ang buto
nito.
III. Sumunod, lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang 1 litrong tubig. Lagyan din
ng 4 kutsarang honey/pulot.
IV.Panghuli, haluin at ilagay sa isang lalagyan. Palamigin o lagyan ng yelo
kung nais.

A. I, II, III, IV C. III, II, I, IV


B. II, I, III, IV D. II, III, I, IV

3. Maagang nagising si Luis dahil inutusan siya ng kanyang ina na magsaing


para sa kanilang umagahan. Alin sa sumusunod ang tamang hakbang na
susundin ni Luis sa pagsasaing ng bigas?
A.
I. Ilagay ang bigas sa kaldero.
II. Hugasang maigi ang bigas.
III. Lagyan ito ng tubig na naaayon sa dami ng bigas.
IV. Isalang ang kaldero sa apoy.

I. Hugasang maigi ang bigas.


B.
II. Lagyan ito ng tubig na naaayon sa dami ng bigas.
III. Ilagay ang bigas sa kaldero.
IV. Isalang ang kaldero sa apoy.
C. I. Ilagay ang bigas sa kaldero.
II. Hugasang maigi ang bigas.
III. Isalang ang kaldero sa apoy.
IV. Lagyan ito ng tubig na naaayon sa dami ng bigas.

I. Hugasang maigi ang bigas.


D. II. Lagyan ito ng tubig na naaayon sa dami ng bigas.
III. Ilagay ang bigas sa kaldero.
IV. Isalang ang kaldero sa apoy.

4. Ang mga estudyante ay tahimik na gumagawa ng kanilang proyekto. Ang


pang-abay sa pangungusap ay tahimik. Bakit kaya pang-abay ang tawag
dito?
A. Dahil ito ay nagbibigay turing sa pangngalan.
B. Dahil ito ay nagbibigay turing sa panghalip.
C. Dahil ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
D. Dahil ito ay nagbibigay turing sa pang-angkop.
5. Ang aking kapatid ay dahan-dahang umakyat sa puno upang kunin ang
kanyang alagang pusa. Ano ang pang-abay sa pangungusap?
A. aking B. kapatid C. dahan-dahang D. umakyat
6. ________ naglalaro sa hardin ang aking mga pinsan. Ano ang angkop na
pang-abay na pamamaraan ang bubuo sa pangungusap?
A. malungkot B. masayang C.magaling D.mahusay
7. Si nanay ay maagang pumupunta ________ upang bumili ng sariwang
isda, gulay at prutas. Ano ang angkop na pang-abay na panlunan ang
bubuo sa pangungusap?
A. sa ospital B. sa paaralan C. sa palengke D. sa parke
8. Nakita ni Rica na nalaglag ang perang hawak ng bata na nasa unahan ng
pila. Agad niya itong kinuha at inabot sa may-ari. Anong katangian ang
ipinapakita ni Rica?
A. masipag B. mapagmahal C. matulungin D. matapat
9. Gustong-gusto ni Jay na makipaglaro kay Roy. Tinawag niya ito upang
sumama sa parke. Hindi pumayag si Roy dahil bilin ng kanyang ama na
bantayan ang kanilang mga alagang hayop. Si Roy ay _______.
A. Matalino B. masunurin C. magalang D. marunong
10. May bagong blusa si Shane. Nalaman niyang kailangan ng kanyang
bunsong kapatid ng maisusuot para sa programa sa kanilang paaralan
kaya agad niya itong ipinahiram sa kapatid. Ano kaya ang magiging
damdamin ng kanyang kapatid sa ginawa ni Shane?
A. masaya B. malungkot C. madismaya D.magalit
11. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pariralang
pang - abay na pamanahon.
A. Kumain ako ng sinigang na baboy noong Lunes ng tanghali.
B. Kumain ang bata sa karinderya ng kapitan.
C. Dumating ang mga bisita sa bahay.
D. Kumain muna ang bata ng tinapay.
12. Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga halimbawa ng
pariralang pang - abay maliban sa isa.
A.Mabilis na naglakad ang bata pauwi sa kanilang bahay.
B. Nakapayong na dumating ang bisita ni nanay sa amin nang alas-10 ng
umaga habang nagluluto siya ng afritada sa kusina.
C. Napakagandang sumayaw ng bata.
D. Masakit ang ngipin ni Jose kaya lagi siyang umiiyak.
13. Magaling kumembot ang magkapareha sa entamblado. Alin sa
pangungusap ang pariralang pang - abay?
A.magaling kumenbot
B. magkapareha
C. entamblado
D. ang magkapareha
14. Ikaw pala ang aming bisita na dumating bandang alas-9 ng umaga
kahapon upang gumawa ng bagong batas sa aming barangay. Anong uri
ng pariralang pang - abay ang may salungguhit?
A. Pang-abay na Pamaraan
B. Pang-abay na Panlunan
C. Pang - abay na ingklitik
D. Pang-abay na Pamanahon
15. Piliin ang may wastong gamit ng pang - uring "magiliw".
A. Ang mga bisita mula sa iba't - ibang lugar ay magiliw na tinanggap ng
ating pangulo.
B. Marami ang natuwa ky Janet dahil siya ay magiliw na bata.
C. Magiliw niyang binati ang lahat ng mga nagsidalo sa kasal.
D. Magiliw na ipinakita ni Juan ang kaniyang proyekto sa mgga guro.
16. Alin sa mga pangungusap na nasa ibaba ang gumamit ng pang -abay
na "malugod"
A. Ang bawat bata ay malugod na tinanggap ang kanilang mga regalo.
B. Malugod kong ipinakilala sa inyo ang ating panauhing pandangal na
Ginoong Cruz.
C. Bakit ako malulugod sa ipinakita mong asal?
D. Ang mga bata ay malugod na inaanyayahang sumali sa patimpalak na
ito.
17. Maingat na ikinabit ni Pepe ang perdible sa damit ng kanyang
kapatid. Anong salita ang nagpapakita ng isang pang – abay.
A. Perdible
B. Kapatid
C. Maingat
D. Ikinabit
18. Piliin ang angkop na pangungusap na dapat gamitin kapag my
ipinahahanap kang gamit.
A. Hanapin mo ang nawawala kong aklat.
B. Pakihanap po ang aking aklat na nawawala.
C. Bilisan niyo po at hanapin ang aklat ko.
D. Bilis hanapin niyo doon ang aklat ko!
19. Matataas na marka ang nakuha mo sa pagsusulit. Gustong – gusto
mo itong sabihin sa iyong ina, paano mo ito ibabalita sa kanya?
A. Nay! Nasaan ka mataas ang marking nakuha ko.
B. Yahoo! Ako ang my pinakamataas na marka sa aming klase.
C. Nanay, matataas po ang aking marking nakuha sa mga pagsusulit.
D. Nanay! Nanay! Matataas po ang aking mga marka sa pagsusulit.
20. Bilang isang mag – aaral paano ka makakatulong sa paglutas ng
suliranin tungkol sa basura? Piliin sa mga sumusunod na paangungusap
ang wastong pananalita sa paglutas sa suliranin sa basura.
A. Bilang isang mag – aaral dapat po nating sundin at gamitin ang 3R’s –
“reduce, reuse at recycle.”
B. Bilang isang mag – aaral itapon po natin ang mga basura sa mga ilog at
dagat upang mapanatiling malinis ang ating bahay.
C. Bilang isang mag – aaral ibaon natin sa lupa ang mga basura sa mga
lugar na binabaha.
D. Paghalo – haluin po natin ang mga basura.
21. Kumain ka ng marami____ gulay upang maging malusog ang iyong
katawan. Punan ng tamang pang-angkop ang puwang upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.
A. n B. na C. ng D. g
22. Si Maria Clara ay mahinhin__ babae. Ano ang tamang pang-angkop sa
pangungusap?
A. n B. na C. ng D. g
23. Aling parirala ang nagpapakita ng tamang gamit ng pang-angkop?
A. bata na may laban C. masaya ng bakasyon
B. malamig na panahon D. inasinan na isda
24. Higit na mabait si ate kaysa kay kuya. Wasto ba ang gamit ng pang-akop
sa pangungusap? Bakit?
A. Oo, dahil mas madali itong gamitin
B. Oo, dahil kapag nagtatapos ang salita sa katinig maliban sa n,
ginagamitan ito ng pang-angkop na na.
C. Hindi, dahil kapag nagtatapos ang salita sa katinig maliban sa n,
ginagamitan ito ng pang-angkop na ng
D. Hindi, dahil dapat nagtatapos ito sa patinig bago gamitan ng pang-
angkop na na
25. Paano ginagamit ang pang-angkop na -g?
A. kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig
B. kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig na y
C. kapag ang salita ay nagtatapos sa katinig na n
D. kapag ang salita ay nagtatapos sa kahit na anong katinig

Basahin ang sumusunod na talata. Bigyan ng angkop na pamagat ang bawat isa.

26. Makulimlim ang panahon. Tila uulan nanaman. Ilang


lingo na rin ang pag-ulan sa aming lugar. Hindi pa makapalaot
sina itay. Malakas parin ang hangin at delikado pa ang
mangisda. Hindi rin makapasok ang mga bata sa paaralan
dahil sa baha sa mga daanan.

A. Makulimlim na Araw C. Masamang Panahon


B. Kakaibang Karanasan D. Delikado ang Mangisda
27. Si Tonyo panganay sa 3 magkakapatid. Sa kaniyang
murang edad ay marami na siyang alam na mga gawain. Alam
na niyang magsaing pati na ang magluto ng ulam. Nagkukusa
siyang magwalis ng mga kalat kahit hindi siya
pinagsasabihan. Kapag wala naman ang kaniyang mga
magulang ay siya ang nagbabantay ng kanyang nakakabatang
kapatid. Talagang siya ay maaasahan.

A. Ang Magkakapatid C. Ang Nagkukusa


B. Ang mga Magulang ni Tonyo D. Batang Maaasahan

Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.


Sila ay dapat nating linangin at pahalagahan.
Ipakita ang nararapat upang kanilang sundin.
Balang araw sila rin ay kayamanang maituturing

28. Alin ang angkop na pamagat ng tula sa itaas?


A. Ang Kabataan C. Ang mga Magulang
B. Ang Kalikasan D. Ang mga Guro
29. Paano bigyan ng pamagat ang tula.
A. Tukuyin ang paksang pangungusap at mula dito ay magkaroon ng hinuha
ng posibleng pamagat ng tula.
B. Manghula lamang
C. Kumuha mula sa unang pangungusap.
D. Kumuha mula sa hulihang bahagi ng talata.
30. Mahalaga ba ang paglalagay ng pamagat sa isang kwento o talata?
A. Oo, dahil maganda tingnan ang isang babasahin kapag may pamagat.
B. Oo, dahil dito mo malalaman ang nilalaman ng teksto ng isang babasahin.
C. Hindi na kailangan dahil pwede naman itong basahin kahit walang
pamagat.
D. Hindi, dahil wala naman itong mahalagang papel sa babasahin.
31. “Sa tingin ko, kailangang isumbong sa mga kinauukulan ang anumang
makitang pang-aabuso sa kagubatan para wala nang sumunod sa
kapahamakan.” Ang pahayag na ito ay halimbawa ng?
A. katotohanan C. opinyon
B. katuwiran D. balita
32.Base sa 2019 National Building Inventory,167,901 ang kakulangan ng silid-
aralan sa buong bansa at nang talakayin ang pambansang budget ngayong
taon ay natukoy na kailangan ng P420 bilyon para matugunan at maipagawa
ang lahat ng kinakailangan na silid-aralan. Ang pahayag na ito ay
nagpapahiwatig ng?
A. opinyon C. katuwiran
B. balita D. katotohanan
33.Bakit kaya may kakukalangan ng silid-aralan sa buong bansa?
A. dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin
B. dahil dumarami ang mga paaralan
C. dahil sa paglobo ng bilang ng mga mag-aaral
D. dahil maraming paaralan ang nasira

34.Basta igalang natin siya kahit ano pa siya, kasi _________ ay pangalawa
nating magulang dito sa paaralan. Anong angkop na pangatnig ang gagamitin
upang mabuo ang pangungusap?
A. kung ano B. kung gayon C. raw D. siya rin

35.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng wastong gamit


ng pangatnig?
A. Pinagkalooban tayo ni Mayor ng libreng masasakyan, sa wakas
makakauwi na tayo sa ating probinsya.
B. Sabihin mo lang sa akin sa wakas ang kailangan mo at bibigyan kita.
C. Pwede po bang pakisauli na, siya man ang kumuha ng lapis ko.
D. Magpasalamat tayo dahil kung ano may guro na tayo.

Sabik na sabik na isinukat ni Pam ang damit na padala ng


kaniyang tatay na galing sa Japan subalit masikip ito sa kaniya.
Sinabi ng kanyang nanay na ibigay na lang niya ito sa kaniyang
nakababatang kapatid. Hindi kumibo si Pam.

36.Anong pangatnig ang nabanggit sa teksto?


A. subalit B. masikip C. kanya D. siya
37.Si Jose Rizal ay tinuturuang magbasa ng kaniyang ina. Anong bahagi ng
pangungusap ang may salungguhit?
A. Pang-angkop B. Panaguri C. Simuno D. Pangungusap
38.Ang mga tao ay taimtim na nananalangin sa loob ng simbahan.
Ano ang tawag sa bahagi ng pangungusap na may salungguhit?
A. Pang-uri B. Simuno C. Pang-angkop D. Panaguri
39.Ang mga taong nasalanta ng bagyo ay_________________________.
Anong angkop na panaguri ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
A. nakakuha ng libreng pamasahe papuntang munisipyo.
B. natutong magbasa at sumulat.
C. nakatanggap ng libreng pagkain at inumin.
D. nakapagpahinga sa loob ng kanilang tahanan.
40. __________________________ ay naghahanda para sa pagbubukas ng
klase ngayong taon. Anong angkop na simuno ang bubuo sa diwa ng
pangungusap?
A. Ang Kagawaran ng Agrikultura
B. Ang mga nagtitinda sa palengke
C. Ang Kagawaran ng Edukasyon
D. Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG BACOLOD

FILIPINO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2022-2023

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang ng Aytem

Pagpapahalaga
Kinalalagyan
Bahagdan ng

Pag - unawa
Mga Kasanayan

Paglalapat
Kaalaman

Pagsusuri

Kabuuan
Panahon

Pagbuo
30% 10%
60% (Easy) (Average) (Difficult)

Prepared by: Checked by:

JE-ANN G. ALIMANE JOSEPHINE C. LANZA


Teacher III Master Teacher III

You might also like