You are on page 1of 41

ARALIN 3

Tula mula sa Inglatera

Bb. Julia Rose B. Espiritu


Panitikan ng Inglatera
• Elizabeth Barret
Browning: tanyag na
manunulat ng tula mula
sa Inglatera
Tula
 Isang anyo ng panitikan na may
matalinghagang pagpapahayag ng
isipan at damdamin.
 Ito’y maihahalintulad sa isang awit.
 Mababasa sa mga tula ang mga
kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Mga
Elemento
ng Tula
01

Sukat
Tumutukoy ito sa bilang
ng pantig sa bawat
taludtod ng isang tula.
Dalawang Uri ng Sukat

Gansal Pares
 Ito ang tawag sa mga  Ito naman ang
tulang may sukat na 5 o 7
pantig sa bawat taludtod. mga tulang
 Karaniwan itong nakikita
sa mga haiku at tanka, na
may
may tulang impluwensiya panukatang 6,
ng mga Hapon.
 Karaniwan din itong 8, 12, 16, 18, 0
nakikita sa tanaga, na 24.
isang katutubong tula.
02

Tugma
Tinutukoy ng tugma ang
pagkakatulad ng tunog sa mga
dulong salita sa huling pantig ng
bawat taludtod.
Dalawang Uri ng Tugma

Tugmaang Pantig o Tugmaang Katinig o


Ganap Di-Ganap
 Sa uri ng tugmaang ito, nagtatapos
Sa uri ng tugmaang ito, sa katinig ang huling pantig ng
dulong salita sa bawat taludtod.
nagtatapos sa patinig  Dalawang pangkat:
ang huling pantig ng - tugmaang may malakas na
tunog: dulong pantig na
dulong salita sa bawat nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t
taludtod. - tugmaang may mahihinang
tunog: dulong pantig na
nagtatapos sa l, m, n, ng, r, w, y
03 Taludtod
at
Saknong
Taludtod at Saknong

Taludtod Saknong
Tinatawag na saknong
Tinatawag na naman kapag
taludtod o linya ang pinagsama-sama ang
pagsasama-sama ng mga taludtod.
mga salita. Katumbas nito ang
talata.
04
Karikta
n
Ang iginaganda ng isang tula
ay batay sa paraan ng
pagpapahayag ng may-akda.
05

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng
mga salitang may nakakubli o
nakatagong kahulugan, na
mauuri bilang mga idyoma o
tayutay.
06
Tono o
Damdamin
Tono o Damdamin

Tono Damdamin
Ito ay tumutukoy sa
Ito ay tumutukoy sa saloobing nalilikha
saloobin ng may- ng mambabasa sa
akda sa paksang kaniyang
kaniyang isinulat. binabasang tula o
teksto.
07 Imahe o
Larawang-
Diwa
Ito ang mga nabubuong imahe o
paglalarawan sa isipan ng mambabasa
dahil sa mahusay na paggamit ng mga
salita at paglalarawan ng may-akda sa
kanyang tula.
08

Persona
Tumutukoy ito sa taong nagsasalaysay sa
tula, bagamat hindi palaging
nangangahulugan na ito ang may-akda.
Maaaring ito ay nasa una, ikalawa at
ikatlong panauhan.
Ang Aking Pag-ibig
• Elizabeth Barret Browning –
“How Do I Love Thee”
• Isinalin ni Alfonso O.
Santiago
• Soneto: uri ng tulang liriko
: nagtataglay ng
labing-apat na
taludtod o higit pa
Ang
Aking
Pag-ibig
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan.
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Interpretasyon:
Ang patanong na pagsasalaysay ng Umiibig
kung sa paanong paraan niya minahal ang
kanyang Iniibig.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang
kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Interpretasyon:
Unang Paraan: Ang pag-ibig ng Umiibig sa
kanyang Iniibig ay hindi maihahalintulad
sa kahit anong bagay.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Interpretasyon:
Ikalawang Paraan: Minamahal ng Umiibig
ang kanyang Iniibig dahil minahal din ito
ng pabalik.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Interpretasyon:
Ikatlong Paraan: Ang pagmamahal ng
Umiibig sa kanyang Iniibig ay matibay, ay
hindi matitibag ng sino man.
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin.
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Interpretasyon:
Ikaapat Paraan: Ang pagmamahal ng
Umiibig sa kanyang Iniibig ay malalim na
hindi maiintindihan o mauunawaan ng
kahit na sino.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang
nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Interpretasyon:
Ikalimang Paraan: Ang pagmamahal ng
Umiibig sa kanyang Iniibig ay tapat at
totoo.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
Interpretasyon:
Ikaanim na Paraan: Minamahal ng Umiibig ang
kanyang Iniibig ng buong-buo, kasama ang buong
pagkatao nito, na hanggang sa kamatayan
patuloy niyang iibigin ang kanyang sinisinta.
ARALIN 3
Matatalinghang Salita
Bb. Julia Rose B. Espiritu
A. Idyoma
Ang mga idyoma o idyomatikong pahayag ay lipon ng mga salitang
nakatago o nakakubling kahulugan, at nauunawaan ng partikular na
grupo ng mga tao ang kahulugan nito kapag ginagamit sa konteksto.

Halimbawa:
• Masasabi nating mabigat ang bulsa ang pagkakaroon ng
napakaraming anak.
[Ibig sabihin, mahirap tustusan ang maraming anak.]
A. Idyoma
Heto ang ilang pinakagamiting idyoma at kahulugan nito:

Idyoma Kahulugan

1. nagmumurang-kamatis may edad na umaastang bata pa

2. may gatas pa sa labi bata pa;

3.. bahag na buntot duwag

4. ilaw at haligi ng tahanan ina at ama

5. balat-sibuyas maramdamin; madaling magtampo

6. kamay na bakal mahigpit na pamamahala o pamamalakad

7. di-mahulugang karayom maraming tao

8. nagsusunog ng kilay nag-aaral ng mabuti

9. ginintuang puso mabuting kalooban

10. balat-kalabaw matigas ang balat


B. Tayutay
Ang tayutay o figure of speech ay mga anyo ng paglalarawang-diwa na
iba sa karaniwang paraan ng paglalarawan dahil ang kahulugan nito ay
makikita sa isang malalim na pag-iisip o pag-unawa.
1. Pagtutulad o Simili

Ito ay paghahambing o pagtutulad ng


dalawang tao, bagay, o pangyayari na
gumagamit ng mga salitang panghambing:
gaya ng, tulad ng, parang, tila, mistula,
waring, paris, kapara, anaki, animo, at
marami pang iba.

Halimbawa:
• Ang pag-ibig niya ay sinlalim ng dagat.
• Sa katuwaan ay para siyang isang batang
tumanggap ng kendi.
2. Pagwawamgis o Metapora
Ito ay tiyakin o tuwirang paghahambing ng tao,
bagay, o pangyayari na di-gumagamit ng mga
salitang panghambing.

Halimbawa:
• Ang buhay ay guryon, marupok, malikot.
• Isa siyang maamong tupa sa harap ng kaniyang
ama.
3. Pagtatao o Personipikasyon
Ito ay ang pagbibigay-buhay o paglalapat ng katangian ng
isang tao sa isang bagay na walang buhay.

Halimbawa:
• Lumuluha na naman ang langit.
• Sumasayaw ang mga puno sa pag-awit ng hangin.
4. Pagmamalabis o Hyperbole

Ito ay ang malabis o eksaheradong paglalarawan sa isang


tao, bagay, o pangyayari.

Halimbawa:
• Bumaha ng luha nang ilibing ang bayaning iskawt.
• Nawasak ang aking puso nang ako ay kaniyang
iniwan.
5. Pagpapalit-Saklaw o Synecdoche

Ito ay ang pagbanggit ng isang bahagi ng isang bagay para


kumatawan sa kabuuan nito.

Halimbawa:
• Kitang-kita ng mga mata ni Sedes ang mga pangyayari.
• Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa.
6. Pagpapalit-tawag o Metonymy
Ito ay ang pagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na
tinutukoy, na maaaring:

a. paggamit ng sagisag
Halimbawa:
• Magmamana ng korona ng kaharian ang prinsipe.

b. paggamit sa lalagyan para sa bagay na inilalagay


Halimbawa:
• Nakatatlong pinggan ako sa piging kanina.
7. Pagtawag o Apostrophe
Ito ay ang pakikipag-usap sa isang bagay na karaniwang may
buhay o wala na tila kaharap lamang.

Halimbawa:
• Pag-asa! Pag-asa! Magpakita ka sa akin.
• Mahiganting Langit! Ibagsak ang bangis sa sangkatauhang
malupit.
8. Paghihimig o Onomatopoeia
Ito ay gumagamit ng tunog o himig ng salita upang
magpahiwatig ng kahulugan.

Halimbawa:
• “Tik! Tak! Tik! Tak!” sabi ng orasan.
• Umaalingawngaw sa buong pasilyo ang kaniyang
halakhak.
9. Pag-uulit o Aliterasyon
Ito ay gumagamit ng magkakatulad na letra o pantig sa simula
ng dalawa o higit pang salita sa taludtod o pangungusap.

Halimbawa:
• “Kasal, Kasali, Kasalo” ang unang pelikulang nagkasama
sila bilang mag-asawa.
• Ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang
mapatid.
10. Tanong Retorika

Ito ay ang makahulugang pagtatanong ngunit hindi


naghahangad ng sagot.

Halimbawa:
• Pag-ibig? Totoo ka ba?
• Nasaan ka, Hustisya?
Gawain 3
• Sumulat ng isang tulang may paksang pag-
ibig.
• Gumamit ng matalinghagang mga salita
upang maipahayag ng masining ang iyong
tula.
• Lumikha ng isang tula na nagtataglay ng
mga sumusunod:
- apat na saknong
- apat na taludtod sa bawat saknong
- labindalawang pantig sa bawat taludtod
Maraming salamat
sa pakikinig at
partisipasyon!

You might also like