You are on page 1of 4

Banghay- Aralin

Filipino

Layunin:

 Malaman ang mga kahulugan ng mga salita sa talasalitaan.


 Maunawaan ang damdamin na ipinahahayag sa tulang binasa.
 Makagawa ng isang tula na mayroong kahit na tatlong saknong.

Paksang Aralin:
Tula at Elemento neto
Kagamitan:
Kagamitang Biswal at laptop
Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


 Panimula
I. Pagbati
 Magandang umaga!  Magandang umaga rin po naman!
II. Pagtatala ng liban
 Mayroon bang liban sa inyong klase  Wala po
ngayon?
III. Pagganyak
 Talasalitaan
 Ilagay ang mga salita sa katapat ng
tamang kahuligan nito.
IV. Pagtatalakay
 Nalalaman na ba ninyo ang ating  Ang atin pong paksa ngayong araw ay
paksang aralin ngayong araw? tungkol sat ula.
 Tama, ang paksa natin ngayong araw
ay tungkol sat ula.
o Magpapaskil ng isang tula

“Pagtatapat” ni Lope K. Santos

 Ilan daw ang sukat ng tula?  Ang tulang ito ay may


lalabindalawahing (12) sukat
 Nakuha ba ninyo kung sino ang
persona ng tula?  Isang taong nagpapakita ng matinding
pagmamahal sa kanyang iniirog kahit
anong mga pagsubok na dumarating
sa kanilang pagmamahalan ay kayang
kaya nila itong harapin. Isang taong
mapagmahal at matatag sa kanilang
pag- iibigan.
 Maaari ba kayong magbigay ng
talinhaga mula sa tula?  A. sa ulo mo’y ako ang buong masilid.
-iniisip o laman ng isipan
B. Ang labi ko’y syang lumasap ng tamis.
- humalik

V. Paglalahat
 Ano raw ang tula?
 Ang panulaan o tula ay isang uri ng
sining o panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba’t
ibang anyo at estilo. Pinagyayaman
ito sa pamamagitan ng paggamit ng
tayutay. Ang mga likhang panulaan ay
tinatawag na tula. Madaling makilala
ang isang tula sapagkat karaniwan
itong may batayan o pattern sa
pagbigkas ng mga huling salita.

 Binubuo ang tula ng saknong at


taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing anim, at
lalabing- waluhing pantig.
Matalinhaga at ginagamitan din ng
tayutay. May tugma at sukat. Kung
minsan ay maiksi o kaya naman ay
mahaba.

 Saknong_ isang grupo ng mga salita sa


 Ano- ano ang mga elemento ng tula? loob ng isang tula na may dalawa o
higit pang taludtod.
 Sukat- bilang ng pantig ng tula

 Tugma- pinag isang tunog sa hulihan


ng mga taludtod.

 Hindi buong rima(Assonace)- paraan


ng pagtutugma ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa patinig.
 Kaanyuan( Consonace)paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
 Nagpapaganda sa diwa ng tula ang
alin mang paraan ng pagtutugma:
o Mga salitang nagtatapos sa b,k,
d,g,p,t,s ay nagtutugma ang
dulumpatinig.
o Mga nagtatapos sa l,m,n,ng,w,r,y.
 Sining o kariktan- paggamit ng pili o
angkop at maririkit na salita.
Nagbibigay ng pangkalahatang
impresyon sa bumabasa.
 Talinhaga- tumutukoy sa paggamit ng
matatalinhagang salita at tayutay.
 Tayutay- paggamit ng pagwawangis,
pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
upang ilantad ang talinhaga sat ula.
 Anyo- porma ng tula.
 Tono/ indayog- diwa ng tula
 Persona- tumutukoy sa nagsasalita sat
ula:una, ikalawa o ikatlong panauhan.

VI. Pangkatang Gawain


 Bumuo ang inyong grupo o
pangkat ng isang tula tungkol
sa pag- ibig, kalikasan,
pagkakaibigan o pamilya.
Pumili lamang sa mga
nabanggit.
VII. Pagtataya
1. Isang grupo ng mga salita sa loob ng
isang tula na may dalawa o higit pang
taludtod.
2. Pinag- isang tunog sa hulihan ng mga
taludtod.
3. Tumutukoy sa paggamit ng
matatalinhagang salita at tayutay.
4. Paggamit ng pili o, angkop at marikit
na salita. Nagbibigay ng
pagkalahatang impresyon sa
numabasa.
5. Tumutukoy sa paggamit ng
matatalinhagang salita at tayutay.

VIII. Takdang aralin:


Magbasa ng isang tula at
ilahad ito kinaumagahan sa
klase.

Inihanda ni:
Mariel P. Marcelino

You might also like