You are on page 1of 16

10

Ikalawang Markahan
- Modyul 14-Week 4:

Tula
Filipino– Grade 10
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 14-Week 4: Tula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Milagros D Vicente


Editor: Leonisa S. Asuncion
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Manuel D. Reyes Jr.
Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin

Ang pagpapala at kabutihan ng Diyos ay sumainyo!

Kumusta ka na kaibigan? Batid kung ikaw ay sabik na sa muling


pagtuklas ng karunungan. Tara! Lakbayin natin ang isang akdang
pampanitikan mula sa bansang Italya Ang Aking Pag-ibig (How Do I
Love Thee-Sonnet XLIII) ni Elizabeth Barett Browning, isinalin sa
Filipino ni Alfonso O. Santiago. Nababatid kong may mga bahagi sa
modyul na hindi mo pa nauunawaan. May inihanda akong mga gawain
na tiyak na inyong magugustuhan.
Sa Modyul na ito ay matatalakay at matutuhan natin ang tungkol sa:

MGA TEKSTONG BABASAHIN: TULA (Ang Aking Pag-ibig)

GRAMATIKA: Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula.


(F10PN-IIC-d-70)
2. Nasusuri ang mga elemento ng tula.
(F10PB-IIC-d-72)
3. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula.
(F10PT-IIC-d-70)
4. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.
(F10PU-IIC-d-72
5. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula.
(F10WG-IIC-d-65)

1
Subukin

Panimulang Pagtataya

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng


modyul na ito. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan
at damdamin.
A. Dula C. Talumpati
B. Sanaysay D. Tula
2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at
sampung pantig sa bawat taludtod.
A. Alegorya C. Soneto
B. Haiku D. Tanaga
Basahin ang dawalang saknong na tula at sagutin ang bilang 3-7.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
3. Anong uri ng tayutay ang makikita sa unang saknong?
A. Pagbibigay-katauhan C. Pagtutulad
B. Pagmamalabis D. Pagwawangis
4.Anong uri ng tugmaan ang makikita sa unang saknong?
A. AAAA C. AABB
B. ABAB D. ABBA
5. Anong uri ng tugma ang ikalawang saknong?
A. Aliterasyon C. Assonance
B. Anapora D. Consonance
6. Ilan ang sukat ng ikalawang saknong?
A. 12 C. 16
B. 14 D. 18
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ibig ipahiwatig ng huling taludtod ng
tula?
A. Wagas na pag-iibigan
B. Pag-ibig na makasarili
C. Pag-ibig hanggang kamatayan
D. Pag-ibig hanggang sa dulo nang walang hanggan

2
8. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon
sa tindi ng damdamin?
A. pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog
B. pagsinta, pag-iro, pag-ibig, pagmamahal
C. pag-irog, pag-ibig, pagmamahal, pagsinta
D. pagsinta, pag-irog, pagmamahal, pag-ibig
9.Ito ay ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan
ng mambabasa.
A. Kariktan C.Talinghaga
B. Sukat D Tugma
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng katotohanan
tungkol sa tula?
A. may saknong at taludtod
B. nahahati sa mga kabanata
C. maaaring may sukat at tugma
D. gumagamit ng matatalinghagang salita
11.Anong akdang pampanitikan ang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
A.Maikling-kwento C.Talumpati
B.Sanaysay D.Tula
12.Anong tawag sa parehong tunog ng huling pantig sa isang tula?
A. sukat C. taludtod
B. talinghaga D. tugma
13.Ito ay binubuo ng apat o higit pang taludtod?
A. saknong C. talinghaga
B. sukat D. tugma
14.Ito ay ang paggamit ng tayutay at simbolismo ng isang tula?
A.kariktan C. taludturan
B. talinghaga D. tugma
15. Ito ay isang uri nang tayutay na naghahambing nang dalawang bagay
ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
A. Pagmamalabis C. Pagtutulad
B. Pagkatao D. Pagwawangis

3
Lesson
TULA
1
Balikan

Tayo nang mag-WORD HUNT!

Hanapin sa puzzle ang mga salita na may kaugnayan sa tula. Maaaring ang mga salita ay nakasulat
ng pahalang, pabaliktad, patayo o pahiga. Isulat ang mga nahanap na salita sa sagutang papel.

A S S O N A N C E T
S A K N O N G T P A
S U Y A T U Y A T L
O H K S A Q R Y M I
N V K A R I K T A N
Q X T R T H 6 A T G
A A D R R R T L G H
A M G U T O P U H A
R S R I T M O D N G
A S S O N D E T M A
T G I H I S N O C T
L N M R D F S D T U
C O N S O N A N C E

Tuklasin

Ang tula ay isang anyo nang panitikan na may matalinghagang


pagpapahayag ng isipan at damdamin, mababasa sa mga tula ang mga
kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.
Isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang
pahayag o pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan
nito.
Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita
sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag
ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na
pagmamahal sa sariling bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at

4
pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng
kahapon patungo sa kasalukuyan.
Mga Elemento ng Tula
1.

2. Sukat – ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod


ay karaniwang may 8, 12, at 16 na pantig o sukat.
3.

Halimbawa:
Sukat: Lalabingdalawahing Pantig
I/sang/ ta/on/ nga/yon/ nang/ i/yong/ pag/pa/naw-12
Ti/la/ Ka/ha/pon/ lang/ nang/ i/ka’y/ lu/mi/san-12
4.

5. Tugma – ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling


pantig ng bawat taludtod.
6.

Uri ng Tugma
A. Hindi buong rima (assonance) paraan ng pagtutugma ng tunog
na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
B. Kaanyuan (Consonance) paraan ng pagtutugma ng tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
1. Unang lipon (tugmang malakas) ng mga salitang nagtatapos sa
b, k, d, g, p, s, t

Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ng kinapos palad
2.Ikalawang lipon (tugmang mahina) mga nagtatapos sa
l,m,n,ng,r,w,y

Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matignan ang sikat ng araw
7.

8. Talinhaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghagang salita


at tayutay.
9.

Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile) – ito’y karaniwang paghahambing ng
dalawang bagay na magkaiba na ginagamitan ng mga katagang:
gaya, tulad, wangis, animo’y, tila at iba pa.
Halimbawa:
1. Animo’y makopa sa pula ang kanyang pisngi.

5
2. Ang buhay ay tulad ng batis.
2. Pagwawangis (methapor) katulad ng simile, naghahambing din ito
ng dalawang bagay na magkaiba. Ang ikinaiba lamang ay hindi ito
ginagamitan ng parirala.

Halimbawa:
1. Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan.
2. Isang anghel ang bagong silang na sanggol.
3. Pagbibigay-Katauhan (Personification) ito’y pahayag na kung saan
ang katangian, gawi at talino ng tao ay isinasalin o ikinakapit sa
karaniwang bagay, sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.
Halimbawa
1. Pati ulap ay sumayaw sa bayo ng hangin.
2. Mabilis tumakbo ang panahon.
4. Pagtawag (Apostrophe) ito’y pakikipag-usap sa karaniwang bagay
o pakikipag-usap sa isang tao na para bang nasa iyong harapan,
gayong wala naman.
Halimbawa
1. O! tukso layuan mo ako.
2. Buwan -buwan hulugan mo ako ng sundang.!
5. Pagmamalabis (Hyperbole) ito’y isang labis-labis na pagpapasidhi
ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa
1. Pasan ko ang daigdig.
2. Abot kamay ang mundo.
10. Kariktan – ito’y ang malinaw at di malilimutang impresyon na
nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may
naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng
bumabasa.

Suriin

Basahin ang tulang “Ang Aking Pag-ibig”.

Ang Aking Pag-ibig


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,

6
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan

Saknong Matalinghagang Salita Kahulugan


1 Tuturan kong lahat ang mga paraan 1)
2 Buong taimtim 2)
2 Lipad ng kaluluwa 3)
3 Maging sa karimlan 4)
4 Kasingwagas ito ng mga bayani 5)
4 Kasinlaya ito ng mga lalaking 6)
5 Tulad nang lumbay kong di makayang
bathin 7)
6 Na nang mangawala ay parang nanamlay 8)
6 Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal 9)
7 Malibing may lalong iibigin kita 10)

Gawain 2: Mula sa tulang binasa, magbigay ng dalawang salitang


magkatugma.
Halimbawa: malaman-paraan

11. ______________________- _______________________


12. ______________________- _______________________
13. ______________________- _______________________
14. ______________________- _______________________
15. ______________________- _______________________

7
Pagyamanin

Gawain 3: Suriin ang binasang tula batay sa elemento nito. Gawin ito sa
gamit ang grapikong representasyon.

Sukat

Taling
Ang
haga
Aking Tugma
Pag-ibig

Kariktan

Isaisip

TULA - isang anyo nang panitikan na may matalinghagang pagpapahayag nang


isipan at damdamin, mababasa sa mga tula ang mga kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.

ELEMENTO NG TULA
• Tugma - pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat
taludtod
• Sukat - bilang ng pantig sa bawat taludtod
• Talinghaga - paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag
• Kariktan - di malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa

Isagawa

Sumulat ng isang tula na pumapaksa sa pag-ibig sa Diyos at kapwa.


Gumamit nang matatalinghanag pahayag o pananalita.
Gamitin ang mga sumusunod na panuntunan sa pagsulat ng iyong tula.
1. 5 saknong na may tig-apat na tuludtod
2. May sukat at tugma

8
3. Salungguhitan ang matatalinghagang pahayag

Puntos Napakagaling (5) Magaling (4) Katamtaman (3) Nangangailangan


ng pagsasanay
(2)
Kaangkopan Nakapaangkop sa Angkop sa paksa Bahagyang Di-gaanong
sa Paksa paksa at at makahulugan angkop sa paksa angkop sa paksa
Puntos: makahulugan ang kabuuan ng at bahagyang at literal ang
_______ ang kabuuan ng tula. makahulugan kabuuan ng tula.
tula. ang kabuuan ng
tula.
Paggamit ng Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng isa o Wala ni isang
salita matatalinghagang ilang dalawang matalinghagang
salita. Piling-pili matatalinghagang matatalinghagang salita na ginamit.
Puntos: ang mga salita at salita. May ilang salita. Ang mga
_______ pariralang piling salita at salita ay di-
ginamit. pariralang gaanong pili.
ginamit.
Sukat at Gumamit ng May mga sukat at May Walang sukat at
Tugma napakahusay at tugma ngunit pagtatangkang tugma kung may
angkop na may bahagyang gumamit ng nailat man.
Puntos: angkop na sukat inkonsistensi. sukat at tugma
_______ at tugma. ngunit halos
inconsistent
lahat.

Kabuuang Puntos: ____________

Tayahin

Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil

Yaring pag-ibig ko’y katugon kabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal
Na nang mangawala’y parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang
1.Mula sa unang saknong saan inihambing ang pag-ibig?
A. matinding damdamin
B. noong ako’y musmos pa
C. lumbay na di makayang bathin

9
D. ang pananalig na hindi masusupil
2.Saan nababagay ang kanyang pag-ibig batay sa paglalarawan ng
nagsasalita sa tula?
A. nababagay sa maraming bagay
B. nababagay tungkol sa pagmamahal ng mga banal
C. nababagay sa mga bigo at walang saysay sa buhay
D. nababagay tungkol sa mga nawawala at mga nananalig
3.Ano ang ibig ipakahulugan ng huling taludtod ng ikalawang saknong?
A. malilibing na ang pag-ibig
B. hanggang sa kabilang buhay
C. makikipaglibing sa dalawang libingan
D. itatalaga ng Diyos ang kanyang kamatayan
4.Alin sa mga sumusunod ang katangiang HINDI taglay ng persona sa tula?
A. mapagmalasakit
B. mapagpakumbaba
C. mapagtiis
D. masayahin
5.Ipinahahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa
taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng _________
A. pagpapahiwatig ng nararamdaman
B. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
C.paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
D.paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
6.Anong uri ng tayutay ang makikita sa unang saknong ng tula?
A. pagbibigay-katauhan
B. pagmamalabis
C. pagtutulad
D. pagwawangis
7.Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?
A.pag-ibig sa ama/ina
B.pag-ibig sa kapatid
C.pag-ibig sa kaibigan
D.pag-ibig sa kasintahan/asawa
8.Ito ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita kung kayat
magiging malalim at piling- pili ang mga salita?
A. kariktan
B. sukat
C. tayutay
D. tugma
9.Anong uri ng tugma kung ang huling letra ay patinig?
A. assonance

10
B. consonance
C. ritmo
D. taludtod
10.Ito ang tawag sa linya ng tula?
A. saknong
B. sukat
C.taludtod
D.tugma
Para sa bilang 11-15. Basahin ang mga piling saknong mula sa tulang
“Babang Luksa”. Magbigay ng limang (5) katangian ng tula, gamitin ang
grapikong representasyon.

Pamaga
t

“Babang Luksa”
salin mula sa Kapampangan ni Lovia P. Dante
sa isang “Pabanua” ni Diosdado Macapagal
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika’y lumisan
Subalit sa akin ang tanging naiwan
Mga alaalang di malilimutan
Kung ako’y nasa pook na limit dalawin
Naalala ko ang ating paggiliw
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling
Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan una tayo’y nag-ibigan
Sa bakura’t bahay sa lahat ng lugar
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.

11
Karagdagang Gawain

Pakinggan ang tulang “Ang Pamana” ni Jose Corazon de Jesus sa


http://www.youtube.com/watch?v=OaCSnbdtg3c&feature=share at ibigay
ang iyong reaksyon/saloobin sa estilo ng pagkakasulat ng tulang
napakinggan.

Mula sa tulang napakinggan, pumil ng 10 na matalinghagang salita na


napapakinggan. Ilista ito sa patlang sa ibaba at bumuo ng tula gamit ang mga
ito.

______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________

Puntos Napakagaling (5) Magaling (4) Katamtaman (3) Nangangailangan ng


pagsasanay (2)

Kaisahan ng May kaisahan ang May kaisahan ang Bahagyang may Walang kaisahan ang
Paksa paksa at paksa ngunit di- kaisahan ang paksa paksa at literal ang
makahulugan ang gaanong at bahagyang kabuuan ng tula.
Puntos: kabuuan ng tula. makahulugan ang makahulugan ang
_______ kabuuan ng tula. kabuuan ng tula.
Paggamit ng Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng isa o Wala ni isang
salita matatalinghagang matatalinghagang dalawang matalinghagang salita
salita. Piling-pili salita. May ilang matatalinghagang na ginamit.
Puntos: ang mga salita at piling salita at salita. Ang mga
_______ pariralang pariralang ginamit. salita ay di-gaanong
ginamit. pili.

Sukat at Gumamit ng May mga sukat at May pagtatangkang Walang sukat at tugma
Tugma napakahusay at tugma ngunit may gumamit ng sukat kung may nailat man.
angkop na angkop bahagyang at tugma ngunit
Puntos: na sukat at inkonsistensi. halos inconsistent
_______ tugma. lahat.

12
13
Pagyamanin Tayahin
1. Sukat-12 1. C
2. Tugma-Saknong 1-6-Consonance Saknong 7-ssonance 2. B
3. B
3. Kariktan 4. A
may sukat at tugma 5. B
-may talinghaga 6. C
7. D
4. 8. C
A. Lipad ng kaluluwang ibig na marating 9. A
Ang dulo ng hindi maubos isipin 10. C
11. karik
B. Kasingwagas ito ng mga bayaning tan
Marunong umingos sa mga papuri 12. talin
c. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na ghag
Ngiti, luha, buhay at aking hininga a
13. sakn
1. Gagawin ang lahat kapag ang isang tao ay umiibig.
2. Wagas na pag-ibig.
3. Pagkasabik na Makita ang minamahal
4. Ang pag-ibig ay hindi lamang sa panahon ng kasaganahan kundi sa hirap man o sakit.
5. Katapatan, sakripisyo at kapakumbabaan.
6. Kalayaang umibig
7. Kayang matiis ang lahat ng hirap.
8. Ang pagkawala ng isang minamahal ay isang kalungkutan at kabiguan.
9. Damdaming hindi maipaliwanag
10. Siya lang ang mamahalin hanggang kamatayan.
Gawain 2:
Saknong 1: malaman-paraan
Saknong 2: kahambing-marating
Saknong 3: kaliitliitan-karimlan
Saknong 4: lalaking-bayani paapi – papuri
Saknong 5: damdamin-bathin
Saknong 6: nakababagay-nanamlay
Saknong 7: hininga - ipagtalaga
Gawain 1: Suriin: Paglinang ng Talasalitaan
ASSONANCE SAKNONG TUGMA TALINGHAGA
RITMO KARIKTAN SUKAT TALUDTOD
CONSONANCE
Balikan
15.D 14. B 13.A 12. D 11. D
10. B 9. A 8. D 7. B 6. A
5.C 4. B 3. C 2. C 1, D
Panimulang Pagtataya
Susi sa Sagot
Sanggunian
AKLAT

Ambat, Vilma C., Barcelo, Teresa B., Cariño, Eric O., Dasig, Mary Jane R.,
Enrijo, Willita A., Molina, Shiela C., et.al., Panitikang Pandaigdig – Filipino –
Ikasampung Baitang, Modyul sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2015.

TALASANGGUNIANG ELEKTRONIKO

Araling Pilipino (2019). Sanaysay-Uri ng Sanaysay-Mga Tips sa Pagsulat ng Sanaysay


Araling Pilipino. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=FPEIf2uOlbE&feature=youtu.be
Legados, J. (2014). Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon.
Retrieved from https://blognijenni.blogspot.com/2014/10/aralin.html?m=1

Que, N. C. (2018). Elemento ng Sanaysay. Taruc National High Scool. Retrieved from
https://www.slideshare.net/NeiliaChristinaQue/elemento-ng-sanaysay
Ya, C. (2009). Women in Taiwan: Sociocultural Perspectives. University of Indianapolis Press.
United States of America. Retrieved from
https://books.google.com.ph/books?id=KFmI5bdm9uQC&printsec=frontcover#v=onepage&
q&f=false

Yamson, A. J. & Ursal, A. R. (2016). Sanaysay. Cebu Doctors' University, Mandaue City.
Retrieved from https://www.slideshare.net/AndreaJuliahYamson/sanaysay-69804832

You might also like