You are on page 1of 21

Mga Elemento

ng Tula
Aralin 2.3 (Ikatlong Markahan)
• Alam mo ba na... ang tula ay isang paglikha.
Mula ito sa salitang Griyego na poiesis
(poem), na nangangahulugang “paglikha o
paggawa.”Ngunit kaiba sa mga pang araw-
araw na gawain na kailangang gampanan,
ang pagtula ay hindi lamang simpleng
paggawa, o pagtapos ng isang gawain. Dahil
ito ay malikhain, kailangan ang sapat na
panahon upang makapagnilay ang makata sa
paksang nais niyang tulaan.
• May magkakaiba itong epekto sa
mambabasa. Ganoon naman ang tula. Hindi
nito sasabihin sa iyo nang literal ang nais
sabihin, kailangang namnamin ang mga
salita, unawain ang mga kahulugan,
pakinggan ang boses, ritmo, at tunog, ang
kalabuan at pagpipigil ng mga salita, dahil
ang pag-unawa sa tula ay kailangan ng
atensiyon.
• Ilan sa mga tipikal na uri ng tula ay ang mga
sumusunod:
Tulang liriko – kadalasang maikli ang tulang liriko at
kapansin-pansin ang indayog ng mga salita sa bawat
linya na tila maaaring gamitan ng instrumentong
musikal at awitin; nagpapahayag din ng matinding
emosyon ang persona sa tulang ito.
• Ilan sa mga tipikal na uri ng tula ay ang mga
sumusunod:
Tulang naratibo – nagkukwento ng isang pangyayari
sa anyong patula; ang tulang naratibo bagama’t
nagsasalaysay ay maaari ding maging lirikal na tula.
• Ilan sa mga tipikal na uri ng tula ay ang mga
sumusunod:
Tulang naglalarawan – gumagamit ng detalyeng
imahen at paglalarawan sa daigdig ng persona at/o
makata; kaiba sa tulang liriko na mas pdersonal at
papaloob, ito naman ay mas papalabas na sensibilidad
ng persona at/o makata.
Mga
Elemento
ng Tula
1. Persona at Makata
ang persona at tinig ng nagsasalita sa tula,
samantalang ang makata ang nagsusulat ng
tula. Maaaring ang makata ang nagsasalita sa
isang tula o kaya ay gumagamit siya ng ibang
boses upang maging persona sa kaniyang
tula.
2. Sukat at Tugma
a. May iba’t ibang tawag sa pagsukat ng taludtod:

couplet (dalawahan) sextet (pituhan)


tercet (tatluhan) octava (waluhan)
quartain (apatan) soneto (labing-apat)
limerick (limahan)
sestet (animan)
b. Ilan sa mga tulang may sukat:
haiku (tatlong linya ng may 5-7-5 na pantig)
tanaga (apat na linya na may 8-8-8-8 na pantig)
tanka (limang linya na may 5-5-7-7-7 na pantig)
pasyon at korido (walong pantig sa mga taludtod)
villanelle (may labinsiyam na linyang nahahati sa limang tercet at
isang quatrain; may dalawang nauulit na tugma at dalawang nauulit
na linya)
soneto ( may labing-apat na linyang nakasulat sa iambic pentameter)
c. Tugmaan
ang pagkakahawig ng mga tunog sa dulo ng taludtod. Ito ang mga uri ng
tugmaan (Tiamson-Rubin, 2011):
• Magkakatugma: Mga salitang nagtatapos sa mga patinig na a, e, i, o, u.
Kailangang magkatugma ang bigkas kung ito ba ay malumanay at mabilis.
• Magkakatugma: Mga salitang nagtatapos sa mga katinig na: b, k, d, g, p, s,
t. Magkakatugma kung pinangungunahan ng iisang pantig.
• Magkakatugma: Mga salitang nagtatapos sa mga katinig na m, ng, n, w, l,
y, r.
d. Malayang Taludturan
Ito ay ang tawag sa isang tula na walang
sinusundang eksaktong sukat at tugma ngunit
gumagamit pa rin ng mga elemento ng isang
tula tulad ng tayutay, simbolismo, at mga
imahen.
3. Detonasyon at Konotasyon
• Detonatasyon – ay tawag sa literal na
pagpapakahulugan sa isang salita o
kahulugan na matatagpuan sa diksyonaryo.
• Konotasyon – ay matalinghaga at
masagisag na pagpapakahulugan sa isang
salita.
Ang mga Tayutay o
Talinhaga
ayon sa depinisyon ni Tiamson-Rubin (2001):
a. Pagtutulad – paggamit ng mga salita at pariralang
tulad ng, kattulad ng, para ng, kawangis ng, gaya ng, at
iba pa sa pagtutulad ng dalawang bagay na tila hindi
magkapareho.
Halimbawa:
• Katulad siya ng pusa namin na tulog at walang
pakialam!
• Ang pag-ibig ay paraang paghihintay sa bukang-
liwayway.
b. Pagwawangis – katulad din ito ng mga pagtutulad na
naghahambing ng dalawang bagay, ngunit hindi na
gumagamit ng mga nabanggit na parirala at salita dahil
ang inihahambing ay kabuuan na nito.
Halimbawa:
• Ang lingsod ay isang malaking gubat.
• Langit ang nararamdaman niya nang makita ang inang
OFW.
c. Personipikasyon – binibigyan ang mga walang-buhay
na bagay ng mga katangian na parang sa mga tao na para
bang ang mga ito ay nakakaramdam din.
Halimbawa:
• Sumabay sa pag-iyak ang langit nang mabalitaan
niyang sumakabilang-buhay na ang kaniyang lolo.
• Nagsisipagsayaw ang mga dahon ng mangga sa tapat
ng aking bintana.
d. Pagmamalabis – ginagamit sa pagpapahayag ng
matinding damdamin o pagpapasobra sa emosyon o
mensahe na tila imposible namang mangyari sa literal
nitong mensahe.
Halimbawa:
• Mata lang ang walang latay.
• Dadaan ka muna sa butas ng karayom bago ka
matanggap sa trabaho.
e. Aliterasyon – pag-uulit ng magkakatulad na mga
tunog ng katinig sa magkakasunod na salita.
Halimbawa:
• Palakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-kalabukab pa
lamang, kumakalabukab na naman.
• Pitongpu’t pitong butong puting patani.
f. Onomatopeya – paghihimig lo paggamit ng mga
salitang-tunog o salitang ang kahulugan ay ang
tunog nito.
Halimbawa:
• Tok-tok-tok, plok! Langitngit, tikatik, lagaslas,
lagundong, twit-twit, ngiyaw, potpot.
4. Kariktan
• Sa elementong ito makikita ang kayang sabihin ng isang tula
anuman ang haba o ikli nito- ang paggamit ng mga metapora at
simbolismo, ang mga salita na hindi lang tungkol sa gramatika
kundi sa paghahalo rin ng mga tunog at ritmo. Sa paglalarawan sa
imahen, inilalarawan din ang nakatagong metapora nito, na
magpapatawid ng mensahe sa mambabasa- sa kung ano ang nais
sabihin ng tula sa kondisyon ng tao, habang ninanamnam ang
kariktan nito. Ito ang kabuuang damdamin na kailangang ibigay
ng isang tula.

You might also like