You are on page 1of 6

SAYANG LANG TO SA PAGE

WAG MO PRINT TONG PAGE NA TO HAHAHAHA


Hi Alaine. Labyu. Lagay mo lang sa pigeon hole ni Maam Kristine
Romero. Third floor ng dela Costa ang Fil dept. <3

Palomares, Camille Kate S.


145259
FIL11 DDDD

Sa kuwento ni Edgardo Calabia Samar na Si Janus Silang at ang Tiyanak ng


Tabon, ang konsepto ng bilis sa kwento ay tumutukoy sa tuwirang paglalapat ng mga
tradisyunal na elemento ng kulturang Pilipino sa modernong panahon. Sa bilis kasi ng
pagsulong ng teknolohiya sa bansa na sinaabayan pa ng mabilis na pagkalat ng
impluwensiya ng Kanluran, kapansin-pansin ang unti-unting pagkalimot sa mga
kwentong-bayan at iba pang mga elemento ng tradisyunal na kulturang Pilipino.

Makikita mula sa kwento na gumamit ang manunulat ng mga mitolohikal na


karakter mula sa mga mito at kwentong bayan ng mga Pilipino upang buuin ang mga
tauhang gumagalaw sa kanyang kwento. Dahil na rin sa mga mabilis na pagsulong ng
agham, naisasantabi ang mga kwentong ito bilang kathang-isip lamang dahil sa
kakulangan ng matibay na ebidensya upang patunayan ang kanilang pag-iral. Ngunit
sa kwentong ito, ginamit ng manunulat ang mga karakter na ito upang maging
basehan ng relasyon ng bawat tauhan maging ang mga desisyon na gagawin nila sa
bawat sitwasyon.

Nariyan ang bidang si Janus Silang, na may dugong Pusong na nakuha niya
mula sa kanyang ama, na sa mga mito ay nanggaling mula kay Pilandok. Nariyan rin
si Manong Joey na isa sa mga bayani sa kwentong ito na dala rin ng pagkakaroon niya
ng dugong Bagani. Maging ang katunggali nila sa kwento sa katauhan ng Tiyanak ay

nagmula rin sa mitong Pilipino. Sa kwento, nagpanggap na kapatid ni Janus sa


katauhan ni Juno ang Tiyanak dahil may dugong Pusong ito, na siyang makapagtuturo
sa kanya sa kinaroroonan ng kakamabal niyang si Tala.

Sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa kwento ng kanilang pinaggalingan,


binibigyang-kulay ng manunulat ang ibang perspektibo ng mito na hindi pa
nahahawakan at naiimpluwensiyahan ng Kanluran at ng modernong kultura. Katulad
na lamang ng Tiyanak na sinasabing isang bata na hindi nabinyagan, sa kwentong ito
ikinabit siya sa mga Tabon na nadiskubre sa mga kweba ng Palawan. Nariyan rin ang
konsepto ng paraluman, kung saan sa modernong panahon ay nakilala sa isang sikat
na kanta ngunit sa mitolohiya ay ginagamit upang gabay upang mahanap ang bagay
na hinahanap ng isang tao.

Hindi lamang iyon, makikita rin na ginamit ang konsepto ng bilis sa


paglalagay ng mga mitolohiyang karakter sa isang online role-playing game (RPG) na
pinangalanang Terra Anima Legion of Anitos, o TALA. Inihanay ng manunulat ang
larong ito sa mga pinakasikat na RPG ngayon tulad ng DOTA at League of Legends.
Sa larong ito, ang mga manlalaro ay may tinatawag na Bayani-Anito Tandem (BAT)
na kanyang pinalalakas at pinagagaling upang kalabanin ang ibat ibang klase ng anito
habang umaangat ang kanilang lebel.

Dito pumapasok ang konsepto ng bilis bilang taga-ugnay ng oras at espasyo.


Dahil may sariling espasyo ang napakaluma at napakatradisyunal ng mga
mitolohiyang pinagmulan ng mga karakter sa kwento, sinibukang ilagay ng

manunulat ang mga karakter na iyon sa modernong espasyo ng mga online gaming at
computer upang hindi tuluyang mapag-iwanan at makalimutan ng panahon. Ginamit
ng manunulat ang mga karakter na ito upang maging mga bayani at kalaban sa isang
laro habang ibinibida niya ang kakayahang makipagsabayan ng ating kultura sa iba
pang kulturang namamayani sa buong mundo.

Hango rin sa konsepto ng bilis ang konsepto ng efficiency, o ang ideya ng


epektibong paggamit ng limitadong enerhiya upang makapaghatid ng serbisyo. Dito
pumapasok ang burukrasya, o ang mga prosesong ginagamit sa pagpapalawig ng
impluwensiya at kapangyarihang nakatuon sa mabilisang paglalatag ng mga
pagbabago sa lipunan. Kaugnay rin nito ang konsepto ng kuryente, o yung mga bagay
na ginagamit upang mapabilis ang nasabing proseso. Sa kwentong ito, pumapasok ang
ideya ng efficiency hindi upang maghatid ng serbisyo ngunit para mahanap agad si
Tala.

Sa pagtutulungan ni Manong Joey at ng Tiyanak na nagpangggap na kaibigan


niyat may dugong Bagani noon, sabay nilang nabuo ang TALA. Ito ang kanilang
ginamit upang parehas nilang matunton ang kanilang hinahanap sa isang moderno at
sikat na kaparaanan. Dahil dito, sila ang may hawak ng burukrasya sapagkat sila ang
nagdisenyo ng bawat aspeto ng laro mga makakalaban sa bawat lebel, yung
mismong BAT na ginagamit ng manlalaro upang makagalaw sa birtwal na
kapaligiran, yung disenyo ng laro, at iba pa. Hindi lamang iyon, may kakayahan rin
sila na sumipsip ng impormasyon mula sa mga batang naglalaro dala na rin ng
kanilang kapangyarihan. Sa madaling salita, sila ang malakas maka-impluwensiya sa

pagdedesisyon ng mga manlalaro at sa bawat galaw na nangyayari sa loob ng larong


iyon.

Makikita rin ang burukrasyang hawak ni Manong Joey nang gamitin niya ang
kanyang psychic ability upang makumbinsi si Janus sa hangaring gusto niyang
matupad. Dahil kabilang si Janus sa mga modernong henerasyon ng kabataan,
mahirap paniwalaan ang sinasabi ni Manong Joey at Renzo tungkol sa kwento ng
Tiyanak at Tala at kung paanong nanganganib ang buhay niya at ng kanyang mga
mahal sa buhay dahil sa pagkakaroon niya ng dugong Pusong. Alam nilang limitado
ang kanilang oras at maaring galawan nang hindi nalalaman ng Tiyanak ang kanilang
motibo, at alam rin nilang mahalagang malaman nila ang motibo ng kanilang kalaban
upang hindi na ito makapanakit pa ng iba.

TALA ang nagsisilbing pinakapinaggagaligan ng kuryente sa kwentong ito.


Dahil alam nila na marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa paglalaro
ng mga RPG, ginamit nila ang laro upang mula sa mga batang iyon ay makahanap sila
ng may dugong Pusong na makakatulong sa kanila upang matunton ang kinaroroonan
ni Tala. Dalawa man silang nagtutunggali sa limitadong espasyong ginawa nila,
magkaiba ang hakbang na kanilang ginawa upang makalapit kay Janus na hindi lang
mabilis na umangat papuntang level 8 ngunit pati na rin na may dugong Pusong na
siya mismong hinahanap nila.

Pero higit sa lahat, kakikitaan rin ng burukrasya si Janus bilang isang


manlalaro at bida sa kwentong ito. Dahil siya ang manlalaro, siya ang gumagawa ng

mga estratehiya at desisyon upang makalampas sa mga pagsubok na nakalatag sa laro.


Sa mga galaw niyang iyon nakadepende si Manong Joey at ang Tiyanak upang
malaman nila kung si Janus nga ang susi nila para sa katuparan ng kanilang mga
plano.

Siya rin ang nagpatakbo ng kwento, hindi dahil siya ang bida, kundi dahil siya
mismo ang kuryenteng kinakailangan upang mahanap nila si Tala. Dahil dito, siya
mismo ang may hawak ng bilis. Siya ang susi upang mahanap si Tala, natural lamang
na gagamitin ang kanyang oras, enerhiya, at talino sa pag-eestratehiya upang
gumalaw sa susunod na lebel sa laro na maaaring maging susi nila sa pagtunton sa
kinaroroonan ni Tala. Siya rin ang may hawak ng desisyon kung ipagpapatuloy nga ba
niya ang paglalaro bagamat marami na ang nangyaring kababalaghan sa kanyang
buhay, at tinanggap naman niya ito sa huli.

You might also like