You are on page 1of 15

Filipino 10

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga


mito/myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat
ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang
panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galling sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na
muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig
sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya, ang mito/myth ay
representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong
ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo,
ng tao, ng mga katangian ng iba pang nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakakatakot na
puwersa ng kalikasan sa daigdig-tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha,
kamatayan, apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.
Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani subalit
itinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may
kaunayan ito sa teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang
naglalahad ng mga tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at sa
mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga
kuwentong bayan at epiko ng mga pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa
ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas at
Mindanao.
Ang may kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ay ang mga Ifugao; bahagi
ito ng kanilang epiko. Inilarawan sa kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw ang
daigdig. Ayon sa epiko nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging
nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan(babae) at Wigan(lalaki). Sa kanila nagmula
ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

Gamit ng Mitolohiya
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon.
4. Magturo ng mabuting aral.
5. Maipaliwanag ang kasaysayan.
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng
sangkatauhan.

Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na


nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang
panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay itinuring ng mga
Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong
mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at
moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang
mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga
kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay nauukol sa
ritwal at mga institusyon sa halip na teolohiya o kosmogoniya. Ang mga pangunahing
sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil, kasaysayan ni Livy, Fasti ni
Ovid, isang anim na tulang nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at
ikaapat na aklat ng mga elehiya ni Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw
rin sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura
partikular sa mga relief.

ANGKOP NA PAGGAMIT NG PANDIWA


BILANG AKSYON, KARANASAN AT PANGYAYARI

1. Kilos, Aksyon o Gawa


May aksyon, kilos o galaw ang pandiwa kapag may actor o tagaganap ng
aksyon, tao man o bagay.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping –um, mag-, ma-,
mang-, maki-, mag-an.

Halimbawa:
a. Nag-isip ang mag-asawa hanggang sa magdesisyon si Bugan.
b. Sumang-ayon si Wigan sa tinuran ni Bugan.
Pagsusuri:
Pandiwa: Nag-isip
Sumang-ayon
Aktor: ang mag-asawa
si Wigan

2. Karanasan
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin o saloobin.
Dahil dito, may tagaranas ng damdamin o saloobing iyon na inihuhudyat ng pandiwa.

Halimbawa:
a. Nasiyahan si Igat sa isinagot ni Bugan.
b. Humanga ang buwaya sa ganda ni Bugan.
Pagsusuri:
Pandiwa: Nasiyahan
Humanga
Tagaranas ng Damdamin: si Igat
ang buwaya

3. Pangyayari
Kapag nagsasabi ng isang pangyayari ang pandiwa, may prosesong nagaganap,
ipinahihiwatig na naapektuhan ng naturang proseso na karaniwang sadya o di sadya,
likas o di-likas. Tatawaging tagatanggap ng proseso ang bagay na naaapektuhan na
tinatawag na pangyayari.

Halimbawa:
a.”Nahihibang ako?” Ang tanong ni Bugan kay Bumabhaker.
b. Magpapakamatay si Bugan dahil hindi biniyayayaan ng anak.
Pagsusuri: Nahihibang
Magpapakamatay
Tagatanggap: ako (Bugan)
Si Bugan
Gayunman, may mga pandiwang naghahayag ng mga pangyayari na hindi
tinitiyak ang tagatanggap ng pangyayari tulad ng mga pandiwang nagpapahayag ng
mga pangyayaring naganap sa kalikasan.
Halimbawa:
lumilindol!
nasusunog!

Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating pagkatao.


Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala
na rin ang pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan ng tao sapagkat
kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang
karapatan. May karapatan din siyang maging mahalaga. At tratuhin bilang isang
indibidwal na may dignidad. Karapatan din ng tao ang maging maunlad. Patuloy na
sinisikap ng tao na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad
tungo sa kaginhawaan.

Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya, pangungusap, at detalye. Ito ay


binubuo ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya o detalye. Nagagawang
malinaw ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng mga pangungusap na
tiyakang sumusuporta sa pangunahing ideya.

Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng mga detalyeng


inilahad sa teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan o kongklusyong
bahagi ng teksto. May mga pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi
tuwirang binangggit sa teksto.
Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may kaugnayan sa
paksang pangungusap upang lubusang maunawaan ang kaisipan ng teksto. Ang
pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay malaking tulong upang matukoy ang paksa at
pangunahing ideya ng teksto.

Halimbawang Teksto:

Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating pagkatao.


Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala
na rin ang pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan ng tao sapagkat
kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang
karapatan. May karapatan din siyang maging mahalaga. At tratuhin bilang isang
indibidwal na may dignidad. Karapatan din ng tao ang maging maunlad. Patuloy na
sinisikap ng tao na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad
tungo sa kaginhawaan.

Pangunahing Ideya:

- Ang karapatang pantao

Mga Pansuportang Ideya:

- Karapatang mabuhay
- Karapatang maging mahalaga
- Karapatang maging maunlad

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikita sa salitang
“sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay”. Kung pagdurugtungin ang dalawa,
pwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang “sanay” o eksperto
sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan na
maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling
pananaw.
Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:

1. PANIMULA - Sa bahaging ito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may


akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA O KATAWAN - Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan
o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad
na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS - Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang
palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katuwirang inisa-isa
sa bahaging gitna.

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY


Tema - Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang tema ay ang sinasabi ng isang
akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
Halimbawa:

Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng
kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulin sa wastong paraan.

Anyo at Estruktura - Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap


sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.

Halimbawa:

Panimula
Sadyang isang hamon ang buhay ngayo. Kailangang harapin ito nang buong tatag.

Katawan
Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran mo.
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kuntento
na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos
sa mga nagdaraan. Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa
lipunan. Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa kanila kung paano
tutuklasin ang kanilang natatagong galing na maaaring maging puhunan nila ng
pagkakaroon ng munting negosyo.

Wakas
“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”

Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema

Halimbawa:

Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.

Wika at Estilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto
rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at
matapat na mga pahayag.

Halimbawa:

Sadyang mahirap ang buhay ngayon.


 Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o di
maanyo samantalang sa pormal o maanyo ay ang paggamit ng piling mga
salita.
Larawan ng Buhay - nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay,
masining na paglalahad gumagamit ng sariling himig ang may akda.

Halimbawa:

Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kuntento
na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan.

Damdamin - naipapahayag ng isang magaling na may akda ang kanyang


damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at
kaganapan.

Himig - nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,


malungkot, mapanudyo at iba pa.

may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng


pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang:
ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/
pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong
ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa :
a. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa
 Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng
Commision On Higher Education na pinagtitibay ang
pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim
ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
 Batay sa Konstitusyon 1987 : Artikulo XIV, Seksyon 6 na
nagsasabing “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
 Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”
 Ayon sa tauhang si Simoun sa El Fili, “Habang may sariling wika ang isang
bayan, taglay niya ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng


 Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na
edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan
tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan
sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang
kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi
lamang nakasalalay sa kanilang mga kamay bagkus dapat nakaagapay din
ang mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta.

c. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip


 Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol
sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR
kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko


 Sa ganang akin , kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang
pagbabantay sa mga kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa
lumalalang krimen.

 Palagay ko, kailangan nang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang
nasa lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di tulad ng
naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

a. Sa isang banda/ Sa kabilang dako

 Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya


sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-
dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.

 Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy


malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga
politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

b. Samantala

 Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais


makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya
ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.
Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang
moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan? Realistiko
ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong
mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.

Ginagamit sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang


pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito.
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga
salitang pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa at gayon
din.
b. Pagpapahayag ng kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ang paglalahad ng dahilan at bunga,
paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at
kinabukasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi.
Samantalang ang paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya,
kung kaya, kaya nman, tuloy at bunga.
Nakatutulong ang mga panandang pandiskurso sa pagpapadaloy ng mga
pangyayari ng isang akdang pampanitikan. Madali ring matutukoy ang mensaheng
nais ikintal sa isipan ng mga mamababasa.

Pagpapadaloy ng mga Pangyayari

1. Pagkakakasunod-sunod - nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng


impormasyon.

Hal. At, saka, pati, bukod pa, una, sa dakong huli, sumunod,isa pa at
gayon din.
A. Hindi niya kayang mabungkal ng lupa saka mamalimos.
B. Ipinatawag ng may-ari ng negosyo, ang katiwala at sinabing tatanggalin na
siya sa gawain.

2. Pagpapahayag na kinasapitan/kinalabasan ng mga pangyayari

Hal. Kaya, bunga nito, dahil sa, tuloy, kaya naman, sa dakong huli, sa
wakas, kung gayon, sapagkat, kasi
A. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.
B. Kinutya nila si Hesus sapagkat sakim sila sa salapi.
Ang Republikang Pranses o Pransiya, ay isang bansa sa Europa na
bahagi ng Unyong Europeo (UE). Isa ito sa mga pinakamalaking bansa sa Europa. Ang
kabisera nito ay Paris.
Ito ay pinaliligiran sa timog ng Espanya, Andorra, Monaco at Dagat Mediterraneo, sa
hilaga at kanluran ng Karagatang Atlantiko, at sa silangan
ng Belhika, Luxembourg, Alemanya, Suwisa, at Italya.
Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig
sabihin ay "Lupain ng mga Prangko". Maraming mga teorya ang nagsasabi ng
pinagmulan ng pangalan ng mga Prangko.
Ang Republikang Pranses ay isang unitaryong semi-
pampanguluhan na republika na may matibay na tradisyong demokratiko.
Ang konstitusyon ng Ikalimang Republka ay inaprubahan ng isang reperendum noong 28
Setyembre 1958. Ito ang lalong nagpatibay sa autoridad ng tagapagpaganap sa relasyon
nito sa tagapagbatas. Ang sangay tagapagpaganap ay may dalawang pinuno:
ang Pangulo ng Republika, na Pinuno ng Estado at direktang inihahalal ng mga
mamamayan para sa limang-taong panunungkulan (dating pitong taon), at ang Pinuno
ng Pamahalaan, na pinamumunuan ng itinalagang Punong Ministro.
Ang Pransiya ay nahahati sa 27 rehiyong pampangasiwaan, 22 ay nasa
metropolitanong Pransiya (21 ay nasa kontinental na bahagi ng metropolitanong
Pransiya); ang isa ay ang teritoryong kolektibo ng Corsica, at ang lima ay mga dayuhang
rehiyon. Ang mga rehiyon ay nahahati sa 101 mga departamento na may bilang
(pangunahing naka-alpabeto). Ang mga bilang ay gamit sa mga kodigong postal at mga
bilang ng mga plaka ng sasakyan.

Makuntento kung ano ang meron tayo. Magsumikap at matutong maghintay at


magtiis kung gustong may marating o makamit sa buhay.
May kasabihan nga “ Kung di mo kayang mag- bike papunta sa tuktok ng bundok,
lakarin mo ito upang maging patag.
Tayo ay may kakayanang magplano o kumatha ng kanyang kapalaran dahil meron
tayong freewill na regalo ng Diyos at nasa atin kung paano natin ito gagamitin ng tama.
Walang tao na gusto na isilang na mahirap o mayaman ngunit tao ay binigyan ng
Diyos na karunungan upang gawin natin ang ating kakayanan para tahakin ang tamang
landas ng buhay.
Sinasabing mahirap sumunod sa kalooban ng Diyos subalit kapag iyong
nasumpungan , makikita mo ang liwanag na walang katapusan.

Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga


pangungusap o sugnay. Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagamat
magkakahiwalay ay pinagdugtong o pinag-uugnay ng mga gamit pang-ugnay o
kohesyong gramatikal . Ang mga gamit pang-ugnay na ito ay referents o reperensiya na
kung tawagin ay anapora at katapora.
Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa mga
nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.
Narito ang mga halimbawa ng anapora.

1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit angkulturang Pranses sa Paris. Ito


ang sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura.
2. Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng Iron
Age at Roman era, ito ay tinawag na Gaul.

Pansinin na sa unang halimbawa, ang pangngalang Paris sa unang


pangungusap ay hinalinhan ng panghalip na ito samantalang sa ikalawang
pangungusap ang France ay pinalitan din ng panghalip na ito.

3. Hindi nakapagtataka ang matinding pagnanais ni Mathilde na


magkaroon ng magarang damit para sa kasayahan. Siya ay isang babaing Frances
na kilala sa pagkakaroon ng pinakamaiinam na moda sa pananamit.
4. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang na ang
Espanyol na sina Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap
ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang nagpasimuno ng impressionism
movement.

Ang katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit, tumutukoy sa mga


bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.
Narito ang mga halimbawa ng katapora:

1. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na


pagkain at alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga
kasayahan.

Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may paniniwala siyang


isinilang siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay
ni Matilde ang alindog nahindi nababagay sa kasalukuyang kalagayan sa buhay.

Sa mga halimbawang binanggit ang panghalip na sila, ay ginamit bilang panuring


sa pangngalang taga-France samantalang ang panghalip na siyang at siya sa
ikalawang halimbawa ay ginamit namang panuring sa pangalang Matilde.

Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa


isang teksto o pahayag. Maiiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng mga ito kung gagamit
tayo ng panghalip. Tandaan na ang mga panghalip ay hindi lamang ginagamit na
panghalili sa pangngalang binanggit sa unahan ng pangungusap. Ito’y maaaring ipalit sa
pangngalang nasa hulihan din ng pangungusap. Anapora ang tawag dito kapag ito ay
pamalit o pagpapatungkol sa pangngalang ginamit sa unahan at katapora naman kapag
ito ay pamalit o pagpapatungkol sa pangngalang ginamit sa hulihan nito. Pag-aralan ang
kasunod pang mga halimbawa.
1. “O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa
iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.”

2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Matilde dahil sa may


paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na
kaligayahan na maidudulot ng salapi.

3. Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na


inihagis ni Matilde ang paanyaya.

4. Pagalit na pinagmasdan niya ang asawa at sinabi ni Matilde sa


asawa na, “Ano ang isasampay ko sa aking likod?”

Anapora - nauuna ang pangngalan bago ang panghalip. Halimbawa: " dito sa
pilipinas, naninirahan kami. " ( pilipinas - pangngalan, samantalang kami -
panghalip).. Katapora - nauuna ang panghalip bago ang pangngalan. halimbawa: sila
ay pumunta sa pilipinas. (sila -- panghalip samantala pilipinas -- pangngalan.).

Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa


isang texto o pahayag.
Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng
siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa
pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.

Ang usapan o diyalogo ay binubuo ng mga linyang binibigkas ng mga tauhan sa


nobela. Naglalaman ito ng mga mahahalagang mensahe na bumubuhay sa salaysay. Sa
pamamagitan ng usapan o diyalogo ay nabubuo ang saloobin ng mga mambabasa
kaugnay ng katangiang taglay ng tauhan, panahon ng kaganapan ng mga pangyayari at
lugar na pinagganapan ng mga pangyayari. Marapat lamang na maging angkop ang
usapan o dayalogo sa isang salaysay upang maging malinaw ang mensaheng nais
iparating ng buong teksto.

Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-


aklat ang haba na nag banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo.
Ito ay nagllahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas.
Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela
ay (1) isang kwento o kasaysayan, (2) isang pag-aaral at (3) paggamit ng malikhaing
guni-guni.

Pangunahing layunin ng nobela ang lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan,


ito’y maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan
o magbigay ng aral.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela

1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng may-


akda. Sila’y gumagalaw ng kusa-lumuluha, nalulugod, nagtataksil, nagtatapat,
nang-aapi, tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang lakas, mga hangarin at
mga nakapaligid sa kanila. Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos na hinihingi ng
katutubo nilang ugali at ng mga pangyayaring inilalarawan ng kumatha.

2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalysay. Ang nobela ay dapat


sumusunod sa masaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ito’y may pauna na
tumutugon sa katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?

Alam mo ba na ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng


pagkakasunud-sunod ng mga panyayari o di kaya’y manghimaton tungkol sa pagkakabuo
ng diskurso? Karaniwan nang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay o mga pangatnig.

Halimbawa:
 At, saka, pati – nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon
 Maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa – nagsasaad ng pagbubukod o
paghihiwalay
 Tuloy, bunga nito, kaya naman, naman – nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan
 Kapag, sakali, kung – nagsasaad ng kondisyon o pasubali

Ang tulang liriko ay may himig awit pa rin hanggang ngayon bagama’t pinatutunayan
ng makata na hindi na kailangan ang isang lira o anupamang instrumento upang siya’y
umawit. Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
salita. Palibhasa’y matindi siya kung magdamdam, ang kanyang mga salita at
damdamin ay nalilikha ng tunog na maaliw-iw at nakagagayuma.
Bukod sa mayamang damdamin, ang iginaganda ng tulang liriko ay ang
indayog ng mga taludtod at ang pagsising-isang tunog ng mga huling pantig bukod pa
ang paggamit ng maririkit na paglalarawan.
Halimbawa ng Tulang Liriko: Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo

Uri ng Tulang Liriko:


A. Pastoral – ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na “pastor”. ang tulang
pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastor at pagpapastor. Ito ay tulang
pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na
nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaaring pag-aralan
ang tulang pastoral bilang:
 Kilala ang mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa
kaalaman ng nakararami, higit na pinahahalagahan nila ang buhay kaya maging sa
kamatayan ay nais nila itong pagpatuloy.
Ang katibayan sa paniniwalang ito ay ang sinaunang tulang nakuha sa mga
kuweba sa . Ang paksa at tema sa mga akdang ito ay pawang tungkol
pagpapahalaga sa karaniwang pamumuhay ng tao
B. Elehiya
C. Soneto
D.Oda
E. Awit
F. Dalit
Mga Paraan sa Pagsulat/Pagpapalutang sa Kariktan ng Tula

1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga


halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng
makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa
makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinulat. Nagiging bago ang lumang
paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito
ay maaaring batay sa sarili niyang Karanasan, mga namasid niya o bunga lamang ng
kanyang makulay na imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa
kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang
pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay at matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng
kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita at
ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang
akda hindi lamang niya ito sinasabi.
http://tulangliriko.blogspot.com/
Ang “Tinig ng Ligaw na Gansa” ng Ehipto at “Bayani ng Bukid” ng Pilipinas ay
magkaparehong isang tulang lirikong pastoral. Ang dalawang tula ay magkatulad din ng
paksa. Inilalarawan ng dalawang tula ang komplikasyon ng buhay at simpleng buhay.
Ngunit ang dalawang tula ay magkaiba sa ilang elemento tulad ng pagkakasintunugan
ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ( tugma), bilang ng pantig sa bawat
taludtod (sukat) at naitatagong kahulugan sa salita o pahayag ( talinghaga). Magkaiba
din ang dalawa sa kariktan nito. Magkaiba ang impresyon na nakakintal sa isipan ng
mambabasa.
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay
buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa. Ang paksa ng epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko,samakatuwid ay gumising sa
damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan.Anupa’t naiiba ito sa trahedya na
naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao.Pinakamahalaga rito ay ang
pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakakaharap,lalong magaling kung ganap ang
pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin dahil ito’y lalong makapagbibigay-
buhay sa layunin ng tula (Crisanta C. Rivera,1982).
Ang Epiko ni Gilgamesh,isang epiko mula sa Mesopotamia ay kilala bilang kauna-
unahang dakilang likha ng panitikan.Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa
limang tulang Sumerian tungkol ay “Bilbamesh” (salitang Sumerian para sa Gilgamesh)
hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang isang epiko. Ang
kauna-unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old incipit” (unang salita ng
manusckrito na ginamit bilang pamagat), Shutur eli sharri (Surpassing All Other Kings).
Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy o
bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat noong ika -13 hanggang ika -10 siglo
BC at may incipit na sha naqba imuru (He who saw the Deep), sa makabagong salita (He
who sees the unknown). Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet
na bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magaling na kopya ay natuklasan sa guho ng aklatan
ng ng 7th century BC hari ng Assyrian na si Ashurbanipal.

Ang paglalahad ay isang paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay makabuo ng


maayos,malinaw at sapat na pagpapaliwanag sa ano mang bagay o paksa ng pahayag
may mga pananda o salitang ginagamit upang ang naturang paglalahad ay maging
mabisa.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga salitag pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag.
1.Mga salitang pananda upang ipakita ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari
ayon sa panahon.
Halimbawa:
Noon pagkatapos samantala
Sumunod nang una,pangalawa,pangatlo
2.Mga salitang pananda upang ipakita ang sanhi at bunga ng pangyayari.
Halimbawa:
Dahil dito resulta nito bunga nito
Dulot nito sanhi nito nang sa gayon
3.Mga salitang pananda upang ipakita ang pagdaragdag ng impormasyon.
Halimbawa:
Karagdagan dito bukod dito
Sa kabilang dako at saka
4.Mga salitang pananda upang ipakita ang paghahambing o pagkakaiba.
Halimbawa:
Higit pa rito di tulad ng sa halip na
Di tulad ng sa kabilang dako sa kabilang banda
5.Mga salitang pananda na nagbibigay diin.
Halimbawa:
Sa tahasang sabi sa madaling salita
Sa totoo lang higit sa lahat
6.Mga salitang pananda na nagbibigay ng mga halimbawa at paliwanag.
Halimbawa:
Bilang karagdagan kabilang ang mga
Dagdag pa rito sumusunod
7.Ginagamit din ang mga pangatnig na nag-uugnay ng mga parirala o sugnay na di
makapag-iisa.
Halimbawa:
Sapagkat kapag dahil sa
Kung gayon kaya palibhasa
8.Ginagamit ding pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita,parirala,o
sugnay na makapag –iisa.
Halimbawa:
At saka ngunit
Subalit datapwat pati

You might also like