You are on page 1of 4

1. Ano ang parabula?

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong


may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay
nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa
Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay
tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan
nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging
gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o
magdesisyon.

2. Anong uri ng akdang pampanitikan ang parabula?


Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa
na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na
kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

3. Ano-ano ang elemento ng parabula?


https://brainly.ph/question/620896
Tauhan - Mga karakter na hango sa bibliya na maaring makapgbigay
aral sa mga mambabasa.
Tagpuan - dito nagaganap ang mga pangyayari, pero hindi kagaya
ng maikling kwento hindi madaling hanapin o tukuyin ang tagupuan
sa parabula.
Banghay - Pagkakasunod -sunod sa isang kwento.
Aral - dito mapupulot ang mga magandang asal sa kwento.

4. Ano-ano ang katangian o kakanyahan ng parabula?


Ayon kay George Buttrick (2000), ang parabula ay isang kuwentong
makalupa na may kahulugang makalangit. Ayon kay Henry Van
Dyke, ang parabula ay isang napakaikling kuwento tungkol sa mga
tunay na tao o bagay na nag-iingat ng mas malalim na kahulugan.
Nagpipinta ito ng larawan sa kaibuturan ng isip; may ibinubulong
itong mensahe sa kalooban ng pandinig. Ayon kay C. H. Dodd
(1961), sa pinakapayak na pagpapakahulugan, ang parabula ay
isang pagwawangis o pagtutulad na ibinatay sa kalikasan o sa pang-
araw-araw na buhay ng tao. Dahil sa pagiging malinaw o kakaiba
nito, sandal nitong napatitigil ang sinumang nakaririnig at paulit-ulit
siyang pinag-iisip kung ano ang kabuluhan ng parabula sa kaniyang
buhay. Ayon naman kay Clarence Edward Macartney (1926), sa
isang parabula, naglalahad ng isang sitwasyon sa buhay at ng isa
pang sitwasyon na ibang-iba, at ginagamit ang isa upang ipaliwanag
ang isa. Ayon naman kay Robert Funk (2006), ang parabula ay isang
gawaing pangwika dahil ito ay isang metapora – isang pagsasama ng
dalawang pangyayaring magkaiba. At dahil metapora, nahahamon
ang isip na lumikha ng pagkakaugnay-ugnay. Ayon naman kay
Bernard Brandon Scott (1989), ang parabula ay isang maikling
kuwentong kathang-isip. Upang mabigyan ng tamang interpretasyon
ang isang parabula, kailangang basahing mabuti ang kuwento nito.

5. Bakit mahalagang pag-aralan ang parabula?


https://brainly.ph/question/152156
Ang parabula ay mahalagang maunawaan at mapahalagahan bilang
akdang pampanitikan sapagkat ito ay mga salita ni Hesus na
kanyang ginamit upang maiparating sa mga tao ang mensahe ng
Ama para sa kaligtasan ng mga makasalanan. Hindi lang ito
malaking parte ng akdang pampanitikan ngunit pati na rin sa
Katolikong paniniwala at pananampalataya.
TALINHAGA: ISANG
PARABULA
ONLINE TREASURE HUNT

CAMILLE T. SALTARIN
10- GARCIA

You might also like