Professional Documents
Culture Documents
SA ISANG kalye sa Timugang Asia, isang masayahing tao ang ngumiti, pero mapapansing
maiitim ang ngipin niya at punô ng mapulang laway ang bibig niya. Nang dumura siya,
nakapandidiri ang kaniyang mapulang dura. Nagnganganga kasi siya.
Sa buong daigdig, bilyun-bilyong dolyar ang halaga ng naibebentang nganga taun-taon. Pero
ano ba ang nganga? Bakit napakaraming nagnganganga? Ano ang epekto ng bisyong ito sa
kalusugan nila? Ano ang pangmalas dito ng Bibliya? At paano maihihinto ng isa ang bisyong
ito?
Ang pinagsama-samang sangkap na ito ang nagpapalabas at nagpapapula ng laway. Iyan ang
dahilan kung bakit dura nang dura ang mga nagnganganga, kahit pa nga mula sa tumatakbong
sasakyan; kaya delikado ang mga nasa gilid ng kalsada!
“Mga minamahal, linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at
espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (2 Corinto
7:1) “Iharap ninyo ang inyong mga katawan na . . . banal, kaayaaya sa Diyos.” (Roma 12:1)
Magiging banal ba, o malinis, sa paningin ng Diyos ang isang tao kung parurumihin niya ang
kaniyang katawan sa pagnganganga?
“Sa pamamagitan [ng Diyos], tayo ay may buhay.” (Gawa 17:28) “Ang bawat mabuting
kaloob at ang bawat sakdal na regalo ay mula sa itaas.” (Santiago 1:17) Ang buhay ay
napakahalagang regalo mula sa Diyos. Ang tao bang may bisyo na nagiging sanhi ng sakit ay
nagpapakita ng paggalang sa regalong iyan?
“Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon.” (Mateo
6:24) “Hindi ako pasasailalim sa awtoridad ng anumang bagay.” (1 Corinto 6:12) Kung gusto
ng isa na palugdan ang Diyos, dapat ba siyang magpaalipin sa isang maruming bisyo?
“Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” (Marcos 12:31) “Ang pag-ibig ay hindi
gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa.” (Roma 13:10) Nagpapakita ba tayo ng tunay na
pag-ibig sa kapuwa kung dumudura tayo ng mapula, marumi, at nakapandidiring dura sa daan,
bangketa, o iba pang lugar?
Tiyak na ‘aanihin natin ang ating inihahasik.’ (Galacia 6:7, 8) Isang batas iyan ng kalikasan. Kaya
kung ang inihahasik natin ay masamang bisyo, sakit ang aanihin natin. Pero kung mamumuhay
tayo ayon sa gusto ng Diyos, kasama na ang pagkakaroon ng mabubuting kaugalian, hindi lang
tayo aani ng mabuting kalusugan kundi magiging tunay na maligaya rin tayo. Kung
nagnganganga ka pero gusto mong magkaroon ng mas mabuti at makabuluhang buhay anupat
ginagawa ang tama sa paningin ng Diyos, paano mo maihihinto ang iyong bisyo? Manalangin at
isaalang-alang ang sumusunod na praktikal na mga hakbang.
Betty
Pauline
Wen-Chung
Jiao-Lian
Sam
[Larawan sa pahina 22]