You are on page 1of 39

Child

Labor
Isla ng
Caribbean
Pinagmulan ng Caribbean

Arawaks
Ciboney
Caribs
Pinagmulan ng Caribbean

Christopher Columbus
Isang Dagli mula sa rehiyon ng isa sa mga
Isla ng Caribbean

“Ako po’y pitong


taong gulang”
Ano ang Dagli?
Ito ay espesyal na anyo ng
Panitikang Filipino na
tumatalakay sa iba’t-ibang
paksa sa buhay ng isang tao.
Ano ang Dagli?
Ang kaibahan nito sa iba pang
mga Akdang Pampanitikan gaya
ng mga Alamat, Pabula, at iba
pa, ay sadyang maikli ito kumpara
sa iba.
Ano ang Dagli?
Ang karaniwang bilang
lamang nito ay nasa isang
daang salita o kaya naman ay
aabot hanggang apat na
raang salita lamang.
Pinagmulan ng DAGLI
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino,
sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot
ang dagli noong 1902 kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang Muling
Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K.
Santos at nagpatuloy hanggang 1930.
Kilalang Manunulat ng Dagli

Iῆigo Ed.
Regalado
Kilalang Manunulat ng Dagli

Jose
Corazon
De Jesus
Kilalang Manunulat ng Dagli

Rosauro
Almario
Kilalang Manunulat ng Dagli

Patricio
Mariano
Kilalang Manunulat ng Dagli

Francisco
Laksamana
Kilalang Manunulat ng Dagli

Lope K.
Santos
Panonood ng Ako po’y
pitong taong gulang

AkoPoyPitongTaongGulang.mp4
Character in the Mirror
Character in the Mirror
Ipahayag ang iba’t ibang damdaming
nakapaloob sa binasang dagli sa
pamamagitan ng Character in the Mirror. Ang
character in the mirror ay nahahawig sa
monologo at pagsasatao. Sa paraang ito ay
ipahahayag mo ang damdamin ng tauhan na
tila kinakausap ang iyong sarili sa salamin.
Ako po’y pitong taong gulang
Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at
nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako
po’y pitong taong gulang. Noon po’y
ibinigay ako ng aking mahihirap na
magulang sa isang mayamang pamilya na
nakatira sa lungsod.
Ako po’y pitong taong gulang

Ngayon pong araw na ito, gaya ng


ginagawa ko araw-araw,
gumigising po ako ng alas singko
ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa
isang balon na malapit sa amin.
Ako po’y pitong taong gulang

Napakahirap pong balansehin ang


mabibigat na banga sa aking ulo.
Pagkatapos po ay naghanda na
ako ng almusal at inihain ko po iyon
sa pamilyang pinaglilingkuran.
Ako po’y pitong taong gulang

Medyo nahuli nga po akong


ng paghahain ng almusal,
kaya pinalo po ako ng aking
amo ng sinturon.
Ako po’y pitong taong gulang
Pagkatapos po ay inihatid ko sa
paaralan ang kanilang limang
taong gulang na anak na lalaki.
Sumunod po, tumutulong ako sa
paghahanda at paghahain ng
tanghalian ng pamilya.
Ako po’y pitong taong gulang
Kung hindi pa po oras ng pagkain,
kailangan ko pong mamili ng pagkain sa
palengke at gawin ang mga utos nila,
asikasuhin ang apuyan, walisan ang
bakuran, labhan ang mga damit at
hugasan ang pinagkainan at linisin ang
kusina.
Ako po’y pitong taong gulang
Kung hindi pa po oras ng pagkain,
kailangan ko pong mamili ng pagkain sa
palengke at gawin ang mga utos nila,
asikasuhin ang apuyan, walisan ang
bakuran, labhan ang mga damit at
hugasan ang pinagkainan at linisin ang
kusina.
Ako po’y pitong taong gulang
Hinihugasan ko rin po ang mga
paa ng aking among babae. Galit
na galit po siya ngayong araw na
ito at sinampal po niya ako dahil sa
galit. Sana’y hindi na po siya galit
bukas.
Ako po’y pitong taong gulang
Ipinakain po sa akin ang
kanilang natirang pagkain, mas
mabuti naman po ito kaysa
giniling na mais na kinain ko po
kahapon.
Ako po’y pitong taong gulang

Gula-gulanit po ang aking damit at


wala akong sapatos. Hindi po ako
kailanman pinayagan ng aking
mga amo na ipaligo ang tubig na
iniigib ko para sa pamilya.
Ako po’y pitong taong gulang
Kagabi po ay sa labas ako natulog,
kung minsan po ay pinatutulog nila ako
sa sahig sa loob ng bahay.
Nakalulungkot pong isipin na hindi ako
ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila
kasi akong payagang mag-aral.
Ako po’y pitong taong gulang

Maging maayos po sana


ang araw ninyo. Amelia
- Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. 2011. Lorimar Publication
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Mga Salitang
Nagpapahayag ng
Pangyayari at Sariling
Damdamin
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Ang mga salitang may


salungguhit sa binasang teksto
ay salitang ay nagpapahayag
ng damdamin ng tao ayon sa
iba’t ibang sitwasyon.
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Nakatutulong ang mga


salitang ito upang malinaw
na mailarawan ang
nadarama ng tao.
Naririto pa ang ibang halimbawa na
ginamit na salita na nagpapahayag ng
damdamin sa dagli na iyong binasa:

galit na galit
galit
nakakalungkot
Tingnan naman natin ang mga salitang
noon
sumunod
ngayon pong araw na ito
kagabi po
pagkatapos po
Kung minsan po
Ang mga salitang nabanggit ay
ginagamit sa pagsasalaysay ng
mga pangyayari. Ang mga salitang
ito ay mga palatandaan na ang
nagsasalita ay nagsasalaysay ng
mga pangyayari na maaaring
batay sa karanasan, nasaksihan o
napanood.
PANGKATANG GAWAIN

Magkakaroon ng bunutan ang


bawat pangkat kung anong
gawain ang maiaatang sa kanila.
Bibigyan sila ng 10 minuto upang
tapusin ang gawain. At limang
minuto para i-report ito sa harap.

You might also like