You are on page 1of 4

FM-AA-CIA-15 Rev.

0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 111 Panulaang Filipino) Module No. 2

STUDY GUIDE FOR MODULE NO. 2

ARALIN 2
PAGPAPAHALAGA SA TULA

MODULE OVERVIEW

Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay


nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paghahanap ng
magkakatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng
isang manunulat. Bagama’t sa kasalukuyan ay unti-unti nang nawawala ang sukat at tugma ng
isang tula, lalo’t ang makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan.

MODULE LEARNING OBJECTIVES

Sa pagtatapos ng modyul na ito, nararapat na natamo mo ang mga sumusunod:


a. Nakikilala at nabibigyang halaga ang tula.

LEARNING CONTENTS (Katuturan at Depenisyon ng Tula,Uri, Elemento at Sangkap ng


Tula)

Katuturan at Depenisyon ng Tula

Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan: yaong sa manunulat, sa


guro at mag-aaral, bagama’t ang pinakadiwa nito ay iisa lamang.
Marami nang katuturang nabuo ang tula at ang ilan ay babanggitin dito. Ayon kay Julian Cruz
Balmaceda, “ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa
isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag na tula.”
Ayon kay Iñigo Ed Regalado, “ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan , at kabuuang
tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”
Ayon naman sa katuturan ni Fernando B. Monleon mula kay Lord Macaulay, “ang pagtula’y
paggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok, at pagtatanghal. Ang
kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining,
pagsama-samahin man ang mga iyon.”
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang katuturang ibingay ni Edith Sitwell na napili niya, ay
nagsasabing, “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.”

Katuturan at mga Depenisyon ng Tula at mga Elementong Taglay ng Tula ayon kay Connel:
 Tungkol sa damdamin
 Tungkol sa guni-guni
 Tungkol sa kaisipan
 Tungkol sa pananalita

Mga Uri ng Tula


Ang mga akdang patula ay may apat na uri: Tulang pasalaysay, tulang damdamin o liriko,
tulang dula o pantanghalan, at tulang patnigan.

1. Tulang pasalaysay – ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o


pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib
sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.
a. Epiko – mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa
mga kaaway. Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi kapani-paniwala.
b. Awit at Korido – mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 111 Panulaang Filipino) Module No. 2

tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa. Ang awit ay may
labindalawang pantig samantalang ang korido ay may wawaluhing pantig.
c. Balad – tulang inaawit habang may sumasayaw.
2. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin – nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni o
damdamin ng may-akda. Ito ay matatawag ding tula ng puso. Karaniwang maikli, likas at
madaling maunawaan ang mga ito.
a. Awiting bayan - ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa,
pangamba, kaligayahan at kalungkutan.
b. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.
c. Elehiya – ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng
panaghoy o panangis.
d. Oda – tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo
ng mga tao.
e. Dalit – tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.
f. Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
3. Tulang Dula o Pantanghalan – ito ay dulang isinusulat ng padula.
a. Komedya – ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga
tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.
b. Melodrama – ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-
siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
c. Trahedya - Ang sangkap ng uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa
pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
d. Parsa - isang uri ng dula na ang layunin ay magsiya sa pamamagitan ng mga
kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
e. Saynete – ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng
isang lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.
4. Tulang Patnigan - ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at
matalas na pag-iisip.
a. Karagatan – paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.
b. Duplo – paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa
bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila
nito.
c. Ensileda – isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa
namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ika-siyam na gabi.
d. Balagtasan – tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.

Kabuluhan ng Tula sa Tao at Lipunan


 Pundasyon ng pananampalataya
 Napapanatili ang kasaysayan
 Paraan para maisalaysay ang nararamdaman
 Isang paraan upang maibahagi ang buhay o karanasan
 Napapagana ang imahinasyon
 Minumulat ang bawat isa sa realidad
 Nakikita ang kagandahan sa maraming paraan
 Napapanatili ang kultura at nakagisnang tradisyon
 Isang uri ng komunikasyon at pagpapahayag.

Elemento ng Tula
1. Sukat
Sinusukat ang tula sa pamamagitan ng pagbibilang ng pantig. Ang pantig ay maririnig sa
bawat salitang binibigkas. Ito ang yunit ng bigkas ng pananalita, ayon sa UP Diksyonaryong
Filipino.
 Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 111 Panulaang Filipino) Module No. 2

 Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod o saknong


 Ang karaniwang ginagamit at labindalawa (12), labing-anim (16) at labing-walo (18)
 Ang mga sukat na labindalawahin at lalabingwaluhing pantig ay nagkakaroon ng hati o
cesura sa bawat ika-anim
 Ang lalabing-animin ay hinahati sa ikawalong pantig.
 Cesura- isang bahagyang pagtigil sa pagbasa o pagbigkas na hinihingi ng diwa ng isang
taludtod.

Mga Uri ng Sukat:


a. Wawaluhin
Isda ko sa Mariveles
nasa loob ang kaliskis
b. Lalabindalawahin
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni, sa hatol ay salat
c. lalabing-animin
sari-saring bungangkahoy, hinog na at matamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
d. lalabing-waluhin
Tumutubong mga palay, gulay at maraming mga mais
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy sa paligid
2. Tugma – ang tugma, ayon sa UP Diksyonaryong Filipino, ay pagkakatulad ng tunog sa huling
pantig ng dalawa o higit pang taludtod. Ang mga tradisyunal at katutubong tula sa Pilipinas ay may
tugma.

Mga Uri ng Tugma:

 Tugma sa patinig
 Tugma sa patinig na malumay at mabilis
Pag-ibig anakiy’ aking nakilala
Di dapat palakihin ang bata sa saya.
 Tugma sa patinig na malumi at maragsa
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
 Tugma sa katinig
 Unang lipon – b,k,d,g,p,s,t
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos palad
 Ikalawang lipon – l,m,n,ng,r,w,y
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matignan ang sikat ng araw.

3. Kariktan – tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na mga salita.

LEARNING ACTIVITY 2

Magsaliksik ng tatlong tula. Suriin ang mga nasaliksik na tula batay sa mga sumusunod na
katanungan:
1. Bakit ito ang naging pamagat ng tula?
2. Sino ang sumulat o makata sa likod ng tula?
3. Ano ang implikasyon nito sa iyong damdamin, guni-guni at kaisipan?
4. Anong uri ng tula ito napapabilang?
5. Makabuluhan ba ang tulang sinuri? Oo o hindi? Ipaliwanag ang kasagutan.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (FIL 111 Panulaang Filipino) Module No. 2

SUMMARY (PAGLALAGOM)

Ang mga tula ang maituturing na isa sa pinakamatandang anyong pampanitikan sa Pilipinas
at daigidg. Maituturing ang tula na pinakapersonal na anyo ng pagsusulat. Maaaring sumulat ng tula
pagkatapos mamangha sa ganda ng kapaligiran o ng tanawin kapag sumisikat ang araw. Ilan sa
mga paboritong tulaan ng mga makata ay ang bulaklak, dagat, papalubog na araw, mga bituin, at
ang buwan. Kapag may dinadalang may dinadalang emosyon ang isang manunulat, kadalasang
tula ang nagiging daluyan niya sa pagpapahayag.

REFERENCES

Lalic, Erlinda D. et al. Ang Ating Panitikang Filipino.Trinitas Publishing, Inc. Meycauayan Bulacan:
2004.

Santiago, Erlinda M. et al. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unald Pangkolehiyo. National


Book Store

Evasco, Eugene Y. Awtor Ako! Malikhaing Pagsulat, Malikhaing Kabataan. St. Matthew’s Publishing
Corporation. Quezon City: 2019.

https://teksbok.blogspot.com/2011/06/kasaysayan-ng- tulang-pilipino.html

http://aralinsafilipino.blogspot.com/2012/06/kaligirang- pangkasaysayan-ng-tula.html

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4

You might also like