You are on page 1of 15

MODYUL 7: ANG KABUTIHAN

O KASAMAAN NG KILOS
AYON SA PANININDIGAN,
GINTONG ARAL AT
PAGPAPAHALAGA
“Sa bawat kilos ko,
anong uri ng tao ang
binubuo ko sa aking
sarili”
ANG KAUTUSANG WALANG
PASUBALI ( categorical
imperative)
“Gawin mo ang iyong
tungkulin alang-alang sa
tungkulin”
Binigyang-diin ng pananaw na ito ang pagganap sa
tungkulin, isang hamon sa nakararami na tugunan ito
PASUBALI O CATEGORICAL IMPERATIVE – isang
kautusan na walang kondisyon, ang mismong
tungkulin ang kondisyon
May mga kilos ang tao na dahil
sa kanyang hilig (inclination) at
hindi dahil ito ay isang tungkulin
(duty)

Isang halimbawa ang paghinga


(breathing)
Balangkas ng kautusang
walang pasubali ni
Immanuel Kent
Sinasabi nito na dapat kumilos ang
tao sa paraan na maaari niyang
gawing pangkalahatang batas ang
paninindigan.
Paninindigan- ay ang dahilan
ng pagkilos ng tao sa isang
sitwasyon

tinataya ito sa 2 paraan


1. maisapangkalahatan
(universability)
2. kung maaaring gawin sa sarili
ang gagawin sa iba (reversibility)
Ayon kay Kant, anuman ang
sitwasyon, kailangan mong bumuo
ng isang paninindigan bilang tugon
mo sa sitwasyon ngunit dapat maaari
itong gawing pangkalahatang
paninindigan at maaaring maging
paninindigan ng iba sakaling
maharap sila sa parehong sitwasyon
Ikalawang balangkas ay tungkol sa
pagkilos ng tao. Dapat
mangibabaw ang paggalang sa
bawat isa, pagtrato ayon sa
kanilang pagkatao bilang taong
may dignidad, hindi bilang
kasangkapan kundibilang isang
layunin mismo.
Karapatang Pantao
( human rights)
Ang paggalang sa dignidad
ng tao ay ang pagbibigay
halaga sa kaniya bilang
rasyonal na indibidwal.
Ang Pagpapahalaga
bilang batayan sa
paghusga ng kabutihan
o kasamaan ng kilos
kaligayahan –
isinasaalang-alang
natin sa mga
pasiya at kilos
natin
Ayon kay Scheler ang tao ay
may kakayahang humusga kung
mabuti o masama ang isang gawi
o kilos ayon sa pagpapahalaga
(values)
PAGPAPAHALAGA- obheto
ng ating intensyonal na
damdamin
Nakasalalay sa pagpili ng
papahalagahan ang panghuhusga sa
pagiging mabuti o masama ng kilos
ng tao
Hindi ang layunin o bunga ng kilos
ang batayan sa paghuhusga ng
kabutihan o kasamaan ng kilos, ang
batayan ay ang mismong
pagpapahalagang ipinakita habang
isinasagawa ng kilos

You might also like