You are on page 1of 3

Aralin 1: Mitolohiya

Mitolohiya - Isang tradisiyonal na salaysay na isinilang mula sa sinampupunan ng kultura ng


tradisiyonal oral. Ang mitolohiya ay isang natatangiang kuwento na kadalasang tumatalakay
sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga
tao.

Ang pagsusuri ay isang kasanayan na siyang nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang


sining. Sa panunuri ng isang akdang pampanitikan.

Dapat tandaan sa panunuri ng Mitolohiya:


- Tauhan: Ito ay kadalasang mga diyos at diyosa na kinikilaalata sa sinasamba ng mga
tao.
- Tagpuan: Ilarawan ang lugar batay sa pisikal na anyo nito, mga kilos at gawi ng mga
tao.
- Banghay: Mga tuon o plot sa story.
- Tema: Suriin kung ano ang tema ng binasang mitolohiya batay sa naging tuon nito.

Aralin 2: Pokus ng Pandiwa

Pokus sa Tagaganap: (Sino) Sa aktor-pokus, ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos
sa pangungusap. Panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki-, o magpa-.

Halimbawa:
- Umibig si Samson kay Delilah.
- Sila ay naglakbay buong araw.

Pokus sa Layong: (Ano) Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang
paksa o ang binibigayang-diin sa pangungusap. Ginagamitan ito ng mga panlaping -in-, -i-,
-ipa-, ma-, na-, o -an.

Halimbawa:
- Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.
- Isinakay ni Thor sa karwahe ang kaniyang kambing.

Pokus sa Kaganapan: (Saan) Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay
ang lugar o ganapan ng kilos. Ginagamitan ito ng mga panlaping pag-/-an, -an/-han,
ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an, pinag/an, o in/an.

Halimbawa:
- Pinagdausan ng kasal ang lumang simbahan.
- Pinagtaniman ni Jerry ang bukid ng kanyang tatay.

Aralin 3: Tula

Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinago sa guni-guni,


pinararating sa ating damdamin, at ipinahayag sa panilitang may angking aliw-liw.
1. Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig (syllable) ng bawat taludtod (verse) na
bumubuo sa isang saknong (stanza). Pantig - Ito ay tumutukoy sa paraan ng
pagbasa. Halimbawa: Isda: Is-da (dalawang pantig)
Mga Uri ng Sukat at mga Halimbawa:
1. Wawaluhin: Isda ko sa Mariveles. (8 na pantig)
2. Lalabindalawahin: Sa bait at muni, sa hatol ay sulat. (12 na pantig)
3. Lalabing-animin: Ang naroon sa loobang may bakod pagpaligid. (16 na
pantig)
4. Lalabingwaluhin: Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy sa malabay.
(18 na pantig)

2. Saknong (stanza) - ay isang grupo sa loob ng isang tula na dalawa o maraming


linya (taludtod).

3. Tugma (Rhyming words) - hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.


Mga Uri ng Tugma:
- Tugma sa patinig (Ganap): ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit
na tunog at sa gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling
pantig ng mga taludtod ng tula. (a, e, i, o, u)
Halimbawa: Mahirap sumaya, ang taong mga sala.
- Tugma sa Katinig (Di-Ganap): Ito ay binubuo ng dalawampu't dalawang
katinig.
a. Unang lipon - b, k, d, g, p, s, t
b. Ikalawang lipon - l, m, n, ng, r, w, y,
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-parehong ang patinig sa loob sa isang
saknong o dalawang magsunod sa salita:
Halimbawa:
a a a

a a b

a b b

a b a

4. Kariktan (beauty) - kailangang mataglay ang tula ng maririkit na salita upang


masiyahan ang mambasan.

5. Talinghaga (figures of speech) - magandang basahin ang tulang di-tiyakin tumukoy


sa bagay na binabanggit.

Anyo ng Tula
1. Malayang Taludturan (Free verse) - Sa malayang taludturan, karaniwang hinahayaan
ng makata na dumaloy ang diwa mula sa isang taludtod patungo sa kasunod na
taludtod upang mabuo ito.
2. Tradisyonal na Tula - May sukat, tugma at mga salita na malalim na kahulugan.
3. May sukat na walang Tugma
4. Walang sukat na may Tugma

Mga Katutubong Tula:


- Diona: Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada
taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may sahang.
- Tanaga: Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig
kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.
- Dalit: Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada
taludtod, apat na taludtod kada saknong at may sahang tugmaan.

IGNORE THIS! ERASE IF YOU HAVE TO


EXTRA LESSONS: The stories are in the book. Thor at Loki, the little 7 year old girl from
caribbean and the love poem thing

You might also like