You are on page 1of 10

J.H.

CERILLES STATE COLLEGE


Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
Email add: jhcsc.main@yahoo.com
School of Teacher Education

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Pangalan ng Pano, Anjelly Grado/Asignatura: FILIPINO


Guro:

Kurso at Taon: BSED IV FILIPINO Blg. ng Talakayan: 1

Petsa: December 01,2022 Oras na Inilaan: Isang Oras

I. Kasanayan, at mga Layunin

KASANAYAN SA PAGKATUTO Nagagamit ang mga kumbensiyon sa pagsulat ng


awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga at iba
pa) F7WG-IIj-12

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag


aaral ay;

a. natutukoy ang sukat at tugma ng tula

b. nailalahad ang kahalagahan ng tula

c. nakabubuo ng isang maikling tulang may sukat


at tugma tungkol sa pag-ibig

II. Paksang Aralin


Paksa: Sukat at Tugma ng Tula

Sanggunian: Mudyol sa Filipino sa Baitang 7

III. Mga Kagamitan

Guro: Mag-aaral:

Laptop Papel at ballpen

Speaker

Telebisyon

Biswal na Kagamitan

Marker

Iba pang kagamitang may kaugnayan sa


paksa.

IV. Proseso ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panalangin

Inianyayahan ang lahat na tumayo para sa Mahal naming Diyos… Amen.


panalangin.

Bago kayo maupo ay magkakaroon muna tayo ng


TULA TSEK.

T-umingin sa paligid at kalat ay pulutin.

U-puan ay ihanay at ayusin.

L-aging isaisip at isa puso ang mga aral


namatututunan

A-lisin ang mga bagay na maaaringmakasagabal


sa pakikinig

Pagtala ng Liban
Tumingin, tumingin sa kanan, kaliwa Isipin, isipin
kung sino ang wala

Ngayon ay itaas ang kanang kamay kung ang


katabi ay nawawala. Wala po maam

Walang lumiban sa araw na ito?

Alituntunin Alituntunin

Mayroon tayong alituntunin sa loob ng ating 1.Umupo ng maayos.


klase upang maging maayos at
2.Kung gustong sumagot itaas ang
maganda ang daloy ng ating talakayan kanang kamay.

3.Makinig at makilahok sa talakayan.

Balik-aral
Ako po ma'am

Bago tayo dadako sa ating bagong paksa sa (sumagot ang mag-aaral)


araw na ito, sino sa inyo ang nakaalala sa
ating nakaraang talakayan?

Tama! ang ating nakaraang leksyon ay


tungkol sa Pagsulat ng Isang Editoryal na Wala na po maam
Nanghihikayat. Mayroon pa bang katanungan
para sa ating nakaraang leksyon?

A. Activity

• PAGGANYAK

Bago tayo dumako sa ating talakayan sa umagang


ito, may inihanda akong maikling gawain. May
ipapakita akong pinaghalong mga letra. Huhulaan
ninyo kung anong salita ito. Maliwanag ba? Opo ma'am
1. SKANNOG 1. SAKNONG

2. PGAIBGI 2. PAG-IBIG

3. TAULDTDO 3. TALUDTOD

4. KAITNIG 4. KATINIG

5. PAITNGI 5. PATINIG

B. Analysis

Ang aktibiti na inyong ginawa ay may


kaugnayan sa ating bagong paksang
tatalakayin sa umagang ito. Handa na ba
kayo? Opo ma'am

Magaling! Ang paksang tatalakayin sa


umagang ito ay tungkol sa Pagsulat ng
Editoryal na Nanghihikayat.Bago tayo dadako
sa ating talakayan, basahin muna ninyo ang
ating layunin sa umagang ito.
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag
aaral ay;

a. natutukoy ang sukat at tugma ng tula

b. nailalahad ang kahalagahan ng tula

c. nakabubuo ng isang maikling tulang may sukat


at tugma tungkol sa pag-ibig

Paglalahad

Ano ang Tula?

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na


naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod.

Tama! ng tula ay isang anyo ng panitikan na


nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay 1. Sukat - Isa sa mga mahahalagang elemento ng
binubuong mga saknong at ang mga saknong ay tula ang sukat. Ito ay tumutukoy sa bilang ng
binubuo ng mga taludtud.Ang tula ay pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang
pagpapahayag ng magagandang kaisipan at ng pantig sa isang tula ay labindalawa, labing-
pananalita sa pamamagitan ng mgataludtod. Ang anim at labinwalo.
kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na
taludturan o saknong.Ang tula ay nagpapahayag Halimbawa:
ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na or/ga/nong/ sa/ lo/ob ng/ i/ sang/ sim/ba/han
salita.
ay/na/na/na/la/ngin sa ka/ pig/ha/ti an

Ang awit na ito ay alay ko sa iyo=13


Mga Elemento ng Tula
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko=14
1. Sukat
Ika'y nagiisa Ikaw lang sa mundo=12
2. Tugma
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo =12
3. Talinghaga
Nangangahulugan na mayroong iba’t

ibang sukat ang bawat linya.

Ang unang halimbawa ay kakikitaan sa

bawat linyang iba’t ibang bilangng

pantig. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng


pantig ng bawat taludtod na bumubuosa isang
saknong at ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng
pagbasa

Mga Uri ng Sukat

1. wawaluhin

2. lalabindalawahin

3. lalabing-animin

4. Lalabing waluhin

2. Tugma - Isang mahalagang elementong


nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa isang
tulang may sukat at tugma ay ang pagkakaroon
ng magkakapareho o magkasintunog na
dalumpantig na tinatawag ng tugma. Ang tugma
ay mauri sa dalawa:

a. Tugmang di ganap

- may magkakaparehong patinig sa huling pantig


o dulumpantig subalit nagkakaiba ang huling
katinig sa bawat taludtod. (b,k,d,g,p,s,t)
(l,m,n,ng,r,w,y)

Halimbawa:

Pinipintuho kong bayan ay paalam,

Lupang iniirog ng sikat ng araw,

Mutyang mahalaga sa dagat Silangan,

Kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

b. Tugmang Ganap

- may magkakaparehong tunog ang huling pantig


o dulumpantig ng bawat taludtod.

Halimbawa:

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisa'y at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

C. Abstraction

Ngayong klas, batid kung nauunawaan ninyo


ng lubos ang ating talakayan kung kaya't may
ibibigay ako sa inyong aktibiti.

Gawain 1

Panuto: Ipapasa ang bola habang tumutugtog


ang kanta, kung sino man ang may hawak ng
bola sa paghinto ng kanta ang siyang sasagot
sa mga katanungang inihanda. Maliwanag
ba?

1. Ano ang kahalagahan ng Tula ?


Opo ma'am
2. Ano ang karaniwang bilang ng pantig sa (Sumagot ang mag-aaral)
isang tula?
Labindalawa, labing-anim at labinwalo
3. Ibigay ang dalawang uri ng Tugma

Tugmang di ganap at tugmang ganap

D.Application

Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat napangkat.


Ang bawat pangkat ay bubuo ngisang tradisyunal
na tula tungkol sa:

Pangkat 1: PAG-IBIG

Pangkat 2: PAMILYA

Pangkat 3: KAIBIGAN

Pangkat 4: EDUKASYON

Rubriks sa Pagbuo ng Gawain

Nilalaman -15

Kahusayan -15
Kaisahan-10

Kaasalan- 10

Kabuuan = 50

•PAGLALAHAT

Ano ang tula batay sa inyong sariling Ang tula ay isang anyo ng pampanitikang
pagpapakahulugan? nagbibigag diin sa ritmo, nagpapahayag ng
damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga
saknong at ang mga saknong ay binubuo ng
taludtod.

Ano ang kahalagahan ng isang Tula sa paglinang Mahalaga ang tula sa paglinang ng kultura at
ng kultura at panitikan ng isang bansa? panitikan ng isang bansa dahil nagbibigay nga ito
ng oagkakataon na maiugnay ang dating
kaalaman at karanasan sa kasalukuyan.
Lumilinang ito ng kakayahan na mag-isip, mag-
analisa at sumuring magbasa.

Mahalagang pag aralan ang tula sapagkat ito ay


malaking parte ng kultura ng ating bansa. Bukod
pa dito, isa rin ang tula sa mga sining na tanyag
ng maraming Pilipino. Nakakatulong din po ang
tula sa paglalabas ng ating emosyon lalo na sa
mga taong walang napagsasabihan ng kanilang
mga problema ,sining na tula ang kanilang
kinakapitan.

Batid kong marami kayong panibagong kaalaman


sa araw na ito. Tama ba? Opo maam

V. Ebalwasyon

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat sa


sagutang papel ang titik na nagtataglay ng
tamang sagot. 1.A

2.A
1. Anong anyo ng panitikan ang naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat. 3. B

a. Tula 4. B

b. Sukat 5. C

c. Tugma

d. Pagtutulad

2. Ano ang elementong tumutukoy sa bilang ng


pantig sa bawat talutod.

a. Sukat

b. Tugma

c. Pagtutulad

d. Metapora

3. Ano ang elementong nagbibigay ng higit na


rikit o ganda sa isang tulang may sukat at tugma
dahil sa pagkakaroon ng magkakasintunog na
dalumpantig.

a. Sukat

b. Tugma

c. Pagtutulad

d. Metapora

4. Bakit mahalagang pag-aralan ang tula?

a. Mahalagang pag-aralan ang tula upang may


magawa sa buhay.

b. Mahalagang pag aralan ang tula sapagkat ito ay


malaking parte ng kultura ng ating bansa at isa rin
ito sa mga sining na tanyag ng maraming Pilipino.

c. Mahalagang pag-aralan ang tula sapagkat ito


ang basehan sa paglabas ng poot at galit sa isang
tao.
d. Wala sa nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tula


tungkol sa pag-ibig?

a. Noli Me Tangere

b. Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan

c. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

d. Alamat ng Pinya

VI. Takdang Aralin

Magsaliksik ng iba pang elemento at anyo ng tula.

Inihanda ni:

Pano, Anjelly

BSED IV FILIPINO

You might also like