Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
a. natututukoy ang pang-abay sa isang pangungusap;
b. nagagamit ang pang-abay upang makabuo ng pangngusap; at
c. nauuri ang pang-abay
c. Kagamitan:, flash card ng mga bugtong, mga bagay, kahon, larawan ng isang
pamayanan, tourist spot, pista, activity card
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Balik-aral
Ipapasa ng mga mag-aaral ang isang kahon na naglalaman ng mga bagay. Gagamit
sila ng angkop na pang-uri upang ilarawan ang bagay na kanilang nabunot. Maaaring
ipahula ang bagay na nabunot sa mga kaklase.
b. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
· Itanong :
Ø Sino sa klase ang may alam kung ano ang bugtong? Sinu-sino ang mahilig sa
bugtong?
Ø Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino? Bakit?
· Sagutin ang mga sumusunod na bugtong:
a. Nagsaing si Insiong, sa ilalim ng gatong. (Kinakain ito, lalong masarap kung may
tsaa)
b. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. (Dito nagmumula ang iyong
sinasabi)
c. Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya. ( isang sasakyan ito sa
tubig)
d. Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw. (pinatutugtog ito sa simbahan tuwing
umaga)
e. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap. ( isinasabit ito tuwing pasko o
di kaya ay kung malapit na ang pasko)
2. Paglalahad
Itanong:
Sa unang bugtong, saan daw nagsaing si Insiong?
Sa ikatlong bugtong, papano lumakad ang tinutukoy na bagay?
Sa ikalimang bugtong,kailan naman kumikislap ang bituing buto’t balat?
Pangkatang Gawain:
Bumuo ng 3 grupo. Bawat pangkat ay bibigyan ng Folder. Bibigyan ng guro ang bawat
grupo ng oras upang matapos ng grupo ang lahat ng kailangang sagutin sa Activity
Card. Kapag natapos ang mga Gawain sa Activity Card, ipapasa ito sa kabilang grupo
at gagawin naman ang panibagong Activity Card na naipasa sa sariling grupo.
Kailangang masagutan ang 3 Activity Card na ibibibgay sa inyo. Maghandang ibahagi
ang inyong gawa sa klase.
Activity Card 1
Pang-abay na Pamaraaan
Pansinin at suriin ang mga pangungusap:
Magaling sumayaw ng Tinikling si Ana
Matulin tumakbo ang kabayo ni Mang Ben.
Nagdasal nang taimtim si Janna.
Activity Card 2
Pang-abay na Pamanahon
Activity Card 3
Pang-abay na panlunan
1. Paglalapat
Magpangkat-pangkat. Batay sa larawang hawak, gumawa ng 3 pangungusap na may
pang-abay. Maari itong may pang-abay na pamaraan, panlunan o pamanahon.
Salungguhitan ang pang-abay at bilugan ang salitang inilalarawan ng pang-abay.
2. Paglalagom
Ano ang pang-abay?
Anu-ano ang uri ng pang-abay?
IV. Pagtataya
A. Salungguhitan ang pang-abay sa bawat pangungusap.
1. Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay.
2. Babalik na sila sa isang lingo.
3. Magkikita kami ng aking pinsan sa restoran.
4. Masayang ikinuwento ni Lisa ang kanyang mga naging karanasan.
5. Tahimik naman akong nakining sa kanyang mga kwento.
B. Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan,
pamanahon o panlunan.
1. Maagang pumasok si Noel.
2. Sinagot nang mabilis ni Jessie ang bugtong ng guro.
3. Tuwing hapon, naglalaro ng bugtungan ang mga magkakaibigan.
4. Dadalaw kami sa bahay nina Lola Nena.
5. Masayang nagbugtungan ang mga magkakaklase.
V. Kasunduan
Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad ng
pasko, pista, kaarawan at iba pa. Gumamit ng mga pang-abay sa pagsasalaysay.
Sanggunian: (https://www.academia.edu/31315867/Pang-abay_na_banghay_aralin)