You are on page 1of 8

ARALIN 6: MAIKLING KUWENTO

GAWAIN 1: Piliin Mo Ako!


Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Paano inilarawan ang bata sa loob ng kuwento?

A. Guwapo B. Mataba
B. Matangkad D. Pangit
2. Ano ang ikinatutuwa ng guro sa bata?
A. Dahil palakaibigan siya
B. Dahil pangit siya at maitim
C. Nanunukso na siya sa mga batang babae
D. Nagpapaiwan tuwing hapon kahit hindi siya hilingan ng gayon.
3. Ano ang kalagayan sa buhay ng bata sa loob ng kuwento?
A. Ulila at utusan
B. May karamdaman siya
C. May masayang pamilya
D. May marangyang buhay
4. Paano naging malapit ang guro at ang bata sa isat isa?
A. Nakikipaglaro ang guro sa bata.
B. Laging nagkakatinginan ang guro at bata.
C. Nasasagot lahat ng bata ang mga tanong ng guro.
D. Kapag may kailangan ang guro naroon agad ang bata.
5. Ano ang negatibong nagawa ng guro sa bata?
A. Napoot sa bata.
B. Nakipag-away ang guro.
C. Kinitil ang kanyang buhay.
D. Nagbigay pagsusulit ang guro.
6. Ano ang nagbago sa kilos ng bata?
A. Naging palabiro na siya.
B. Sumasagot ng pabalang sa guro.
C. Hindi lumingon at magsabi ng “Goodbye Teacher.”
D. Madalas siyang nagpapadulas sa pagitan ng upuan.
7. Ano ang naituro ng bata sa kaniyang guro sa araw na iyon?
A. Magalit
B. Humalakhak
C. Huwag maging palaasa sa mag-aaral.
D. Huwag magpapadala sa bugso ng damdamin.
8. Sino ang nagturo sa iyo ng ganoon ding leksyon?
A. Guro B. Bayan
C. Pamilya D. Taong bayan
9. Ano ang hula ng guro na damdamin ng bata?
A. Masaya B. Nalulungkot
C. Napopoot D. Natatakot
10. Anong uri ito ng maikling kuwento?
A. Kuwentong- Bayan
B. Kuwento ng Tauhan
C. Kuwentong Kababalaghan
D. Kuwento ng Katutubong Kulay

GAWAIN 2: Story Board


Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwentong binasa. Lagyan ito ng
bilang ayon sa wastong pagkasunod-sunod. Isulat ito sagutang papel.
A. Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kaniyang buhay.
B. Sa simula, pinagtakhan ko ang kaniyang pagiging mahiyain.
C. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan.
D. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti’t pangit na batang ito at sa akin.
E. Tinatawag ko siya nang madalas sa klase.
F. Naisip ko napopoot siya sa akin.
G. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan.
H. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.

GAWAIN 3: Sinimulan Ko, Tatapusin Mo.


Panuto: Sikaping gawan ng wakas ang akdang “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”
sa iyong sagutang papel. Humango ng idea sa katanungang nasa loob ng
kahon.
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maging may- akda ng maikling kuwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang
Bata”, paano mo wawakasan ang kuwento?

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

I I. Piliin Mo Ako
Panuto: Piliin ang titik ng wastong tugon sa mga sumusunod. Isulat sa sagutang
papel.
1. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kuwento kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

A. Kakalasan B. Kasukdulan
C. Tunggalian D. Wakas
2. Bahagi ng maikling kuwento na siyang ginuguhitan ng mga pangyayari sa kuwento.

A. Banghay B. Gitna
C. Simula D. Wakas
3. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kaniya.

A. Kakalasan B. Kasukdulan
C. Tunggalian D. Suliranin
4. Isa itong anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

A. Epiko B. Dula
C. Pabula D. Maikling kuwento
5. Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.

A. Kakalasan B. Kasukdulan
C. Tunggalian D. Suliranin
6. Isang uri ng pasalaysay na panitikang nag-iiwan ng iisang kakintalan.

A. Dula B. Maikling kuwento


C. Nobela C. Tula
7. Elemento ng kuwento na nagpapakita sa pinangyayarihan ng istorya.

A. Elemento B. Tagpuan
B. Tauhan D. Tunggalian
8. Uri ng tauhan na nagbabago ang karakterisasyon.

A. Antagonista B. Bilog
C. Lapad D. Protagonista
9. Uri ng tauhan na hindi nagbabago.

A. Antagonista B. Bilog
C. Lapad D. Protagonista
10. Uri ito ng maikling kuwento na inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuoan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa.

A. Kuwentong bayan B. Kuwento ng tauhan


C. Kuwento ng katutubong kulay C. Kuwento ng madulang pangyayari

II. Dugtungang Pahayag


Panuto: Itala mo ang kabuoang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan
ng pagdurugtong sa pahayag na nasa kahon. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
Nalaman ko na ang…
Naliwanagan ako dahil sa…
Naunawaan ko na…

ARALIN 7:Tulang Tradisyonal


GAWAIN 1: Bayan Ko Ito!
Panuto: Bumuo ng limang pangungusap na naglalarawan sa iyong bayan gamit ang
natutuhan sa masining o matalinghagang paglalahad. Kopyahin ang pormat sa sagutang papel.
Halimbawa: Ang bayan ng Rosario ay tulad sa isang rosas, unti-unting namumukadkad, patuloy sa pag-
unlad.
1.
2.
3.
4.
5.
GAWAIN 2: Silipin at Suriin Natin!
Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Suriin ang tulang “Bayan Ko” batay sa mga elemento nito
a. Bilangin ang pantig ng bawat taludturan ng tula. Ano ang sukat nito?
b. Taglay ba ng tula ang elementong tugmaan?
c. Pumili ng isang saknong at itala ang mga salitang magkakatugma.
d. Ano-anong simbolo ang ginamit ng may-akda sa tula?
e. Anong uri ng tula ang binasa mo? Ipaliwanag ang sagot.

2. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa sumusunod na saknong ng tula.


Bayan Ko Sariling pagpapakahulugan
a. Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto't bulaklák.
Pag-ibig ang sa kaniyang palad
Nag-alay ng ganda't dilág.
b. At sa kaniyang yumi at ganda,
Dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
Nasadlak sa dusa.
c. Ibon mang may layang lumipad,
Kulungin mo at umiiyak!
Bayan pa kayáng sakdál dilág,
Ang 'dì magnasang makaalpás?
d. Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luhà ko't dalita
Aking adhika:
Makita kang sakdál laya!
GAWAIN 3: Kilatisin at Paghambingin!
Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tulang “Ang Bayan Ko” sa iba
pang tulang iyo nang nabasa. Huwag kalimutang isulat ang pamagat ng
tula. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Bayan Ko Pagkakatulad Pamagat ng tula:
ni Jose Corazon de Jesus
Sukat
Tugma
Persona
Paksa o kaisipang taglay
ng tula

1. Ano ang tulang Tradisyonal?


2. Ano ang kadalasang pinapaksa ng tulang tradisyonal?
3. Batay sa pagsusuri at paghahambing ng panitiikan. Ano ang katangian ng tradisyonal na tula na wala sa tulang
modernista?

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
1. Anong anyo ng tula ang kadalasang nagtataglay ng sukat, tugma at nagtataglay ng makalumang gawi at paksa?

A. Berso Blangko B. Modernista


C. Spoken Word poetry D. Tulang Tradisyonal
2. Anong anyo naman ng tula ang taliwas sa perpektong sukat, tugma at tradisyonal na gawi at paksa?

A. Berso Blangko B. Modernista


C. Spoken Word poetry D. Tulang Tradisyonal
3. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud?

A. Paksa B. Sukat
C. Talinghaga D. Tugma
4. Anong elemento ang nagbibigay sa tula ng himig at indayog nito?

A. Paksa B. Sukat
C. Talinghaga D. Tugma
5. Anong antas ng wika ang itinuturing na istandard, mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng karamihan?

A. Balbal B. Kolokyal
C. Pambansa D. Pampanitikan
6. Ano ang tawag sa pinakamasining na antas ng wika na ginagamit ng mga malikhaing manunulat sa kanilang
paglalahad?

A. Balbal B. Kolokyal
C. Pambansa D. Pampanitikan
7. Anong masining na salita ang sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga

salita upang gawing mabisa, matalinghaga, at kaakit-akit ang pagpapahayag?


A. Idyoma B. Pahiwatig
C. Simbolo D. Tayutay
8. Anong tayutay ang ginamit sa pahayag na “Ang pag-ibig ay may mata, ang pag- ibig ay di bulag,” sa tulang “Pag-ibig”
ni Jose Corazon de Jesus?

A. Personipikasyon o pagsasatao B. Pagpapalit saklaw


C. Pagpapalit tawag D. Pag-uyam
9. Sino ang naglapat ng tunog sa tulang “Bayan Ko”ni Jose Corazon de Jesus?

A. Amado V. Hernandez B. Constancio de Guzman


C. Freddie Aguilar D. Ryan Cayabyab
10. Sino ang lalong nagpasikat ng tulang “Bayan Ko” ni Jose Corazon de Jesus dahil
sa pag-awit dito?
A. Alejandro G. Abadilla B. Fracisco Baltazar
C. Freddie Aguilar D. Jose Rizal
Para sa mga bilang 11-15.

11. Anong uri ng tugmaan ang ginamit sa unang saknong ng tulang “Bayan Ko”?
A. Tugmaang ganap B. Tugmaang katinig
C. Tugmaang patinig D. Walang tugma
12. Anong uri ng tugmaan ang ginamit sa ikalawang saknong ng tulang “Bayan Ko”?

A. Tugmaang ganap B. Tugmaang katinig


C. Tugmaang patinig D. Walang tugma
13. Anong simbolo ng kalayaan ang ginamit ni Jose Corazon de Jesus sa kaniyang tula?

A. Dilag B. Ibon
C. Kulungan D. Lumipad
14. Anong damdaming maka-Pilipino ang nais gisingin ng persona?

A. Awa B. Galit
C. Makabayan D. Pagdaramdam
15. Ano ang mensahe ng persona sa ikaapat na saknong ng tula?
A. Maging mahinahon
B. Mahalin ang bansa
C. Labanan ang manlulupig
D. Pahalagahan ang kalayaan

ARALIN 8: Tulang Modernista


GAWAIN 1: Isa pa, isa pang tula!
Basahin ang isa pang tula na pinamagatang “Ako Ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla, na isang tulang modernista.
Mga tula itong madalas ay hindi na nakakulong sa sukat at tugma, at iniisip na ang sarili. Hindi na nakatuon sa ideyal
kundi sa totoong karanasan ng nagsusulat. Sagutin nang buong husay ang mga tanong pagkatapos nito.

Ako ang Daigdig


Alejandro G. Abadilla (1940)
i) iii)
ako ako
ang daigdig ang damdaming
ako malaya
ang tula ako
ako ang larawang
ang daigdig buhay
ng tula ako
ang tula ang buhay
ng daigdig na walang hanggan
ako ako
ang walang maliw na ako ang damdamin
ang walang kamatayang ako ang larawan
ang tula ng daigdig ang buhay
damdamin
(ii) larawan
ako buhay
ang daigdig ng tula tula
ako ako
ang tula ng daigdig (iv)
ako ako
ang malayang ako ang daigdig
matapat sa sarili sa tula
sa aking daigdig ako
ng tula ang daigdig
ako ng tula
ang tula ako
sa daigdig ang daigdig
ako ako
ang daigdig ang tula
ng tula daigdig
ako tula
ako

1. Sino ang nagsasalita/persona sa tula?


2. Kanino ito nakikipag-usap?
3. Ano-anong konsepto ang lumutang sa tula patungkol sa tula at ng sumulat nito?
4. Ano-anong elemento ng tradisyonal na tula ang hindi sinunod ng sumulat nito?
5. Pumili ng isang bahagi ng tula ang nagustuhan mo at ipaliwanag kung bakit mo ito nagustuhan.

GAWAIN 2: Paghahambing ng Panitikan


Panuto: Basahin ang dalawang tula at sagutin nang buong husay ang mga tanong.
Pag-ibig Erotika 4
Teodoro Gener Alejandro G Abadilla (1965)
Umiibig ako, ay iniibig Ang salitang ganda'y di para sa iyo,
Ay hindi ang dilag na kaakit-akit Beybi Peys mong iya'y mahahalikan ko.
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais, Lagi kang may ngiti ang ibig ko sana
Hindi ba’t nariyan ang nanungong langit? Kahit sasandali ay maangkin kita
Lumiliyag ako, at nililiyag Ngiti sa mata mo ay muslak na ngiti,
Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag Ang musmos mong tawa ay lilindi-lindi
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad Bakit ka ba ganyan, 0, mutyang Musa ko,
Di ba’t masisid sa pusod ng dagat? Talaga bang ako'y iyong tinutukso?
Umiibig ako’t sumisintang tunay, Sa guniguni ko'y kekendeng-kendeng ka,
di sa ganda’t hindi sa ginto at yaman 0, aking Beybi Peys mahal kaya kita?
Ako'y umiibig, sapagat may buhay Manika kang tila ma'ring kalaruin,
na di natitikim ng kaligayahan Kaya itong puso ay bumabata rin
Ang kaligayahan ay wala sa langit Kaysarap-sarap mong pagkaing masarap
wala rin sa dagat ng hiwaga ng tubig Ibig kitang kani'y di kita maIasap
ang kaIigayaha’y nasa iyong dibdib Ang salitang ganda'y di para sa iyo,
na inaawitan ng aking pag-ibig… Beybi Peys mong iya'y mahahalikan ko

1. Alin ang tradisyonal? Alin ang modernista?


2. Ano ang pagkakaiba sa pagtrato nila sa parehong paksa?
3. Sino ang nagsasalita at kausap sa bawat tula?
4. Ano ang pagkakaiba sa porma, sukat, at tugma? Ano ang pagkakapareho?
5. Ano ang pagkakaiba sa mismong sinasabi?
6. Ano naman ang bawal na ginawa/sinabi ng pangalawang tula?
7. Aling tula ang ipagmamalaki mo kung ikaw ang nagsulat? Bakit?

GAWAIN 3: Isusulat ko ito!


Panuto: Sumulat ng isang tulang may masining na antas ng wika at may apat o higit
pang saknong sa alinmang anyong tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig
sa kapwa, bayan o kalikasan.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
1. Anong anyo ng tula ang taliwas sa perpektong sukat, tugma at tradisyonal na gawi at paksa?

A. Berso Blangko B. Spoken Word poetry


C. Tulang Modernista D. Tulang Tradisyonal
2. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud?

A. Persona B. Sukat
C. Talinghaga D. Tugma
3. Sino ang itinuturing na Ama ng Modernong Tulang Tagalog?

A. Alejandro G. Abadilla B. Amado V. Hernandez


C. Fracisco Baltazar D. Jose Corazon de Jesus
4. Anong tula ang tinatawag na manipesto ni Alejandro G. Abadilla?
A. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Ako Ang Daigdig
C. Ang Bayan Ko
D. Pag-ibig

5. Tumutukoy ito sa nagsasalita sa loob ng tula. Kailangang malinaw kung sino ang nagsasalita sa loob ng tula.
A. Damdamin B. Persona
C. Talinghaga D. Tono
6. Tumutukoy ito sa pagkakapareho ng tunog ng huling pantig ng huling salita sa taludturan ng tula.

A. Persona B. Sukat
C. Talinghaga D. Tugma
7. Ito ang pinakamahalagang sangkap o elemento ng tula kung wala raw nito, hindi matatawag na ganap na tula ang
isang hinabing tula.

A. Damdamin B. Persona
C. Talinghaga D. Tono
8. Saloobin ng awtor tungkol sa tinatalakay niyang paksa tula.

A. Damdamin B. Persona
C. Talinghaga D. Tono
9. Emosyong nararamdaman ng mambabasa habang binabasa ang tula o isang akda tulad ng kalungkutan, galak, galit,
at iba pa.

A. Damdamin B. Persona
C. Talinghaga D. Tono
10. Alin sa sumusunod ang HINDI pagkakatulad ng Tulang Tradisyonal sa Tulang Modernista.
A. May Tono at Damdamin
B. May Sukat at Tugma
C. May Talinghaga
D. May Persona

You might also like