You are on page 1of 16

FILIPINO

Ikalawang Markahan
Module 5
Tula
Panimula
Ang modyul na ito ay isinulat bilang isang suplementaryong kagamitan sa
pagtuturo ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang. Ito ay makatutulong sa inyo
upang malinang ang kaalaman sa iba’t ibang paksa sa asignaturang Filipino.
Gumagamit ito ng iba’t ibang pamamaraan /metodolohiya sa pagtuturo upang madali
ninyong maintindihan. Ang mga aralin sa modyul na ito ay nakabatay sa
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto na iminungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin nang wasto ang modyul na ito.Ingatang di-masira o mapunit ang
anumang pahina nito.
2. Magtanong sa guro o sa mga magulang kung may hindi naunawaan tungkol
dito.
3. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
4. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
5. Maging tapat sa pagsagot sa mga gawain at huwag ipasagot sa ibang tao.
6. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
7. Ipasa ang mga sagutang papel (answer sheet) sa modyul na ito sa iyong
guro.Huwag kalimutang lagyan ng pangalan , pangkat (section) at pamagat
ng modyul.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

F8PB II i-j-28 – Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang


binasa sa iba pang anyo ng tula.
F8PU II i-j 29 - Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na
antas ng wika at may apat o higit pang saknong sa
alinmang anyong tinalakay gamit ang paksang pag-ibig
sa kapwa, bayan o kalikasan.

Layunin : Pagkatapos mapag-aralan ang aralin, kayo ay :


1. Nakatutukoy sa mga elemento ng tula
2. Nakapaghahambing sa anyo at elemento ng tulang binasa sa iba
pang anyo ng tula
3. Nakabubuo ng isang masining na tula na may apat o higit na saknong
na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig sa bayan, kapwa o kalikasan.

1
SUBUKIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag sa bawat aytem at sagutin . Isulat
ang sagot sa sagutang papel . Titik lang ang isulat.
1. Akdang pampanitikan, pinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig,
ipinahahayag sa mga piling pananalita at nagtataglay ng magandang diwa ay
---------------.
A. dula C. tula
B. kuwento D. sanaysay
2. Isa sa mga elemento ng tula na nagpapakita sa bilang ng pantig ng isang
taludtod ay __________.
A. tugma C. sukat
B. diwa D. kariktan
3. Ang pag-iisang tunog ng huling pantig ng mga taludtod ng bawat saknong
ay___________.
A. diwa C. tugma
B. sukat D. aliw-iw
4. Suriin ang sukat ng tula : Ang tulang ito ay may __________ pantig sa bawat
taludtod.
Umaalam sa isip
Kahapong iniihip
Ng simoy ng pagkapit
Sakit, nanunumbalik
A. pito C. walo
B. sampu D. apat
5. Ang pagsusuri sa sukat ng tula ay naaayon sa ___________ nito.
A. titik C. pantig
B. saknong D. taludtod
6. Ang salitang puso, hinto at dugo ay mga salitang may tugmaang _____.
A. Katinig na mahina C. Katinig na malakas
B. Patinig na may impit D. Patinig na walang impit
7. Binubuo ito ng mga taludtod ng tula;
A. Pantig C. titik
B. Saknong D. parirala
8. Elemento ng tula na hindi kailangan o maaaring hindi makita sa tulang malaya
ay_______________.
A. diwa C. tugma
B. sukat D. kagandahan
9. Ang sayawan ay punung-puno ng magagandang dalaga.
Ang salitang dalaga ay halimbawa ng tugmaang _____________.
A. Katinig na mahina C. Katinig na malakas
B. Patinig na may impit D. Patinig na walang impit
10. Ang ama ng tula o panulaang Pilipino ay si _________________.
A. Francisco Baltazar C. Inigo Ed Regalado
B. Jose Corazon de Jesus D. Julian Cruz Balmaceda

2
ARALIN: 2.5.1 TULA

Alamin

Layunin:
1. Nakapagbibigay sa sariling depinisyon ng tula
2. Natutukoy at naibibigay ang kaibahan ng tulang malaya sa tulang tradisyunal

Balikan /Pangganyak

Sa araling ito, pag-aralan natin ang isang akdang pampanitikan na


sumasalamin sa damdamin o kalagayan ng sumusulat na naipahayag na may
kagandahan at kariktan.

Tuklasin
Ngayon, nais kong mataya ang inyong kaalaman batay sa natutunan nang
aralin na may kaugnayan sa araling ating tatalakayin.
Suriin: Mistulang walang alat
Kung humalik ang dagat
Sa pampang kung yumakap
Ay mahigpit, banayad.
Ano ang iyong nabasa?
Ano ang pananda na ang binasa o narinig ay tula?
Anu-ano ang tinataglay ng akdang, tula?

Suriin / Talakayin

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, isang manunulat ng tulang Pilipino, ”Ang
tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan,ng kariktan, ng kadakilaan.
Mula sa aklat Pluma 8;

3
Ang Tula ay akdang pampanitikang hinango sa guni-guni na ipinarating sa
damdamin at ipinahahayag sa mga piling pananalita at nagtataglay ng magandang
diwa.
Ikaw, ano para sa iyo ang tula?
Ito ang mahahalagang dapat tandaan sa pag-aaral sa akda:
❖ Ang tula ay maaaring sa taludturan o saknong.
Ang bawat saknong /taludturan ay binubuo ng taludtod o linya.
Halimbawa ng taludturan o saknong:
Namamasyal noon ang hari sa hardin
Upang bigyang laya ang diwa’t panimdim
Walang anu-ano’y natawag ang pansin
Ng batong maliit na hamak sa tingin
“ Ang Batong Maliit”
Ni: Jose Esperanza Cruz

Ang halimbawa ay isang saknong ng tula na may apat na taludtod o linya.

Dalawang Anyo ng Tula:


1. Tradisyunal
2. Malaya
Ang tula ay maaaring Tradisyunal na may sukat at tugma at maaari namang
Malaya.
Ang tula, may tugma at sukat man o malaya ay kailangang magtaglay ng
magandandang diwa at sining ng nagpapahayag.

Halimbawa ng tulang Tradisyunal (may sukat at tugma)


Ang Guryon
Ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak,itong munting guryon


Na yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang laruan pula,puti at asul
Na may pangalan mong sa gitna naroon

Ang hiling ko lamang bago paliparin


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin
Ang dulo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi ma-ikit o kaya’y magkiling

4
Saka, pag humihip ang hangin,ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwat ang pisi’y tibayan mo ,anak
At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw; ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan
Makipaglaban ka,subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig


Matangay ng iba o kaya’y mapatid
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit

Ang buhay ng guryon,marupok,malikot


Dagiti’t dumagit saan man
O paliparin mo’t ihalik sa Diyos
Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob.

Halimbawa ng tulang Malaya ( walang sukat at tugma)


Pananalamin sa Tubig
ni Teo T. Antonio

Nginangatngat ang buwan


ng marungis na ulap sa maburak na sapa.
Nakatanghod ang inuuod na rosas
at bunga ng punong mangga,
habang umaalon sa hangin
ng maninilaw na dahon.
Nagbabantay ang kuwago sa puno ng balite
at humuhuni ang uwak ng ibang pangalan,
Sumisisid ang bayawak sa malangis na ilog
at gumagapang ang ahas sa tuyong damuhan.
Lumaot nang lumaot ang mga mangingisda
dahil nagtampo ang mga isda sa dalampasigan.
Kumikislap sa tabing-dagat ang liyab
ng sinusunog na punongkahoy sa kabundukan.
Tumatabon ang langis ng pabrika
sa lawa at ilog. Kahit nakasiwang sa tubig
ang pagkindat ng bituin,tila butil ng luhang
nakalulan sa alon ang kalapastangang
likha ng tao sa kalikasan.

5
Isaisip
Ang tula ay may dalawang anyo ang;
Tradisyunal - kung saan makikita ang kariktan hindi lang sa pagkakabuo ng
diwa at pananalita kundi sa indayog dahil sa sukat at tugmang taglay nito.
Malaya – tulang makabago, inilalahad ang damdamin ng sumusulat na
hindi binibigyang pansin ang sukat at tugma sa bawat taludtod
ng kanyang tula.

Isagawa
Isulat / Ihambing ang natutunan sa anyo ng tula.
Ang tulang tradisyunal ay
________________________________________________
habang ang tulang malaya ay
____________________________________________.

Pagyamanin / Karagdagang Gawain


Isulat sa buong papel. Lagyan ng pangalan, pangkat, bilang ng modyul, at
pahina nitong modyul.
Maghanap sa kahit anong aklat sa Filipino at sipiin ang isang taludturan sa
tulang tradisyunal. Isa ring halimbawa ng tulang Malaya.

Aralin 2.5.2 Mga Elemento ng Tula

Alamin

Layunin :
1. Natutukoy ang mga elemento ng tula
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga elemento sa pagbuo ng isang tula

6
Balikan / Pangganyak

1. Ano ang tula?


2. Anu-ano ang mga anyo ng tula?
3. Ano ang kaibahan ng tulang tradisyunal sa tulang malaya?

Tuklasin
Kailangan sa tula na masining at may kagandahan. Naaayon sa mga
elemento ng tula ang pagiging masining at ang kagandahang taglay nito

Suriin / Talakayin
Alam mo ba na …
May apat na Elemento ang Tulang Tradisyunal ng Tulang Pilipino. Ito ang;
1. Sukat – ito ang bilang ng pantig sa isang taludtod.
2. Tugma – ito ang pag-iisang tunog ng huling pantig ng mga taludtod ng
bawat saknong
3. Magandang Diwa – maaaring maisip ng makata ang isang magandang
diwa sa tulong ng kanyang karanasan at kapaligiran.
4. Sining ng Pagpapahayag / Talinghaga, Aliw-iw –paggamit ng mga piling
salita na mabisang naglalarawan ng magandang diwang nasa isipan ng
makata.

Ang Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng salita sa bawat taludtod ng tula. Ang mga uri ng
sukat na karaniwang ginagamit ay;
1. Wawaluhin
2. Lalabindalawahin
3. Lalabing-animin
4. Lalabingwaluhin
Hinahati ang salita ayon sa bilang ng pantig nito:

Wawaluhing sukat:
Hal: Ang / ka/to/to/ ka/pag / tu/nay
Hin/di / ngi /ti /ang / pag-/a /lay
Kun/di / I /sang / ka/ta/pa/tan
Ng/ ma/ta/as/ na / pag/da/may

7
1 2 3 4 5 6 7 8
Ang / ka/ to/ to / ka/ pag/ tu/ nay – 8 pantig
Lalabindalawahing sukat :
Lu/ha / ng / hi/rap / mo / ay / kung / ti/ti/gi/sin -12 pantig
Lalabing-animing sukat :
Sa / i/ta/as, /ang / la/hat / ng / may / li/wa/nag / na/ / ma/ning/ning – 16 na pantig

Lalabingwaluhing sukat:
Ang/ hud/yat/ ng/ i/sang / ma/gan/dang/ u/ma/gang/ i/big/ nang/ su/mi/kat
- 18 pantig
❖ Ang salitang ” mga” kung bigkasin (ma/nga) ay may dalawang pantig.

Ang Tugma
Ang pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa
isang saknong ng tula.
Pangkatang Kaurian;
Patinig; a e i o u
Katinig: b,c,d,f,g,h,j,k,l,m,n,nÑ,ng,p,q.r.s.t.v,w,x,y,z

Mga Tugmang Patinig:


Walang Impit – magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang
nagtatapos sa iisang patinig na walang impit o glottal na
pasara ( Bukas, lalabas ang hangin sa lalamunan)
Halimbawa:
a e-i o-u
Dalaga (dalagah) Tawi-tawi (Tawi-tawih) Sulu (Suluh)
Asawa (asawah) Bayani ( bayanih) oro (oroh)
Pluma (plumah) Oktubre (Oktubreh) Asikso (asikasoh)

Paghandaan mo

Itong iyong pagtungo

Sa ibang mundo

May impit - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang


nagtatapos sa iisang patinig na may impit o glottal na pasara.
❖ Glottal na pasara – pinigilan ang hangin o pagsasarang glottal
Halimbawa:

8
a i o-u
salita bigti dugo
paksa sukli tukso
balita binti pinto

Malaong natigil na di nakakibo


Hininga’y hinabol na ibig lumayo
Matutulog disin sa habag ang dugo
Kundangang nagbangis kong nangagtatayo

Mga Tugmang Katinig


May dalawang uri ang tugmang katinig ang;

1. Mahina - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang


magkatulad ang patinig ng huling pantig at ang pinakadulong
ponemang katinig ay alinman sa l, m ,n,ng,r,w,y
Halimbawa:
Kasal anghel Bohol
Alam kulimlim motor
Galing duling baduy
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin (in)
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel (el)
Sapagkat ang Poong maalam tumingin (in)
Ang Siyang naggawad,nagbigay sa atin.(in)

2. Malakas - Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang


magkatulad ang patinig ng huling pantig at ang
pinakadulong ponemang katinig ay alinman sa
b,k,d,g,p,s,t.
(Pigil ang hangin sa hulihan ng tunog)

Hikab kilabot panghilod


Tagaktak matalik halughog
Alapaap pinipig hulagpos
Karamiha’y sipres at higerang kutad (ad)
Na ang lihim niyon ay nakasisindak (ak)
Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad (ad)
Na nakadidilim sa loob ng gubat (at)

9
Isaisip

Higit na mahalaga na alam ang tuntunin sa pagbuo ng tulang tradisyunal.


Sa sukat, kailangang pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod sa bawat
saknong.
Mahalaga rin na magkasama ang patinig may impit man o walang impit sa isang
saknong o taludturan.Magkasama rin ang katinig mahina man o malakas sa isang
taludturan ng tula.

Isagawa
Isulat ang sagot sa likod ng papel na ginamit sa Isagawa at
Karagdagang Gawain sa pahina 7 sa modyul na ito. Lagyan ng, “Isagawa pah 12.”
Suriin ang tula at ibigay ang hinihingi:
Naakay ng gutom at gawing masama
Bumalik ang bangis at nawalang awa
Handa na ang ngipit kukong mapanila
At pagsasanayan ang kaawa-awa
Halaw sa Florante at Laura
ni Francisco Baltazar
Ang tulang ito ay may ____________ pantig sa bawat taludtod.
Ang tugmaan ay tugmang ______________ na ________________.
Mararamdaman ang _______________ na nagpapahayag sa damdamin ng
saknong ng tula. Ang saknong o taludturang ito ay may __________ na taludtod.
(May dalawang puntos ang bawat sagot.)

Pagyamanin / Karagdagang Gawain


Isama ang kasagutan sa Isagawa sa pahina 12.
Sipiin at buuin ang Isang taludturang tula na may wawaluhing pantig gamit ang
akmang salita sa alinman sa mga salita sa ibaba.

himala umaga biyaya halaga Maylikha Niya nagpaalala

Ang hamog tuwing ___________


Sa ati’y ______________________
Ang buhay na bigay ____________
Bigyan natin ng ________________

10
Aralin 2.5.3 Ang Talinghaga

Alamin

Layunin:
1. Natutukoy at nagagamit ang ilang matalinghagang salita
2. Nagagamit ang mga salitang matalinghaga o tayutay sa pagbuo ng tulang
malaya na may apat o higit na saknong.

Balikan / Pangganyak
Natutunan niyo sa naunang pagtatalakay ang ilang mahalagang
elementong mahalagang–mahalaga sa pagbuo ng tula lalo na sa tradisyunal na tula.
Maliban sa sukat at tugma, mahalaga ring isaalang- alang ang paggamit ng salita na
magbibigay kagandahan o kariktan sa isang tula.

Tuklasin
Ang paggamit ng tayutay o talinghaga sa pagbuo ng tula ay
sadyang paglayo sa paggamit ng mga karaniwang salita upang maging kaakit-akit at
mabisa ang pagpapahayag.

Suriin / Talakayin

Ang sumusunod ay uri ng patalinghagang salita o Tayutay.


1. Pagtutulad (Simile) - paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
na ginagamitan ng mga pariralang; katulad ng, gaya ng at
iba pa.
Halimbawa:
1. Bayang Pilipinas katulad ng mamahaling hiyas
Ang iyong kalayaan ay ingatan kapag ito’y namalas
2. Mukha ay animo’y birhen, na sa ati’y makatatawag pansin.
2. Pagwawangis (Metaphor) - Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad
ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi gumagamit
ng pariralang ,tulad ng, gaya ng at iba pa.
Halimbawa:
1. Ang Pilipinas ay perlas ang kagandahan

11
2. Ahas ka talaga, kamay na nagpapakain sa iyo,tinuklaw mo pa.
3. Pagmamalabis (Hyperbole) – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa:
1. Bumaha ng dugo
Nang ang bayan ay lumaya.
2. Lumuha ka man ng dugo,hinding-hindi magbabago ang pasya ko.

4. Pagbibigay-Katauhan ( Personification) – pagbibigay –katangian ng


isang tao sa isang bagay na walang buhay.
Halimbawa:
1. Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.
2. Dumampi sa pisngi ko ang malamig na hamog sa umaga.

5. Pagpapalit-saklaw (Synechdoche) - pagpapahayag sa pamamagitan


ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.

Halimbawa:
1. Maraming puso ang nadurog
Nang ang Pilipinas ay nasakop
2. Kung mamarapatin niyo po, gusto ko nang hingin ang kamay ng anak
niyo.
6. Pagtawag (Apostrophe) – Ito ay ang tila pakikipag-usap sa karaniwang
bagay na malayo o wala naman.
Halimbawa:
1. O aking bayan, ang kaunlaran mo,
ang madalas sa Diyos isinasamo.
2. Kidlat, sige tamaan mo ako, nang matapos na itong paghihirap
ko!
7. Pag-uyam ( Irony) - pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan.
Halimbawa:
1. Ang ating bayan ay malaya ,
kaya’t mga dayuhan ang namamalakaya.
2. Hindi ka talaga gutom ano, kaya lahat naubos mo

Isaisip
Alam mo ba na…
Mabisang gamitin ang mga matalinghagang salita upang magbibigay kulay, kariktan
sa binuong tula. Karaniwan sa isang maganda, mabisang tula ay ginagamitan ng
mga talinghaga o tayutay.

12
Isagawa
Maghanap ng mga akmang salitang matalinghaga na magkatugma na
may kaugnayan sa isang paksa. Pumili ng sariling paksa. Gamitin mo ang mga
salitang napili bilang huling salita sa taludtud ng isang taludturang tula.
Halimbawa: Paksa ; Bulaklak na Sampagita
Mga salita; bulaklak, busilak, halimuyak, galak, tiyak, gayak

Mula sa mga salitang napili, bumuo ng isang tanaga, isang saknong na tula na may
(7) pitong pantig sa bawat taludtod. Gamitin ang mga salitang napili upang gamiting
panghuling salita sa bawat taludtod upang ang tulang binuo ay may tugma.
Halimbawa:
Sampagita
Ang iyong halimuyak (7)
Ay nagbibigay galak (7)
Kulay mo ay busilak (7)
Sampagitang bulaklak (7)

Pagyamanin / Karagdagang Gawain


(Awtput para sa modyul na ito, ilagay sa bond paper)

Bumuo ng isang tula, tradisyunal man o malaya na may apat o higit na saknong o
taludturan at may paksa sa alinman nito;
Pag-ibig sa Bayan
Pag-ibig sa Kapwa
Pag-ibig sa Kalikasan

Tayahin

Sukatin Natin….
Piliin ang titik na may akmang salitang angkop sa patlang. Isulat ang sagot sa isang
buong papel, Lagyan ng ,”Panapos na Pagsusulit” Modyul 2 .5 -Tula Huwag
kalimutang isulat ang pangalan,pangkat at asignatura.
1. Elemento ng tula na nagsasaad sa bilang ng pantig ng bawat taludtod ay
_____________.

A. Diwa B. Sukat C. Tugma D. Aliw-iw

13
2. Pagkapare-pareho ng tunog sa dulo ng mga panghuling salita sa taludtod ng
tula ay______________.
A. Diwa B. Tugma C. Sukat D. Talinghaga
16
3. Uri ng tayutay na tila nakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala
naman ay _________________.
A. Pag-uyam C. Pagtawag
B. Pagtutulad D. Pagwawangis

4. Ang pagsusuri sa sukat ng tula ay naaayon sa_______________ .


A. titik C. pantig
B. saknong D. taludtod

Malalaking kahoy ang inihahandog


Pawang dalamhati’t kahapisa’t lungkot
Huni pa ng ibon ay nakalulunos
Sa lalong matimpi’t nagsasayang loob
Hango sa Florante at Laura
ni Francico Baltazar

5. Ang bawat taludtod ng tula sa itaas ay may _________pantig.


A. 8 B. 10 C. 12 D. 14

6. Ang bawat taludtod ay nagtatapos sa salitang ang huling pantig ay may tunog
na __________
A. Mahina C. malakas
B. May impit D. Walang impit

7. Ang tunog na l,m,n,ng,r,w,y ay mga tunog na mahina sa tugmaang____


A. katinig C. patinig
B. malapatinig D. ponemang patinig

8. Ang tayutay na ginamit sa taludturan ng tula sa itaas ay______________


A. pagtutulad C. pagwawangis
B. personipikasyon D. eksaherasyon

9. Ang salitang bago, tungo, dito ay mga salitang may tugmaang ________.
A. katinig na mahina C. katinig na malakas
B. patinig na may impit D. patinig na walang impit

10 Ang _____________ ay binubuo ng mga taludtod sa isang tula.


A. titik C. pantig
B. parirala D. taludtod

14

You might also like