You are on page 1of 2

Ang Pag-ibig

Isang mapagpala at magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Anicia Sabrina Minon nagmula sa
Grade 8-Pythagoras ay naririto sa inyong harapan upang magpahayag ng isang talumpati tungkol sa
PAG-IBIG.

Hinihiling ko na sana’y buksan nyo ang inyong puso’t isipan upang lubos ninyong maunawaan ang
talumpating aking bibitawan. Ito’y patungkol sa kinababaliwan ng lahat ng tao bata man o matanda
ay nahuhumaling dito ito ay ang PAG-IBIG.

Isa sa mga pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha ay ang pag-ibig. Nang


dahil sa pag-ibig tayong lahat ay naging tao. Ang pag-ibig ay may iba’t-ibang uri ng
kaanyuan.
May pag-ibig sa dakilang lumikha, sa kapwa-tao, sa alagang hayop, sa kalikasan, sa mga
kaparehong kasarian at kung anu-ano pa na napag-tutuunan natin ng pagmamahal at ng
emosyon.

Makapangyarihan ang pag-ibig. Puwede itong magbigay ng buhay at puwede rin itong
kumitil ng buhay. Wika nga ng isang tula ni Francisco Balagtas “O, pag-ibig na
makapangyarihan pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka
lamang”. Isang napakatalinhagang pananalita na nagpaparating ng labis na kapangyarihan
sa puso ng isang umiibig.

Walang masama sa kapangyarihan ng isang pag-ibig kung ito ay gagamitin natin sa


positibong pananaw at mabuting pamamaraan. Magsilbi sana itong inspirasyon lamang sa
ating mga puso. Halimbawa dito ay ang pagkakaroon natin ng ating mga sinisinta o
iniirog sa buhay.

Huwag tayong magpa-alipin ng tuluyan sa ating puso. Isaalang-alang din natin ang gamit
ng ating utak. Sana’y palagi ninyong alalahanin na ang lahat ng labis ay lason.

Mayroong pag-ibig na mapagbalat-kayo. Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag


magagalit. Karamihan sa mga may mapagbalat-kayong pag-ibig ay mga politiko sa
ating lipunan. Labis-labis ang kanilang pagmamahal na pinapakita lalo na sa mga
mahihirap tuwing malapit na ang panahon ng halalan. Katulad rin ng iyong sinisinta o
iniibig na lalapit lamang sa iyo kapag mayroong kailangan. Ngunit sa huli ikaw ay kanya
ring iiwanan sapagkat wala ka ng maibigay o hindi mo na masunod ang kaniyang mga
nais.

At dito nagtatapos ang talumpating ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig.

You might also like