You are on page 1of 3

ST CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL

LEARNING PLAN
TEACHER : JESSALIE D. NATANAUAN Date: AUGUST 23, 2021

YEAR LEVEL: 10 Duration: 1 HOUR

SUBJECT : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade Level : 10

TOPIC : BATAS MORAL: PAGGAWA NG MABUTI, PAG-IWAS SA MASAMA

OBJECTIVES
Sa loob ng 60 minutong aralin sa ESP 10 , ang mga mag-aaral ay inaasahang:
COGNITIVE:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng paghubog ng konsiyensiya batay sa likas na Batas
Moral.

PSYCHOMOTOR:
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa.

AFFECTIVE :
Natutukoy ang mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Nakapagsusuri ng mga pasyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng konsiyensiya.

RESOURCES

K TO 12 PAGPAPAKATAO
Twila G. Punsalan, Sylvia T. Caberio, Myra Villa D. Nicoals, and Wilma S. Reyes
May akda
Pahina 18-21
ASSESSMENT
I. Panuto: Isipin mo ang iyong mga ginagawang mabuti. Ilista ang limang (5) pinakamabuting ginagawa mo sa buhay mo
ngayon. Ayusin ang mga ito mula sa pinakamabuti(1 bilang pinakamabuti). Isulat ito sa unang hanay sa tsart sa ibaba. Sa
pangalawang hanay, isulat ang sagot sa tanong, “sa paggawa mo ng mabuti na nasa unang hanay, ano ang iniiwasan mong
masama?” isulat ang sagot sa tapat ng bawat mabuting gawain na itinala.

Ginagawang Mabuti Iniwasang Masama

Hal. Pinag iisipan kong mabuti ang sasabihin ko sa Iniiwasan kong makasakit ng damdamin ng ibang
aking kapwa. tao.
1.

2.

3.

4.

5.

DIFERENTIATION: WHAT PLAN WILL BE DONE IF THE STUDENTS HAVE DIFFERENT LEVEL
OF ABILITIES?
SKILL TO BE DEVELOPED

Malikhain na pag-iisip na kasanayan.

INFORMATION TECHNOLOGY – IS THERE A RELATED ICT TO BE INCLUDED IN YOUR


LESSON, IF YES WHAT IS IT?
Opo, Video Presentation

OUTLINE OF CONTENT AND TEACHER ACTIVITY –

MGA DAPAT TANDAAN


Mga Pangunahing Konsepto Kaugnay ng Batas Moral
BATAS MORAL
 Ang batayan ng pagkilos ng tao upang ito ay maging tama at mabuti. Ang batas moral ang nagpapakita ng
direksyon ng pantaong kilos para makarating sa tamang patutunguhan.
 Ang batas moral ay nakaugat sa batas na walang hanggan (Eternal Law) o Batas ng Diyos (Divine Law) iisa
lamang ang ugat ng mga batas. Ang lahat ng bagay rito sa mundo ay sakop ng Batas ng Diyos. Ang Batas ng
Diyos ay nagpapakita ng kanyang mabuting kalooban.
 Ang batas na walang hanggan ang batayan ng Batas Moral at ito ay unibersal.
Tatlong Uri ng Batas na Pamantayan at Gabay ng Kilos –tao (Human Act)
Ayon sa nabanggit na pilosopiyang moral,”May tatlong uri ng batas na nagsisilbing pamantayan at gabay ng kilos-
tao” ito ay ang mga sumusunod.
1. Ang batas Eternal
 Ito sa katunayan, ay ang mismong karunungan ng Diyos, o isip ng Diyos na namamahala sa lahat ng kilos at galaw
ng lahat ng umiiral sa sinusukuban. Kung ganoon ang batas eternal ay ang prinsipyo ng paghahari, pamamahala,
paggabay, at pangangalaga ng Diyos sa lahat ng kanyang mga nilkha mula sa pinakamataas at pinakamarangal
hanggang sa pinakapayak at pinakamaliit.
 Hindi posibleng magkaroon ang sinumang tao ng lubusang pag-unawa ng batas eternal. May kakayahan ang isip ng
tao na malaman, bagaman limitado, ang batas eternal ay nangangahulugan na ang pagkakaloob sa atin ng Diyos ng
isip ay isa sa mga paraaan niya ng pagbibigay-kaalaman sa atin ng nagsabing batas eternal.
2. Ang Lex Naturalis
 Ang lex naturalis ay ang pakikibahagi ng tao, bilang rasyonal na nilikha, sa batas eternal. Ang tao ay imago dei
(kawangis niya) na ang tao ay nakikibahagi sa intelektuwal na esensiya ng Diyos.
 Ang lex naturalis ay nagpapahayag ng mataas na karangalan ng tao sa kaniyang pakikipagtulungan at pakikipag-
ugnayan sa Diyos dahil ipinagkaloob sa kanya ang kakayahan na maghari at mangalaga hindi lang sa kanyang
sariling buhay kundi maging ang paghahari at pangangalaga ng ibang mga nilikha ng Diyos. Sa madaling salita,
ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang karangalan na maging kaniyang kapuwa-manlilikha.
 Ang pinakakaraniwang pagpapahayag ng diwa ng lex naturalis ay ang ‘ilaw ng likas na isip’ bilang umuunawa ng
mabuti at masama.
 Isang payak ngunit napakahalagang punto ng lex naturalis ay ang aktibong pagdedepende ng tao sa mapagmahal na
karunungan ng Diyos upang matamo niya ang kanyang kaganapan at ultimong layunin.
3. Ang Batas ng Tao
 Ang batas ng tao ay tumutukoy sa mga partikular na prinsipyo na ibinatay ng isip sa mga pangunahing prinsipyo ng
lex naturalis.
 Kailangan ng mga tao, lalo nang kabataan, ang batas ng tao upang sila ay masanay sa paggawa ng mabuti kahit na
ang karaniwang dahilan ng pag-iwas sa paggawa ng masama ay ang pagkatakot sa parusa ng batas.
Ang Pangunahing Prinsipyo ng Batas Moral
Ayon kay Douglas Mc Manaman, isang dalubguro sa pilosopiya sa Canada, ang sumusunod ay ilan sa mabubuting
likas na kahiligan (inclation):
Buhay- ang tao ay minabuting mapanatili ang kanyang buhay dahil nakikita niyang mabuti ang buhay.
Katotohanan- ang tao na likas na nag-iisip ay minabuting mag-asam sa katotohanan para sa katotohanan.
Kagandahan- ang tao ay minabuting magpahalaga, tingnan, at pagmunian ang maganda.
Kasanayan- ang tao ay minabuting gumawa o lumikha.
Pakikipagkapwa- ang tao ay minabuting makipagkapwa
Relihiyon- ang tao ay minabuting maghangad na malaman ang nasa likod ng kanyang pagkalalang at ng lahat ng nilalang.
Katapatan- ang tao ay minabuti ang kabuuan ng kanyang pagkatao, pagsasanib ng lahat ng mabuti, maganda, at totoo sa
kanya.
Ang Mga Pangalawang Prinsipyo ng Batas Moral
Ang mga pangalawang prinsipyo ay nakasalalay sa mga pangyayari at ang mga ito ay maaring magbago. Hindi ito
tiyak at kadalasan ay hindi alam ng lahat. Ang ilan sa mga halimbawang tinalakay ni Mc Manaman tungkol sa mga
pangalawang prinsipyo ng batas moral ay ang sumusunod:
1. Hindi dapat sinisira ang isang mabuti upang gumawa ng mabuti.
-Ang pagsira ng isang mabuti ay masama.
2. Hindi dapat tratuhin ang tao bilang paraan para sa isang layunin.
-Tratuhin ang mga tao na layunin ng mabuting gawa sa halip na gawin silang paraan.
3. Hindi dapat kinikilingan ang ilan, maliban kung ito ay kinakailangan para sa kabutihan ng lahat.
-Ang pagkiling sa ilan ay hindi makatarungan kung ito ay masama ang layunin o kung ito ay ikasasama ng ibang tao.
4. Hindi dapat nagsasarili na kumilos para sa kabutihan ng tao.
-Ang tao ay may kalikasang sumasalipunan at maraming mabuting nakakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan.
5. Hindi dapat kumilos ng nababatay lamang sa bugso ng damdamin, takot, galit o pagnanasa.
-Ang pagkilos na batay sa bugso ng emosyon ay hindi kalikasan ng taong may isip at kilos-loob.

VALUE INTEGRATION/GOALS OF SCHOOLS INTEGRATION


Kabutihan o kagandahang loob- pagpapakita ng kabutihang asal at kaugalian sa kapwa.

ASSIGNMENT
Panuto: Ibahagi ang iyong mga sagot sa pangkat at ipaliwanag ang sagot sa mga tanong na ito.

1. Ano-ano ang kadalasang ginagawang mabuti ng mga kabataang katulad mo?

2.Sa paggawa ng mabuti, mayroon bang palaging iniiwasang masama? Anong kakayahan ng tao ang gumagabay para pumili?
Gumawa ng mabuti o gumagawa ng masama?

You might also like