You are on page 1of 2

MARAGTAS

I. Pamagat
Ang epikong "Maragtas" ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at
mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo
sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamalaking isinasalaysay ng mga taga
Panay.

II. May akda


Ang epikong "Maragtas" ay iisang akda ni Pedro Alcantara Monteclaro na may
orihinal na pamagat na Maragtas kon (historia) sa pulo ng Panay. Ang akda ay
nakasulat sa pinaghalong mga wikang Hiligaynon at Kinaray-a ng Iloilo nong 1907.
Isa itong orihinal na akda na ibinatay ng may akda sa mga napagkitang nakasulat at
sinambit.

III. Tauhan

Ang epikong "Maragtas" ay may mga pangunahing tauhan na sila ay mga


matatapang na Datu. Si Datu Marikudo ay may sampung matatapang na Datu rin na
sina Datu Puti, Datu Bongkaya, Datu Paiburong, Datu Domongsol, Datu Lubay, Datu
Dumangsil, Datu Domalagalog, Datu Balensuela at Datu Sumakwel. Ang pangalan ng
ama ni Datu Marikudo ay si Datu Pulpolan.

IV. Buod

Ang borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si


Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng masasakupan. Kaya ring
pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga
datu na nasa ilalim niya.
V. Panunuring Pangnilalaman
Ang estoryang epikong Maragtas ay tungkol sa sampung magigiting at
matatapang na Datu. Lahat sila ay nagtutulungan at nagkaisa sa buong kasiyahan
ng mga taga Panay. Ang teoryang ginamit ay Romantisismo dahil binibigyang
halaga and indibidwalismo, rebolusyon at imahinasyon at likas na pagtakas mula sa
realidad o katotohanan. Ito ang napili ng may akda dahil may mga matutunan ka sa
lahat ng paraan na dapat kayo magkaisa.

VI. Mga bisa

Bisa sa isip
Lahat ng sampung Datu ay nagpapakita ng marangal sa mga tao.
Hindi sila sumuko sa mga pagsubok na ginawa nila.
Iba't-iba ang kanilang mga kapangyarihan.

Bisa sa damdamin
Nararamdaman ko ang emosyon sa epiko ng Maragtas. Mas pinairal nila ang puso
kaysa sa isip. Lahat sila nagtutulungan na may pagkakataon na susubukin tayo ng ating
mga problema.

Bisa sa kasalanan
Madami akong natutunan na hindi lang dapat isip ang inuuna kundi puso rin para tayo
ay magkaisa. Makikita mo ang katotohanan o sa realidad.

You might also like