You are on page 1of 5

CSTC COLLEGE OF SCIENCES, TECHNOLOGY AND COMMUNICATIONS, INC.

General Luna Street, Maharlika Hi-way, Poblacion 3 Arellano Subdivision, Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: (042) 329-0850 / (042) 719-2818
Atimonan Contact Number: (042) 717-1420
CSTC IT Center: (042) 719-2805

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION


MIDTERMS
MODYUL SA PAGKATUTO NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
I. ARALIN : 6
II. PAMAGAT NG ARALIN : PAGSULAT NG TULA
III. BUOD NG PANIMULA NG ARALIN : Sa araling ito, matututuhan ng mga mag-aaral ang pagsulat ng
isang tula maging ang mga uri at hakbangin nito.

IV. MGA LAYUNIN NG ARALIN : Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 natutukoy ang katuturan ng sanaysay, tula at kwento,
 nakagagawa ng maikling pagsulat kaugnay ng paksang
tinalakay, at
 nabibigyang-pagpapahalaga gamit ng sanaysay, tula at
kwento bilang isang paraan ng pagpapahayag.

V. SANGGUNIAN : Santos, Deogracia DC. Et.al., (2015). Masining na


pagpapahayag, (Filipino 3 para sa Kolehiyo).
Intramuros Manila, Philippines: Mindshapers Co., Inc.
Cantre, Merlinda C. (2013). Filipino 3: Ang Masining na
Pagpapahayag (Retorika). Cubao, Quezon City:
LORIMAR Publishing Inc.

PAGLALAHAD NG ARALIN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Bilang panimulang bahagi ng ating ikaanim na aralin, narito ang gawaing may kaugnayan sa ating
paksang tatalakayin.

sa akin!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan sa ibabang bahagi.

Kung susulat ka ng isang tula, anong pamagat nito at para kanino ito?

II. PAGTALAKAY SA NILALAMAN

TALATA VS. TULA

Bagaman may mga talata na kakikitaan ng metrical o mga sinukat na linya, hindi ito masasabing
tula hangga’t walang kaisipan, imahinatibong sining ng mga tunog, tayutay, madamdaming istraktura at sa
ilang pagkakataon ay pinaniniwalaang may mahalagang tungkuling ginagampanan, Anumang may SUKAT
at TUGMA na magagamit sa kabuuang epekto ng tunog na maaaring maganap sa bawat salita. Subalit
dapat tandaan na hindi naman palaging nangangahulugang may ritmo, sukat at tugma.

IBA’T IBANG ANYO NG TULA

1. Free Verse o Malayang Taludturan


Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng
sumusulat. Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya,

1|MANFIL 2: MASINING NA PAGPAPAHAYAG


maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Ngunit dapat manatili ang kariktan,
ito ay ang paggamit ng matatalinghagang pahayag
2. Tradisyunal na Tula
Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.
3. May sukat na walang tugma
4. Walang sukat na may tugma

MAY KATUTUBONG ANYO NG TULA

1. DIONA
Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong
taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

2. TANAGA
Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na
taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

3. DALIT
Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na
taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

ANG TUNGKOL SA PAGSULAT NG TULA

1. Bago sumulat ng tula, tiyakin na nauunawaan ang mga nais sabihin nito.
2. Isaalang-alang ang kabuuan bilang kabahagi ng tula
3. Bigyang-pansin ang detalye, tugma, sukat at simbolismo sa paglikha ng tula.

ILANG MGA MUNGKAHI SA KAHALAGAHAN NG PAGLIKHA NG TULA

1. Isulat ang tula ayon sa iyong sariling salita


2. Bigyang-kahulugan ang tula
- Mas makakabuti na ikaw mismo ay batid ang denotatibong kahulugan ng ginagawang tula. Ang
iyong pakahulugan ang siyang magiging batayan ng mga tunog, damdamin at mga larawan.
3. Suriin ang Tula
- Maingat na Tingnan ang mga indibiduwal na elemento nito tungo sa kabisaan nito: tema, tono,
istraktura, pangunahing layunin, ang ispiker at okasyon, gamit ng tayutay, gamit ng sukat at
tugma, at ang repetisyon.
4. Tasahin (Evaluate) (Tantiyahin ang tula)
- Tingnan kung saan mahina o bigo ang tula. Tandaan na ang paghusga ay nasa mambabasa.
5. Ihambing ang iyong Tula
- Maaaring Ihambing ang iyong tula sa iba pang tula.
6. Magbasa ng ibang Tula
- Maaaring makatulong ito sa pagpapaunlad ng iyong tula.
7. Magbasa ng Tula na may Kaparehong paksa

III. APLIKASYON
Ngayon ay tapos na ang ating talakayan, kung kaya’t susubukin na natin ang iyong natututuhan
ukol dito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod. Sundin lamang ang direksyon upang
magawa ng wasto ang gawing ito.
1. Umisip ng napapanahong paksa.
2. Bumuo ng isang tula ukol sa iyong napiling paksa.
3. Ang tula ay kinakailangang mayroong apat na saknong at sa bawat saknong ay mayroong apat
na linya.
4. Gawin ang iyong tula sa iyong NEO LMS, iwasan ang gumamit ng MS Word para hindi maging

2|MANFIL 2: MASINING NA PAGPAPAHAYAG


mahirap sa inyo ang pag-uupload nito.

KRAYTERYA PUNTOS
 Kariktan ng Tula (Paggamit ng matatalinghagang salita) 25
 Mensahe (Nilalaman) 50
 Kaisahan (Kaugnayan ng nilalaman sa Paksa) 10
 Pormat 15
KABUUAN 100

VI. PAGTATAYA

PAGPIPILIAN (20 Puntos)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod. Piliin ang kasagutan ng wastong sagot sa
bawat katanungan.

1. Alin sa sumusunod na anyo ng katutubong tula ang may pitong pantig sa bawat taludtod at
tatlong taludtod kada saknong na may iisang tugmaan?
a. Dalit
b. Diona
c. Haiku
d. Tanaga

2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang tungkol sa tula?


a. Bumuo ng isang tula ukol sa iyong napiling paksa.
b. Isaalang-alang ang kabuuan bilang kabahagi ng tula.
c. Bago sumulat ng tula, tiyakin na nauunawaan ang mga nais sabihin nito.
d. Bigyang-pansin ang detalye, tugma, sukat at simbolismo sa paglikha ng tula.

3. Sino sa sumusunod ang nagpakilala sa malayang Taludturan?


a. Alejandro A. Abadilla
b. Alejandro C. Abadilla
c. Alejandro G. Abadilla
d. Alejandro H. Abadilla

4. Alin sa sumusunod na anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan?
a. Malayang Taludturan
b. May sukat na walang Tugma
c. Tradisyunal na Tula
d. Walang sukat na may Tugma

5. Alin sa sumusunod na katutubong anyo ng tula na binubuo ang may walong pantig kada
taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan?
a. Dalit
b. Diona
c. Haiku
d. Tanaga

6. Alin sa sumusunod na mungkahi sa pagsulat ng tula ang tumutukoy sa pagbibigay-kahulugan


sa iyong tula na siyang magiging batayan ng mga tunog, damdamin at mga larawan.
a. Bigyang-kahulugan ang tula
b. Ihambing ang iyong Tula
c. Suriin ang Tula
d. Tasahin

7. Alin sa sumusunod ang unang mungkahi sa pagsulat ng isang tula?


a. Magbasa ng Tula na may Kaparehong paksa

3|MANFIL 2: MASINING NA PAGPAPAHAYAG


b. Isulat ang tula sa iyong sariling salita
c. Ihambing ang iyong tula
d. Magbasa ng ibang Tula

8. Alin sa sumusunod ang ikalimang mungkahi sa pagsulat ng isang tula?


a. Magbasa ng Tula na may Kaparehong paksa
b. Isulat ang tula sa iyong sariling salita
c. Ihambing ang iyong tula
d. Magbasa ng ibang Tula

9. Alin sa sumusunod ang huling mungkahi sa pagsulat ng isang tula?


a. Magbasa ng Tula na may Kaparehong paksa
b. Isulat ang tula sa iyong sariling salita
c. Ihambing ang iyong tula
d. Magbasa ng ibang Tula

10. Alin sa sumusunod ang ikaanim na mungkahi sa pagsulat ng isang tula?


a. Magbasa ng Tula na may Kaparehong paksa
b. Isulat ang tula sa iyong sariling salita
c. Ihambing ang iyong tula
d. Magbasa ng ibang Tula

INIHANDA NI:
RENZ E. EXCIJA, LPT
Propesor

4|MANFIL 2: MASINING NA PAGPAPAHAYAG


SINURI NI: NABATID NI:

JOHN MARC R. MENDOZA, MAEd, MLIS JESS JAY M. SAJISE, DBA


Program Head, School of Teacher Education Vice President of Academic Affairs External

5|MANFIL 2: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

You might also like