Professional Documents
Culture Documents
Mambag, Aira Mae M. - Pagsusuri 1
Mambag, Aira Mae M. - Pagsusuri 1
BUOD NG KWENTO
Ang kwento ni mabuti ay isang maikling kwento tungkol sa guro at ina na
binansagan ng kanyang mga mag.aaral na Mabuti. Ang kwento ay
ikinikwento ng kanyang mag.aaral na si Fe na nakita niyang umiiyak sa
sulok ng silid-aklatan kung saan nag-usap sila tungkol sa problema ni Fe.
Nang tinanong na ni Fe ang problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti ang
problema dahil alam nya na hindi pa ito mauunawaan ni Fe.mayroong isang
anak na babae si mabuti kung saan may malaking pangarap siya para sa
anak. Gusto niyang maging mang-gagamot ang anak. Nagkuwento pa si
mabuti ng tungkol sa mga kaligayahan nya sa anak. Isang araw, nabalitaan
ni fe na namatay ang tatay ng anak ni mabuti. Ibinurol ito sa ibang bahay na
hindi tinitirhan ni mabuti at ng kanyang anak. Noon ay naunawaan ni Fe ang
lihim na kalungkutan ni mabuti.
ARAL NG KWENTO:
Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang malakas na tao.
Hindi ipinapakita ni mabuti sa iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto
niyang ang makita sa kanya ng iba o ng kanyang mga estudyante ay
kabutihan o pagiging positibo. Sa panahon ngayon, napakaramin problema
ang kinahaharap nating mga tao. Kakambal na yan ng buhay. Ang mga
mahihina ay malulungkot at mawawalan ng pag-asa. Ang iba nga ay
nagpapakamatay pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si mabuti na
malakas nyang nilabanan ang kalungkutan at mga problema nya sa buhay.
Hindi siya pinanghinaan ng loob. Bagkus patuloy siyang nagpapatuloy sa
buhay at nagagawa pa niyang mangarap ng mataas para sa kanyang anak.
Maiintindihan natin sa kwentong ito na hindi tayo dapat madaig ng mga
problema sa ating buhay. Tignan natin ang mundo bilang isang paraiso na
puno ng kagandahan at kabutihan.unawain natin na normal sa tao ang
kalungkutan at sa pagtanggap sa kalungkutang iyon ay makakamit natin ang
kaligayahan na matagal na nating inaasam.