You are on page 1of 6

PANAHON NG HAPON

• Gintong Panahon ng Panitikang Filipino


• Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika.
• Ipinagbawal ang wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa.
• Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles
upang masigurong hindi mababahiran ng kanlurang
ideya ang panitikan sa Pilipinas.
DULA
• Sa pagbabawal ng mga Hapon ng mga pelikulang Ingles,
tanging mga lumang pelikulang Tagalog lamang ang paulit-
ulit na ipinapalabas at ilang pelikulang Hapon.
• Nanamlay ang dula noong panahon ng Hapon dahil
ipinasara karamihan ng sinehan na nagpapalabas ng
pelikulang Amerikano.
• Ang dulang tagalog ay nagtangkang bumangon upang
magbigay ng kaunting aliw sa mga mamamayan.
• Ang okupasyong ito ng mga Hapon ay nagbunsod sa
masiglang panahon ng Tanghalang Pilipino. Marami sa mga
dulang ito ay reproduksyon lamang ng mga dulang
nasusulat sa Ingles at isinalin lamang sa Tagalog.
DULA
• Kombinasyon ng mga pagpapatawa, musika, mga sayaw at
dula
• Nagsilbing hanapbuhay para sa mga artista ng tanghalan na
nawalan ng hanapbuhay nang lumaganap ang pelikulang
Amerikano
• Pang – aliw sa publiko upang maibsan ang tensyon na dulot
ng digmaan
• Naging lunsaran din ito ng mga adhikaing pangmakabayan.
Sinasabing naglalaman diumano ito ng mga nakatagong
mensahe ng panghihikayat sa mga Pilipino upang makiisa sa
pinaglalaban ng mga kapwa Pilipinong ayaw sa mga Hapon
(HUKBALAHAP) noong panahong iyon
• Ang mga lugar na Life, Avenue, Manila Grand Opera House at
Metropolitan Theatre ay kabilang sa mga naging tanghalan ng
dula sa Pilipinas
MGA TAGAPAGSALIN
1. Francisco Soc Rodrigo (January 29, 1914 – January 4, 1998)
• Sa Pula, Sa Puti (BUOD)
2. Julian Cruz Balmaceda (January 28, 1885 – September 18,
1947)
• Dahil Sa Anak (BUOD), Sino ba kayo?, Higante ng Patay
3. Jose Ma. Hernandez (December 18, 1959 – February 14,
2015)
• Panday Pira
4. Clodualdo del Mundo (September 11, 1911 – October 5,
1977)
• Bulaga
MGA TAGAPAGSALIN

Ang mga tagapagsalin na sina: Francisco Soc


Rodrigo, Alberto Concio, at Narciso Pimentel
ay nagtayo ng samahan ng mga Pilipinong
Mandudula na Dramatic Philippines.

You might also like