You are on page 1of 2

FIL 101 (BSED-1B)

PANAYAM ACTIVITY

Name: Aira Mae M. Mambag

Date: October 31

Ano ang kahalagahan ng wika at mag bigay ng mga sitwasyon, okasyon , tradisyon at mga nakagawiang
pagdiriwang na nagbibigay-halaga sa wika na sumasailalim sa kultura at panahong kanyang
kinabibilangan.

• Ayon sa aking nakapanayam , ang wika para sa kanya ay masasabing natatangi , sapagkat nagkakaroon
ng isang lakas at isang tinig na umiiral sa apat na sulok ng aking nasasakupan. Para sa kanya ang wika ay
nagsisilbing tulay upang ang mga tao ay magkaintindihan at nagkakaroon ng maayos na pakikitungo sa
kapwa. Sa katunayan nga, tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ng Pilipinas ang kahalagahan ng wikang
Filipino sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa pag-unlad, ito ay isinasapuso at isinasabuhay dahil kung
wala ito , hindi ka magkaka-roon ng komunikasyon sa iba. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing
kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang
bansa . Isang mahalagang yaman ng isang bansa ang wika. Ito ang nagsisilbing salamin ng kultura,
kasaysayan, at pagpapahalaga ng isang bansa. Halimbawa , nasa isang okasyon kang may kasamang mga
ibang lahi , natural lamang na pakisamahan sila at intindihin ang kanilang mga sinasabi. Kung hindi mo
naman maintindihan ang kanilang sinasabi ay respetohin na lamang sila.

You might also like